IWSLU, IP 20 (FINALE)

64 3 0
                                    

CHAPTER XX (FINALE)

Pagtapos sabihin ni Chase ang masamang balita ay agad na kaming pumunta sa lugar kung saan natagpuang patay si Chloe, pagdating namin doon ay agad ko siyang niyakap, sabi ng mga pulis ay nahulog raw sa ginagawang tulay ang sasakyan ni Chloe, pero my nakita silang mga saksak sa kanyang likod at may pasa ang kanyang kamay dahil sa mahigpit na pagkakagapos rito, sino naman kaya ang walang kaluluwa ang may gawa nito. I think Chloe is abducted by someone dahil ilang araw na itong nawawala. Pinakita rin ng mga pulis ang maaring ibedensya sa kaso ni Chloe, napansin ko ang necktie na nasa loob ng ziplock na hawak ng pulis at bigla akong kinabahan.

Hapon na nang nakauwi kami galing crime scene hinatid naman ako ni Raymond, pagdating ko sa bahay ay naka-upo si Tian sa sofa habang nanonood ng balita, hindi ko siya pinansin at diretcho akong umakyat sa aming kwarto, hanggang ngayon kasi hindi pa rin maalis sa utak ko ang ginawa niyang pagbaboy sa akin kahit na ilang ulit na siyang humingi ng tawad, nandito pa rin ang takot sa aking dibdib. Pagkatapos kong maligo ay agad na akong humiga sa kama, narinig ko ang pagbukas ng gate at pagsara nito, tumayo ako at sinilip ang papaalis na sasakyan agad kong hinanap ang necktie na binigay ko kay Tian noong kaarawan niya.

October 12 2019
Maaga akong nagising dahil sa pagtunog ng aking alarm, today is Tians birthday bumangon ako at hinalikan ang lalaking katabi ko ngayon, gumalaw ito at niyakap niya ako.

Bumaba ako ng kusina at nagluto ng aming almusal, its already 6:20 am na pala, i cook fried rice, scrambled egg and hotdog at dinanala ko na ito sa taas. Nilagay ko muna ang niluto ko sa study table at muling bumalik sa kusina para magtimpla ng kape. Ginising ko si Tian and he was surprise to see me holding a cake, he smile at me.

"Happy birthday babe, make a wish and blow your candle." malambing kong sabi sa kanya.

"Thank you babe." sabi nito at inihipan na ang kandila.

"What?" kunot noo kong tanong dahil sa malagkit nitong titig sakin.

"You can blow my candle if you want." nang-aakit nitong sabi. Mahina ko siyang hinampas dahil sa sinabi nito, at tumawa kaming dalawa.

I prepare a simple celebration for Tian with the help of syempre the one and only Raymond, kaunti lang naman ang naging bisita niya, bago matapos ang kaarawan nito ay binigay ko sa kanya ang aking regalo isang nectie, i know he likes a necktie dahil sa ibat- ibang koleksyon nito, pinasadya kong ipa-embroid ang aming initial sa kanyang necktie as a sign of my love for him.

Halos kalahating oras din ang ginugol ko sa paghahanap sa nectie pero wala akong makita, but i found something that makes my heart explode, i read all the papers in his envelope, no it can't be Chloe is Tians little sister? Biglang nawala ang malay ko dahil sa panyo na nakatakip sa aking ilong.

Nagising ako na nakatali sa upuan at may takip ang aking bunganga, i saw Tian leaning on the door, lumapit siya sa akin at tinanggal ang takip.

"Tian, pakawalan mo ako rito."

"You know what ang pinakaayaw ko sa lahat ay pakealamera at yung madaming alam." sabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?."

"Ha! Maang-maangan Reese? Do you think i dont know everything? What do you think of me? A simple businessman na tanging alam ay magpatakbo ng naluluging kumpanya? No! Beacause i have an eyes and ears everywhere, i know what your doing." sabi nito habang dahan-dahang umiikot sa akin.

"Pwede ba Tian, im not fun with your stupid games, pakawalan mo na ako rito." kalmado kong sabi, i need to calm my self, i need to make a plan kung pano ako makawala sa hayop nato.

I Will Still Love U, I Promise... (BoysLove) COMPLETEDWhere stories live. Discover now