Chapter 7

10 5 0
                                    

"Xar, Gumawa kaba ng assignment kagabi?" Bulong sa akin ni kylee habang binabantayan na dumating ang teacher namin, para sa First Subject

"Yun nga eh, Wala pa akong assignment, Nakalimutan ko gumawa kagabi" katol ulo kong sagot sa kanya

Dumating na ang teacher namin sa first subject na wala kaming assignment ni Kylee, Kaya ayan, Dahil sa kami lang ni kylee ang di nakagawa ng assignment sa buong klase, Kami lang din dalawa ang maglilinis ng buong cr. Urgggghh! Bat ba kasi nakalimutan kong mag-gawa ng assignment, tsaka ang others ng mga kaklase namin kasi hindi nagpapakopya, Grabi, Sila lang ba gusto mag graduate!

"Sasusunod ha? Wag muna kalimutan mag-gawa ng assigment" Pairap na wika ni kylee habang nagpupunas ng mga dumi sa bowl

"Opo madaaam!" Pairap na sagot ko din sa kanya

"Alam mo pre, Yung bagong estudyante sa STEM, grade 12 ata yun, Grabi pre ang ganda nya sobra, Tapos ang sexy, Nakaka in love pare!" Wika ng isang lalake sa kaibigan nya ng makarating sila dito sa cr

Ang tsimoso naman ng mga 'to, Akala mo hindi lalake!

"Alam mo pre, Simula ngayon, Titigil tigilan kuna ang pagpapantasya don sa babaeng yun, kasi dinidiskartehan na'yun ni Brylle, Alam mo naman na pag si Brylle ang na in love, Alam muna talo talaga tayo" Sagot naman ng isang lalake, Bago umalis, Matapos mag hugas ng kamay

"Hoy Xar!" Pabigla biglang wika ni Kylee

Ang tahimik tahimik ko di'tong naglilinis tapos bigla syang magsasalita, Aba'y naka drugs ba itong pinsan ko?!

"Ano ba??!" Pairap na sagot ko sa kanya ng makasulpot sya sa harapan ko

"Totoo ba'yung mga kwento ng mga lalake kanina?" Aniya

Kung tsismoso ang dalawang lalakeng yun, Aba'y wala nang mas t-tsismosa pa sa pinsan kong si Kylee

Hindi ako sumagot sa kanya kaya nagsalita nanaman sya

"Diba grade 12 si Brylle? STEM, sila ni Dash my loves" wika nya sa akin

Oh tapos lee?

hindi parin ako sumagot sa kanya habang nakatitig parin ako sa expresyon nyang nakaka umay, Bat parang gulat na gulat sya

"Eh, Kung STEM si Brylle, Siguro sa klase nila nakapasok yung babaeng pinag uusapan ng dalawang lalake kanina" Wika nya

"Ano naman ngayon kung nandoon yung babae?" Sagot ko

"It means, Totoo nga na dinidiskartehan ni Brylle yung babae" Di parin sya tumitigil sa kakangaw-ngaw ng bibig nya

"Oh tapos? Ano naman ang pake mo kung dinidiskartehan yun ni Brylle?" Nakataas kilay kong tanong sa kanya

"Diba nililigawan ka ni Brylle?" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya kaya dali dali kong tinakpan ang bibig nya

Baka may makarinig! Mali pa naman ang tsismiss nya

"Saan mo naman narinig yang fake news mo?" Tanong ko sa kanya habang tinatakpan parin ang bibig nya gamit ang dalawang kamay ko

"Feel ko eh" Sagot nga ng makuha nya ang kamay ko sa bibig nya

"Kylee, Pati yung feeling's mo ay mali! Tigil tigilan mo na'yang tsismiss nayan, Baka umabot pa ito kay Brylle nakakahiya!" pairap na wika ko habang pinapatuloy na ang paglilinis

"Uy Ms. President!" nagulat ako ng may biglang pumasok sa Cr at nagsalita

Dali dali kong nilingon ang tumawag sa akin at nakita ko si Dash

"Woa woa woa! Ms. Xahara Collins, The SSG President, naglilinis ng Cr, Aba bago na'to ah, Pinarusahan kaba ng teacher nyo?" natatawang wika nya

"Naglilinis kami madumi yang sapatos mo, mag paa ka kung gusto mo pumasok! Tsaka hoy excuse me! Hindi lang naman ako ang pinalinis dito sa Cr! Kasama ko ang girlfriend mo, Hello!" Pairap na sagot ko sa kanya, Nakakainis kasi, Papasok nanga'lang ng cr, Ang ingay ingay pa!

Agad namang sumulpot sa harapan namin ni Dash si kylee, At agad nagyakapan

Pda yang ginagawa nila ah! Pati ba naman sa Cr maglalandian! Hindi na nahiya sa mga tae na nagtatago para lang hindi makita ang kalandian nila

Kung kelan pa ako badtrip na badtrip, Yan pa sila

Napairap nalang ako sa kawalan at pinagpatuloy na ang paglilinis

"Dashien Blake, tara na-" Napahinto sa pagsasalita si Brylle ng makita nya kami dito sa cr

"Buwan?" Nanliit ang mata nya ng makita ako.

Nginitian ko sya sandali bago tunuloy ang paglilinis para madali, Ayokong ma absent sa second subject jusko.

"Buwan anong ginagawa nyo dito?" Tanong nya sakin ng nagtataka

Di ko nalang sya sinagot at umalis sa tabi nya, sa kabilang lababo naman

"Dash, Who's Hanna, nakiring ko kasi bulong bulongan ng mga kaklase nyo kanina e?" Relax pero nanggigigil na tanong ni Kylee sa boyfriend

"Ahh, bagong kaklase namin" Sagot naman ni Dash

So hanna ang pangalan nung chinika ng mga juniors year kanina

"Buwan galit kaba sakin?" Nagtatakang tanong ni Brylle habang patuloy parin sa paglapit sakin

"Ha? Hindi, bat naman ako magagalit sayo, Minamadali ko lang 'tong ginagawa namin kasi para makapasok na kami sa second subject" Sagot ko sa kanya ng di sya tinitignan

Pagkatapos kong magsalita ay naramadaman ko nalang na hinubad nya ang polo nyang uniform at inner white t-shirt nalang ang naiwan, Kaya napatingin ako sa kanya

"Let me help you." Walang emosyong wika nya habang kumukuha ng pamunas para tulungan ako

"Ang sweet naman ng couple na'yan" Pang aasar na sigaw ni kylee

Wow! Samantalang sya diyan nag lalandi kay Dash, eh di nanga tumutulong sa paglilinis

"Brylle, Kami na ni kylee dito, Umalis na kayo, Baka maabsent pa kayo sa subject nyo" sabi ko sa kanya pero parang hindi nya narinig

"Vacant namin ngayon, Tutulungan nalang namin kayo ni Dash para makapasok na kayo sa second subject nyo" Nakangiting sabi nya bago pinagpatuloy ang ginagawa nya, Kaya napatitig ako sa kanya

His nose, His eyes, His face shape, His perfect, yung hikaw nya sa kabilang tenga, His smile. Urghhhh, badboy ang dating, Pero nakakafall yung kalooban. Habang nakatitig ako sa lalaking 'to, Siguro ang swerte ng magiging girlfriend nito kung tutuusin.

"Hoy Xahara!"

"Xaaarrr!"

Bigla akong natauhan ng magsalita si Kylee, Ilang minuto na pala akong nakatitig kay Brylle

Goshhh. Nakakahiya.

"Uh-ah- s-sorry" Hindi ako nakatingin ng diretcho sa kanya ng dahil sa hiya

Napatingin ako kay kylee at dash na nang aasar na ngiti ang binigay sakin bago ko sulyapan si Brylle

I saw the way he look at me, Gosh, His smirking.

"Ayos kalang buwan?" Tanong nya kaya tumango ako ng di sya tinitignan

"Sure ka?" Dagdag nya kaya tumango ulit ako ng hindi parin sya tinitignan

"Alam mo buwan, Ayos lang naman na titigan mo ako, I wont mind, Libre yun para sayo, Kasi sa iba, May bayad" Pang aasar na bulong nya sakin saka nya pinagpatuloy ang ginagawa nya

--------------------------------------------------------------------------------

<3

BuwanWhere stories live. Discover now