XXXVII

614 13 1
                                    

Nagising ako sa 'di pamilyar na lugar. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang aking bibig.

Naalala ko na makikipagkita sana ako kay Athena nang biglang pagharap ko ay may nagtakip ng aking bibig at dinala ako dito sa abandonadong lugar na malayo sa mga tao.

Nanggigil ako sa dalawang lalaki na nakabantay sa gilid ko, kanina pa nila ako tinitignan kung may gagawin ako o nagpaplano para makatakas.

Gustuhin ko mang bugbugin 'tong dalawang 'to ay hindi ko magawa dahil nakatali ang buong katawan ko sa makapal na lubid at tanging sumusuporta lang sa akin ay ang lumang upuan na kaunti nalang ay gigiba na.

Pinilit kong sumigaw pero hindi rin maintindihan ang gusto kong sabihin dahil sa nakatakip na tape sa aking bibig. Bigla akong sinigawan ng lalaking nagbabantay sa akin dahilan ng aking pagkagulat.

"Hoy! Huwag ka ngang maingay! Kanina ka pa ha! Kung hindi lang kami sinabihan ni ma'am na 'wag kang saktan baka kanina ka pa napuruhan sa amin!" sigaw sa akin ng lalaki.

M-ma'am? Ibig sabihin si-

Hindi na natuloy ang aking pag-iisip nang biglang nagpakita sa aking harap si Athena na may hawak-hawak na cake at nakangisi sa akin.

"Happy birthday Eyz, did you like my surprise for you?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Gusto ko siyang sagutin na sobrang galit ako sa kaniya ngayon pero hindi ko naman magawa. Titigan lang siya nang masama ang kaya kong gawin dahil sa sitwasyon ko ngayon.

Lumapit siya sa akin at tinanggal ang tape na nakatakip sa aking bibig. Agad ko siyang pinandilatan ng mata at sinigawan.

"Ano ba talagang gusto mo Athena? May nagawa ba akong mali sayo?" naiinis kong tanong sa kaniya.

Sa totoo lang, nang dahil sa ginawa niya ngayon, wala na akong natitirang awa sa kaniya dahil purong inis at galit nalang. Gusto ko siyang sigawan at saktan ngunit hindi ko magawa dahil ang buong katawan ko ang nakatali.

"Gusto ko? Hindi pa rin ba obvious sayo Eyz o nagbubulag-bulagan ka lang?" sagot niya.

"Baliw ka ring babae ka! Tatanungin ko ba kung alam ko?!" sigaw ko sa kaniya.

"Kaya mo na ako pagsalitaan ng ganyan ngayon Eyz? Ganyan ba katindi yung galit mo sa akin?"

"Hindi pa ba halata sayo? Galit na galit ako sayo! Dahil sa pamilya mo, nawalan ako ng ama! Nawalan ng asawa si Mama! Nawalan kami ng isang myembro sa pamilya namin!" sigaw ko sa kanya habang lumuluha.

"I-im s-sorry E-eyz, h-hindi k-ko n-naman s-sinasadya n-na i-itago s-sayo y-yun." utal-utal niyang sagot.

"Hindi mo sinadya pero nagawa mo na! Alam mo ba na ikaw nalang ang natitira kong kaibigan? Kinalimutan na ako ni Tyler kaya ikaw nalang ang naging kaibigan ko. Pero dahil sa ginawa mo, hindi na kaibigan ang turing ko sayo kung hindi isang hayop!" sigaw ko sa kaniya.

Fight For You (Military Series #1)Where stories live. Discover now