IWSLU, IP 17

37 5 0
                                    

Chapter XVII

Reese's POV

"Im sorry for not protecting you, im such a jerk." and his tears flows down in my shoulders. "I still love you Reese and if you gave me a chance to make things right, i will prove to you that i can win you back." hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko, lumabas na rin ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Kumawala si Chase mula sa pagkakayakap sa akin at patakbo niyang tinungo ang pinto, naiwan na naman akong mag-isa at umiiyak sa gitna ng dance floor, hanggang ngayon duwag pa rin siya. Bakit Chase? bakit nagawa mo sakin to? ba't napakadali lang sayo na iwan ako ng ganito? Dahil sa pag-iyak ko hindi ko namalayan na may mga bisig na nakayakap sa akin, yakap na hindi ako iiwan kahit ano man ang mangyari. Tumingala ako para makita kung sino ang taong yun.

"Ngayon ko lang nalaman na ang pangit mo palang umiyak." napangiti naman ako dahil sa sinabi niya kaya napahampas ako sa kanyang braso, yumuko ako at sinubsub ang aking mukha sa kanyang dibdib, buti nalang at nandito siya; pinawi niya lahat ng sakit na iniwan sakin ni Chase.

"Akala ko ba hindi ka makakarating?" parang bata kong tanong rito, ngumiti siya at ginulo ang aking buhok.

"Maagang natapos ang meeting namin kaya naka abot pa ako kahit parang patapos na ang selebrasyon." muli na naman akong natawa sa sinabi niya.

"Ang sabihin mo madaling araw na kayo natapos." natatawa kong sabi rito. Bago kami umalis ay pinuntahan muna namin sina Raymond at Dominic. Nagpaalam lang kami sa kanila at agad na ring umalis.

"Hey are you ok?" pukaw pansin sa akin ni Tian, hinawakan ko ang kanyang kamay at nilagay ito sa aking pisngi.

"Gaano mo ba kakilala ang lalaking mahal mo ngayon?" bigla pumasok sa aking isip ang sabi ni Chase, gaano ko ba talaga ka kilala si Tian? kahit sampung buwan na kaming magkakilala nito ay never kong narinig na ikinuwento niya sakin ang kanyang pamilya o kung saan siya nagmula.

"Tian? may itatanong lang sana ako sayo, wag ka sanang magalit." paalam ko sa kanya.

"Ba't naman ako magagalit?" takang tanong niya sa akin.

"Sino ka ba talaga?" lakas loob kong tanong rito.

"Anong klaseng tanong yan?" natatawa niyang sabi.

"Nagtataka lang kasi ako, look ilang buwan na tayong nagsasama pero di pa rin kita lubus na kilala, kahit pamilya mo nga di mo na ekwento sa akin." sabi ko rito.

"Gusto mo bang makilala ang pamilya ko?" tumingin siya sa akin kaya napatango ako.

"Sige." bigla niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. "Hi! Im Christian Dela Cruz." inilahad niya ang kanyang kamay pagkatapos niyang magpakilalala, agad ko naman itong tinanggap. "Sa katunayan sa Bulacan ako lumaki, tatlo kaming magkakapatid isang mangigisda ang aking tatay at kasambahay naman ang aking nanay." kwento nito sa akin, napatahimik ako dahil dito, ngayon alam ko na ang kwento ni Christian, pero ano nga ba ang totoo?

"Chase pwede bang sagutin mo ngayon ang tanong ko kanina?" hindi ko na talaga kaya, parang sasabog na ang utak ko sa kakaisip nang sinabi niya sa akin.

"Fine, pero bago yan isang shot pa." ibinigay niya sa akin ang isang baso at sabay kaming napa bottoms up. "Christian Dela Cruz isang kilalang sindikato sa London, now you know you're in relationship with a criminal Reese, thats why habang may oras pa hiwalayan mo na siya para hindi ka mapahamak, this not a script writing or a fake news Reese, if you want some evidence you can come to my house and i will show you the documents." kahit lasing na siya ay seryoso pa rin ito.

I want to know everything about Christian, totoo kaya ang sinabi sakin ni Chase o gawa-gawa niya lang lahat yun para siraan ito at bumalik ako sa kanya?

I Will Still Love U, I Promise... (BoysLove) COMPLETEDWhere stories live. Discover now