Chapter 14

12 3 0
                                    

Pagkauwi namin sa bahay ay agad nagrepresenta si Brylle na sya na magluluto, Habang ako, Kinuwento ko sa lahat ang ginawa ni Kumag sa palengke.

"Oh tapos yung nanakawan dun sa palengke, Pinatid lang ni Brylle yung magnanakaw kasi sa harapan namin dumaan, Kaya ayun tumba, Hanep talaga, Super hero lang ang peg"

Hindi sila nagsasalita nakikinig at tumatawa lang sila sa akin na nagkukwento

Kwento parin ako ng kwento hanggang sa lumapit si Brylle sakin galing sa kusina

"Stop it, Buwan." Pag aawat nya sakin habang tinatakpan ang bibig ko

Tumawa nalang ako habang inaalis ang kamay nya sa bibig ko

Matapos ako mag story telling ay nanood naman kami ng balita sa Tv.

"Buwan?" Tawag ni Brylle galing kusina kaya agad ko syang pinuntahan

"Nyare sayo?" Nakakunot noong tanong sa kanya

"Tikman mo 'to" Aniya habang hinihipan ang kutsara na may laman na gulay

"Hmmmmmm" Nanlaki ang mata ko ng matikman ko ang luto nya

Ang sarap nya talaga magluto

Pagkatapos magluto ni Brylle ng gulay ay agad nagluto si mamang ng tuyo.

"Kainan na." Masayang wika ni mamang kaya agad kami nagsipuntahan sa Kusina

Pagkaupo namin ay nilagyan agad ni Brylle ng kanin at ulam ang plato ko, Medyo marami ang nilagay nya pero nakakasiguro akong mauubos ko lahat ng to kasi sa favorite na ulam ko

Pagkatapos nya namang lagyan ang plato ko ay nilagyan nya na din sa kanya at hanggang sa tumayo sya para kumuha ng baso

Nilagay nya sa tabi ng jar ang baso at nilagyan nya ng tubig ang dalawang baso na gamit nya

Anak ng! Ang selfish, Ako lang binigyan nya, Hindi nya binibigyan ang kapatid nya, Oh well, Malaki kananaman Dash kaya mo na sarili mo, Godbless.

Nagkamustahan kami simula sa pagkain at hanggang sa matapos

Nangamusta si mamang kung kamusta ang pag aaral ko, At ibinalita ko sa kanila na 3 years na akong SSG President, Ayon tuwang tuwa naman si papang, Sigurado daw syang sa kanya ako nagmana kasi baranggay tanod daw sya, Kaya matapang.

Kinuwento ko din sa kanila ang pagsali ko sa model sa school kaya pinagtawanan ako ni Rana

Pambihira, si Rana sanay na sya sa ganyan ganyan, Tapos minsan pa'yang nanalo, Kung hindi sya nananalo hanggang sa 2nd or 1st place sya.

Hanggang sa magkwento din ako na matagal na akong nakasali sa top 5 ng honors, Tuwang tuwa si mamang, Ang talino ko daw, mana sa kanya

Itong lahat ng pagsisikap ko, Para ito sa kanila.

Alas nuebe na ng gabi ng matulog na sila lahat, Nasa sala natulog sila mamang at papang, Sa sahig lang sila natulog kasi yan ang nakasanayan nila

Kami naman lima ay nasa kwarto, Isa lang ang kwarto ng bahay namin kaya sama sama kami lahat sa isang kwarto

Pero sahig parin ang hinigaan namin dito sa kwarto

Nasa kiliran ay si Kylee Katabi ni Kylee ay si Rana, Nasagitna si Rana Tapos ako sa kabilang kiliran, Malayo layo ang distansya ni Brylle at Dash kasi sabi ni papang hindi daw pwedeng magkatabi matulog ang hindi pa mag asawa, Ang panget daw tignan nun

"Goodnight mang, Goodnight pang" Wika ko sa kanila habang nag g-goodnight kiss sa chicks

Ganun din ang ginawa ni Rana at kylee, Hanggang sa pumasok na kami sa kwarto.

BuwanWhere stories live. Discover now