IWSLU, IP 7

113 12 0
                                    

Chapter VII

Ilang linggo ang nakakaraan nang makatanggap ako ng mensahe galing kay Reese papunta siya ngayon dito sa resto, i need to prepare some food para sa kanyang pagbabalik.

"Nasaan ka na?" tanong ko nang matanggap niya ang aking tawag.

"Im on my way, baka medyo ma late lang ako ng kaunti dahil sobrang traffic pa." sagot niya naman sakin.

"Ok, masaya ako sa iyong pagbabalik besty." sabi ko rito at binaba na ang tawag.

Ilang oras pa ako naghintay sa pagdating ni Reese and finally he's here, patakbo akong pumunta sa kanya niyakap ko siya nang mahigpit, he's totally different tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa tinaasan ko muna siya ng kilay bago hinampas ng dyaryo.

"Grabe yan ba ang pa welcome mo sa akin?" sabi nito sa akin.

Pagkatapos ko siyang tawanan ay agad ko siyang kinaladkad papasok sa resto, pinaupo ko siya malapit sa bintana at binigyan ito ng paborito niyang inumin, habang umiinom siya ng mochaccino ay pasimple ko siyang kinunan ng litrato.

"If you want to see him once again, don't waste any time." type ko sa aking cellphone at sinend ito kay Chase, nangako ako sa kanya na kapag nagparamdam si Reese sa akin ay agad kong ipapaalam ito sa kanya.

Reese's POV:

"Wag mong kalimutan na pumunta sa Ray.n.bow mamaya, ok?" basa ko sa mensahe ni Dominic.

Lumabas ako ng balconahe at pinagmasdan ang magulong syudad, nagdadalawang isip ako kung pupunta ba ako o hindi, I'm not ready to face that guy and his family.

One week earlier,

"Finally you're here." sabi sa akin ni Dominic, pagkatapos niya akong tawagan ay agad ko siyang pinuntahan sa sinabi nitong address.

"Ikaw ha!, hindi ka manlang nagsabi na uuwi ka ng Pilipinas." sabi ko rito.

"I want to surprise you." nakangiti nitong sabi, nakasunod lang ako sa kanya habang papunta kami sa kanyang room.

"Matanong ko lang?, sino ba tong business partner na sinasabi mo?" takang tanong ko sa kanya.

"You mean Chase Natividad?" natuod ako sa aking kinatatayuan nang sabihin niya ang pangalang iyon, bigla nalang ako nakaramdam ng sakit.

I sip in my cup as i feel the heat of the sun in my skin, now i believe in a song that "its a small world after all", there's no reason for me to hide anymore i need to face him.

Late na akong nakarating sa Ray.n.bow i see Raymond playing with this two unfamiliar kids, i just say hi to them as i enter the resto, nagwave lang naman ang bakla at tinuro kung nasaan si Dominic. Nang makalapit na ako sa pinto ay nakarinig ako ng mga taong nag-uusap sa loob.

"We can't start the meeting without my partner." rinig kong paliwanag ni Dominic.

"Partner?, you mean your wife?" sabi naman ng babae.

"I'm sorry, I'm late." sabi ko nang makapasok ako sa loob.

"I don't have a wife but i have a good friend, Mr. & Mrs. Natividad this is Reese Montemayor my business partner." pakilala naman ni Dominic sa akin.

Now i feel this awkward feeling in this room, nakita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata.

"Nice to meet you Mr. & Mrs. Natividad." bati ko sa kanila habang nakangiti. Tumayo si Chase at inabot ang aking kamay, i can still feel the electricity that flows in his hands, agad kong binawi ang aking kamay nang marahan niya itong pinisil, Chloe gave me a plastic smile as i shake her hand.

Kumain muna kami bago magsimula ang meeting, hindi ko maiwasang mailang habang magsalita dahil panay ang titig ni Chase sa akin.

Kriiiiiiing.

"I think your phone is ringing Mr. Montemayor." biglang sabi sakin ni Chloe, sinadya ko talagang itext si Raymond para tawagan niya ako, i excuse myself para sagutin kunwari ang tumawag sa akin.

"Yes, ok I'll be right there." sinadya kong iparinig sa kanila.

"Uhmmm, Dominic, Mr. & Mrs. Natividad I'm sorry but i need to go, kailangan ko pang sunduin ang pinsan ko." sabi ko habang inaayos ang aking bag.

"Magkita nalang tayo mamaya sa apartment Mr. Montemayor." pormal na sabi ni Dominic, binigyan ko nalamang siya ng ngiti bago ako umalis ng kwarto.

Galit ako sa aking sarili dahil mahina ako pagdating kay Chase, galit ako dahil akala ko makakalimutan ko ang sakit na naidulot niya sa akin pero nagkamali ako. Pasimple kong pinahiran ang mga luhang lumabas sa aking mata, i bitterly smile at Raymond when he see's me leaving his place. Pumasok ako sa sasakyan ni papa at pinaharurut ito ng takbo.

After i left that resto i found my self sitting in a bench watching the sun slowly disappear. Habang nagmumuni-muni ay napatingin ako sa magkasintahan na naghaharutan, napangiti nalang ako nang maalala ang panahon na magkasama pa kami ni Chase.

"Ang ganda talaga ng tanawin rito." napatayo ako nang marinig ang pamilyar na boses sa aking likuran, its Chase and he's holding a bouquet of flowers.

"Happy anniversary my donkey." bati niya sa akin, i brightly smile and i hug him tightly.

"Look ma he's smiling, baliw ba siya ma?" napabalik ako sa aking ulirat nang sabihin iyon ng bata sa kanyang ina, maybe that kid is right? maybe I'm crazy because after all this years i can't still forget the person who make me like this, ramdam ko ang paglamig ng hangin at dahan-dahang pagtulo ng ulan kasabay nito ang pag-agos ng aking luha, bakit kailangan ko pang maramdaman ang sakit na ito.

To be continue...

Hello guys... Sorry ngayon lang naka update busy lang this past weeks..

Special thanks sa lahat ng nag add ng aking story sa inyong reading list at sa lahat ng nag vote maraming salamat po.

Kayo po ang inspirasyon ko para ipagpatuloy ang kwento nina Reese at Chase..

I Will Still Love U, I Promise... (BoysLove) COMPLETEDWhere stories live. Discover now