XIV

860 15 3
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari dahil pangalawang beses ko nang nakatapak dito sa opisina niya.

Ayoko na nga sanang pumasok dahil gusto ko lang naman ibigay 'yung niluto kong pagkain. Pero ayaw niyang bitawan ang kamay ko at hinila niya pa ako papasok sa loob. Naramdaman ko namang binitawan niya ang aking kamay nang pumunta na siya sa kusina.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kalungkutan nang bitawan niya ang aking kamay. Teka, bakit ganoon ang naramdaman ko?

Kumuha siya ng plato at kutsara para sa pagkaing niluto ko at sinenyasan ako na lumapit sa pwesto niya. Ayoko namang tabihan siya kaya pumwesto nalang ako sa tapat ng kanyang kinauupuan at sinimulan ko na ring ilagay sa plato ang kanin at ulam.

Nasa isip ko na bibilisan ko nalang ang pagkain para makaalis na ako agad dito at makauwi na dahil ayokong makasama itong lalaking 'to. Sobrang nakakailang ang bawat minuto na kasama ko siya.

Pinikit ko ang aking mga mata at nagsimulang magdasal dahil bata pa lang ako ay tinuruan na ako ng aking mga magulang na magpasalamat sa lahat ng biyayang pinagkakaloob ng poong maykapal.

Sakto namang pagdilat ko nang makita kong titig na titig siya sa akin at nagkatinginan pa kami ng ilang sagundo.

Agad naman akong umiwas ng tingin at sinimulan ko nang kumain. Pero kahit kumakain na ako ay ramdam ko pa rin ang pagtitig niya. Di pa rin siya nagsisimulang kumain kaya sinabihan ko siya.

"Bakit mo ako tinitignan? Tsaka simulan mo na ngang kumain nang makaalis na ako rito." kanina niya pa ako pinagmamasdan kaya kanina pa rin ako nanlalamig sa kinauupuan ko.

"Masama bang titigan kita? Sa pagkakaalam ko, wala pang batas na ipinagbabawal na tumingin sa isang tao." pilosopo niyang sagot. Hay nako, hindi nga masama pero isipin niya naman kasi ang nararamdaman ko.

Napataray nalang ako dahil sa sinabi niya. Agad ko namang napansin ang kaniyang pagngisi.

"Ewan ko, pero paunti-unti kong nagugustuhan 'yang pagtataray mo."

"Alam mo Capt, gutom lang po 'yan. Kung ako sayo, ikakain ko nalang kaysa naman ako pa ang makaubos nitong pagkain na binigay ko sayo." suway ko sa kaniya. Nakakahiya naman kasi na siya ang dinalhan ko ng pagkain pero ako ang nakaubos nito.

"Mas ok nga 'yon para tumaba ka, ang payat-payat mo kasi." asar niya sa akin.

Kanina pa kumukulo dugo ko sa lalaking 'to kaya nag-iingat ako sa kinikilos ko dahil baka mabato ko 'to ng tinidor. Sabihan ba naman akong mapayat, sino ba namang matutuwa roon 'di ba?

"Hindi nga, walang problema sa akin na ubusin mo lahat 'yan. Nakakain naman na ako pagkauwi ko." seryoso niyang sabi habang binabalatan ang mansanas na hawak niya.

"Binibiro lang naman po kita na mauubos ko 'to, tsaka kumain na ako kanina. Para sayo po talaga 'to kaya kainin mo na." dahil sa sinabi ko ay agad niyang tinikman ang luto ko. Marunong naman pala siyang umintindi.

Fight For You (Military Series #1)Where stories live. Discover now