IWSLU,IP 5

142 13 2
                                    

Chapter V

Ilang araw ko nang napapansin ang pagbabago ni Chase, masayahin ito at palagi niya na akong nilalambing.

Pinagmasdan ko ang natutulog kong asawa, hinaplos ko ito sa mukha at hinalikan ang kanyang labi, pinatong ko ang aking ulo sa kanyang dibdib at mahigpit siyang niyakap.

"Good morning hon." bati ko kay Chase nang makababa na ito ng hagdan.

"Morning hon, ang aga mo atang nagising? Anong meron?" takang tanong niya sa akin habang inaayos ang kanyang long sleeves.

"Wala lang, ginagampanan ko lang ang pagiging asawa ko sayo." sagot ko naman sa kanya, ngumiti ito at lumapit sa akin sabay halik sa labi.

Pagkatapos kong asikasuhin ang aking asawa ay agad kong pinuntahan ang mga bata na mahimbing pang natutulog, dahil sabado naman ngayon at maaga pa ay hindi ko nalang sila ginising.

Nakaupo ako sa sala at gumagawa ng aking lesson plan nang tumunog ang telepono ng aking asawa, naiwan niya ito sa ibabaw ng lamesa dahil sa sobrang pagmamadali na makipagkita sa aming mga investors, binasa ko ang mensahe galing kay Mr. Aquino magkikita pala sila bukas kasama kami, pagkatapos kong basahin yun ay agad ko nang tinago ang kanyang telepono at pinagpatuloy ang naudlot kong gawain.

Mag-aalas onse na ng gabi pero hindi parin nakakauwi si Chase, nag-aalala na rin ako sa kanya hindi ko naman ito matawagan dahil naiwan niya ang kanyang telepono dito sa bahay. Nakahiga na ako sa kama nang marinig ko ang pagdating ng kanyang sasakyan, mabilis akong bumaba para salubungin siya. Isang lasing na Chase ang bumungad sa akin habang akay-akay ito ng dalawang empleyado, dahan-dahan nila itong inihiga sa sofa.

"Anong nangyari ba't nalasing si sir niyo?" tanong ko sa dalawa.

"Nagkaroon po ng kaunting selebrasyon kanina sa shop mam birthday po kasi ni sir santos." paliwanag nito.

"Ganun ba?, Cge magpahinga na rin kayo, salamat ha, pasensya na kayo naabala pa kayo ni sir niyo." sabi ko sa kanila.

"Ok lang po mam, cge po mauna na kami." tumango lang ako at hinatid sila sa labas ng gate.

Pagbalik ko sa loob ng bahay ay agad akong kumuha ng planggana na may lamang tubig at pinunasan ang katawan ni Chase.

"Mahal kita Reese, miss na miss na kita." napatigil ako sa pagpupunas ng marinig iyon, ibang kirot ang dulot ng mga salitang iyon sa akin, hanggang ngayon hindi niya pa rin nakakalimutan ang baklang yun.

Pagkatapos kong bihisan at kumutan si Chase ay tinungo ko ang ref at kumuha ng beer, gusto kong magpakalasing ngayong gabi para samantalang kalimutan ang sakit na nararamdaman ko.

Nagluluto ako sa kusina nang magising ang aking asawa napahawak pa ito sa kanyang ulo, kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at binigay ito sa kanya, yan kasi ang una niyang hinahanap kapag may hangover ito.

Pinagluto ko rin siya ng bulalo para lalong mawala ang sakit ng kanyang ulo, pagkatapos naming mag-almusal ay nag-ayos na kami ng mga bata, gusto kasi kaming makita ni Mr. Aquino ang bago niyang business partner.

Pumarada kami sa isang sikat na resto dito sa pilipinas ang Ray.n.bow, pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ng crew ng resto, nagulat pa si Raymond nang makita kami ni Chase, sandali muna silang nag-usap bago niya kami dalhin sa isang private room. Pagpasok namin ng kwarto ay nakaupo sa dulong bahagi ng mesa ang isang lalaki ito siguro si Dominic Aquino, tumayo siya at lumapit sa amin.

"Hello Mr.Aquino this is my wife Chloe and this is my kids." pakilala sa amin ni Chase, inabot ko ang kanyang kamay at nakipagshake hands rito.

"You have a beautiful wife, bagay kayo." sabi niya habang nakangiti.

I Will Still Love U, I Promise... (BoysLove) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon