IWSLU,IP 3

167 15 0
                                    

Chapter III

Nakaparada ako sa harap ng pinapasukang kumpanya ni Reese, kilala na rin ako ng kanyang mga katrabaho dahil palagi ko siyang sinusundo tuwing out niya na.

"Boss magandang hapon po." bati ko sa guard na nakaduty ngayon.

"Oy ikaw pala Chase, sunduin mo si Reese?" tanong niya sa akin, obviouse ba? Kaya nga ako narito eh, si manong guard talaga alam niya namang araw-araw ako rito at palaging sinusundo si Reese magtatanong pa tsk...

"Ay opo boss, wala pa ba siya?" sagot ko naman rito.

"Wala pa eh, hindi pa siya nakapaglog-out." sagot niya naman sa akin. Tumango lang ako sa kanya at binagyan niya ako ng upuan, habang naghihintay ay nag-uusap lang kami ni manong guard.

"Anong pinag-uusapan niyo? Parang ang seryoso ah, out na po ako kuya Bert." sabi ni Reese.

"Oh prince charming nandito na pala ang princessa mo." napangiti naman ako sa sinabi ni manong guard nginitian ko si Reese at kinuha ang kanyang bag.

"Ano Reese? wag mo nang pahirapan ang batang yan sagutin mo na, mukhang iba talaga tama sayo eh." tukso ni manong guard sa kanya.

"Hahaha kuya bert talaga, sige po alis na kami." tanging sagot lang nito sa guard, kalat na kasi na nililigawan ko siya, nakayuko habang naglalakad si Reese dahil halata talaga ang pagpula ng kanyang mukha.

"Araay, oh bakit." isang malakas na suntok sa braso ang binigay niya sa akin nang makarating kami sa Ray.n.bow Resto.

I Will Still Love U, I Promise... (BoysLove) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant