Chapter 37

11 1 0
                                    

Trigger warning: mention of death.

Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ni papang umiiyak

“Pang bat naman ganun?” Salita ko

“Bat naman kaylangan ako pa ang sasalo lahat ng manlolokong lalaki sa mundo, Pang ganun ba ko ka malas sa buhay at dala-dalawa talaga ang manloko sakin?”

“Pang, Napapagod na ako eh.”

“Kasi hindi ko pa natatanggap ang ginawa noon ni Brylle ngayon naman si Gerald.”

“Pang, Kaylangan kita, kaylangan na kaylangan kita.” Sabi ko saka naramdamang tumulo nanaman ang luha ko

Matagal akong nakaharap sa puntod ni papang hanggang sa mag ring ang cellphone ko

Boss Brylle Calling…

“Sir Brylle?” tanong ko ng masagot ko ang tawag

[Nandito ako sa ospital, Gising na si mamang, Hinahanap ka.] Aniya sa kabilang linya kaya dali dali akong tumayo at pinusan ang luha

“Sige, Papunta na ako.” Sagot ko sabay patay sa tawag

“Pang, Magpapa-alam na ako, Gising na’daw si mamang, Babalik nalang siguro ako sa susunod, Bye pang, I love you.” Sabi ko sabay alis

“Mang?” Tawag ko ng mabuksan ko ang pinto sa kwarto ni mamang

Kita kong nakangiti si mamang ng makita ako kasama si Brylle sa loob

“Kamusta anak?” Tanong nya kaya agad ko syang nayakap

“Namiss kita.” Sabi ko ng mayakap parin sya

“Si Rana?” Tanong nya

“Nasa eskwela mang.” Sagot ko kaya napatango sya, Pero lumingon lingon parin sya sa paligid na parang may hinahanap pa

“Ang papang mo? Nasa sabongan nanaman ba?” Tanong nya na ikinatahimik ko

“Yung papang mo talaga kahit kaylan ayaw talaga umabsent sa sabongan.” Sabi nya ulit

Sana nga ganun nalang ma, Sana nga nasa sabongan lang si papang

“Wala na si papang, mang.” Sabi ko sabay yuko

“Anong pinagsasabi mo?” Tanong nya sakin

“Wala na si papang, De@th on arrival sya ng maisugod sya dito sa ospital.” Sabi ko kaya natahimik sya saka dahan dahang tumulo ang luha nya

Makalipas ang ilang sandali ay pinagpahinga na muna si mamang

“Salamat.” Wika ko kay Brylle ng makatabi ko sya dito sa cauch

“Para saan?” Tanong nya

“Wala, Thankyou lang.” Sabi ko kaya napangiti sya

“Masaya ako na gising na si mamang, Kahit papano lumuwag luwag na ang sitwasyon nyo, ang gagong boyfriend mo nalang ang dumadagdag sa problema.” Sabi nya kaya natahimik ako

Naisip ko nanaman si Gerald.

“Hey, I’m sorry, I didn’t mean to-.” Pinutol ko ang sasabihin nya ng magsalita ako

“Ayos lang, Totoo naman ang sinabi mo eh.” Sabi ko

“Ikaw Brylle, Sa ginawa ng daddy nyo, Sa tingin mo madali lang bang magpatawad?” Tanong ko sa kanya kaya umiling sya

“It take’s years ng mapatawad ko ang daddy ko.” Aniya kaya napatingin ako sa kanya

Alam kong hindi madali ang magpatawad.

BuwanWhere stories live. Discover now