XIX

702 16 0
                                    

Ngayon ang araw na pupunta na ako sa amin para makadalaw ako sa puntod ng aking ama dahil death anniversary niya ngayon.

Taon-taon ay umuuwi ako sa amin para sabay kaming dumalaw ni Mama. Pero simula noong pumasok na ako sa pagsusundalo, hindi na ako nakadalaw ng ilang taon dahil mahigpit na ipinagbabawal sa amin ang pag-alis habang hindi pa kami ganap na sundalo.

Maglalabing-isang taon na rin simula nang mawala ang aking ama at masasabi kong mahirap ang pinagdaanan namin ni Mama dahil nawala na ang haligi ng tahanan sa aming pamilya.

Habang kumakain kaming mag-ina ay biglang may natanggap siyang mensahe. Napansin ko na namutla ang kanyang mukha nang nabasa niya 'yon.

Nakalagay sa mensahe na namatay na dead on arrival si Papa dahil nabaril siya sa digmaan noon sa Cebu noong taong 2010.

Hindi kami makapaniwala ni Mama sa nalaman namin at para sa akin hindi iyon totoo at isa lamang panaginip. Pero nung tumapak ako sa ospital na kung saan nandoon ang labi ng aking ama, unti-unti nang sumagi sa aking isipan na wala na nga talaga siya.

Hindi ko lubos maisip noon na isa siyang matapang at matalinong sundalo, pero bakit siya namatay? Kilala ang aking ama sa pagiging malakas at maliksi sa labanan lalo na't siya pa ang Chief noon.

Sumagi pa nga sa isipan ko na baka hindi talaga siya namatay dahil pinatay siya. Pero hindi rin naman makabuluhan ang aking iniisip dahil galing siya sa labanan kaya posible talaga na uuwi siya sa amin na wala ng buhay.

Hindi ko namalayan na ilang butil na ng luha ang tumulo mula sa aking mga mata dahil sa pag-alala ko sa pagkawala ng aking ama.

Kahit anong takas mo sa katotohanan at pagsasabi mo sa sarili mo na tanggap mo na, hindi pa pala dahil hanggang ngayon, lunod na lunod pa rin kami ni Mama sa kalungkutan simula nang mawala ang aking ama.

Pinunasahan ko na lamang ang aking mukha at paunti-unting kumalma dahil hindi rin naman matutuwa si Papa kapag nakita niyang malungkot pa rin kami ni mama.

Sinimulan ko nang kunin ang bag na aking dadalhin at tumingin pa ako ng huling beses sa salamin para tignan ang aking itsura kung ayos lamang ba.

Lumabas na ako ng aking silid nang tumunog ang aking telepono dahil may nagpadala ng mensahe sa akin.

One message received.

Unknown Number:

Good morning, this is Val. Mag-iingat ka sa pupuntahan mo. Sabihan mo rin ako kapag nakarating ka na sa inyo. Salamat.

Nagulat naman ako dahil alam niya ang aking numero sa aking telepono kaya itatanong ko kung paano niya nakuha 'yun.

Ako:

Magandang umaga po Capt. Paano niyo po pala nakuha yung numero ko?

Wala pang isang minuto at tumunog agad ang telepono ko at agad akong nakatanggap ng mensahe galing sa kaniya.

Fight For You (Military Series #1)Where stories live. Discover now