IWSLU, IP 16

48 4 0
                                    

Chapter XVI

"Wow! i really miss this place, maraming nagbago ha!." sabi ko kay Raymond, ilang months na rin kasi nung huli akong pumunta rito, mas gumanda pa ang kanyang resto at mas marami na ring tao ang pumupunta rito.

"Yup marami talagang nagbago rito, we have a renovation last week at look, look." dali-daling binuksan ni Raymond ang pinto.

"Wow this is amazing." mangha kong sabi, isang full crystal na chandelier ang nakasabit sa gitna nang kanyang resto.

"I know right, alam mo namang matagal ko nang pangarap na magkaroon ng chandelier sa aking resto diba?." sabi ni Raymond.

"Yes sis, and you finally have a chandelier, im so proud of you." pagkatapos kong sabihin yun ay agad ko siyang niyakap, maluluha niya rin akong binitawan.

"Im also happy na masaya ka sissy."

"Ang OA mo talaga."

"Nakakasira ba ako sa drama niyong dalawa?" nanlaki ang aking mga mata dahil sa pamilyar na boses.

"Dominic?, What? anong ginagawa mo rito?" agad ko siyang niyakap nang makalapit ito sa amin.

"This is our surprise for you sissy, Uhmm Dominic and i, were engaged." masayang sabi ni Raymond sa akin, i felt so much joy right now. Two of important people in my life is engaged. Finally nahanap na rin ni Dominic ang taong magpapaligaya at magmamahal sa kanya nang walang hanggan.

"Wow, i don't know what to say."

"How about congratulations." sabi ni Dominic. Napatawa naman ako sa sinabi niya.

"And finally Reese, i hope makapunta ka." Raymond gave me an invitation letter for his 35th birthday.

"Eto talaga parang tanga, syempre pupunta ako, ano pa at naging magbestfriend tayo diba?." pagkatapos ng kanilang surprise sa akin ay nagpatulong na rin si Raymond para sa design at decorations for his birthday, i want to give the best birthday for this young lady. Hahaha.

5:30 pm, maaga akong dumating sa Ray.n.bow para e-check kung may mga kulang pa ba or maayos na ang lahat, pagkatapos kong ayusin ang dapat ayusin ay pinuntahan ko na si Raymond sa kanyang kwarto para kamustahin ito.

"Hey hey hey happy birthday." bati ko sa kanya.

"Thank you sissy." he hug me.

"Are you ready for this event?." sabi ko nang maka-upo sa sofa.

"Of course, you know what mix emotions ako ngayon." madrama nitong sabi.

"I know, don't worry i will be right beside you always." hinawakan ko ang kanyang kamay at pinisil ito.

"Happy birthday Ray Ray." biglang bumilis ang tibok ng aking puso nang marinig ang boses ni Chase, di ko alam na pupunta pala siya. He looks at me nang makaharap ito at may bitbit siyang malaking box.

"Thank you Chase." tumayo si Raymond at niyakap siya nito, mas lalo akong nailang dahil hindi umaalis ang tingin ni Chase sa akin kaya mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso, bakit ganoon parang napako ako sa aking inuupuan.

"Ang laki naman nitong regalo mo sakin, ikaw ha nag-abala ka pa talaga."

"Sus wala yun and besides its your birthday." hinalikan niya si Raymond sa pisngi.

"Jan na muna kayo ha, dadalhin ko muna itong regalo ni Chase sa labas." paalam ni Raymond.

"Ako na ang magdadala niyan sa labas." presinta ko rito.

"Wag na, pahinga ka muna jan alam kong pagod ka dahil sa dami ng ginawa mo ngayong araw." sabi nito at agad nang lumabas. Now i feel this awkward moment sa kwarto.

I Will Still Love U, I Promise... (BoysLove) COMPLETEDWhere stories live. Discover now