Chapter 28

11 2 0
                                    

Ang bilis ng panahon, Parang kahapon lang ay nakarating kami ni kylee sa Cebu, At ngayon, It's time to go back to manila.

Nag iimpake kami ni Kylee dito sa kwarto habang hinihintay namin si Gerald, Ang sabi nya kasi sasabay na'raw sya samin papuntang manila, Tutal wala nanaman syang gagawin, Yung cards nya nasa kanya na, At isa pa next next week na ang pasukan, Buti nalang at nakapag enrolled na kami.

"Mang, Pang, Rana. Alis na kami" Wika ko ng makitang nasa labas na si Gerald

"Mag iingat kayo dun ha?" Saad ni mamang

"Nak Gerald, Yung anak ko, Alagaan mo yan" Saad naman ni papang

"Opo pang" Ani gerald

Pagkarating namin sa manila ay hinatid muna kami ni Gerald sa bahay nila kylee bago sya umuwi sa bahay ng lola nya

Pinili na namin ni kylee na sa bahay nalang nila, Hindi na mag apartment kasi may drivers naman sila kaya pwede kaming magpahatid sa school.

Habang nag hihintay kami na dumating ang Professor namin sa first subject ay naisipan kong mag IG

'Panget.'

Agad akong napatawa ng mag send ng message si Gerald sakin

'Nyare sayo?'  Reply ko kaya agad naman syang nag send ng picture

Ang cute nya sa Selfie nya, Nakangiting itinaas nya ang isang kilay nya.

Auto save!!! (baka magamit ko sa future noe.)

'Bakla seatmate ko.' Aniya kaya mas lalong napatawa ako

Kahinaan nya talaga ang mga bakla.

Pagkatapos nun ay dumating na ang professor namin, Nagpakilala sya, Ganun narin kami.

Marami akong nakilala sa first day of school, Marami ding naging kaibigan si Kylee, Pero hindi parin masisira ang pagkakaibigan namin ni kylee pagdating na sa mga tao.

"Xahara, Canteen tayo." Pagyaya ni Thea, Ang classmate namin ng mag lunch time kami

"Cge ba" Sagot ko kaya dali dali kong hinigit si kylee sa kinauupuan nya

Pagkarating namin sa canteen ay agad kong nasulyapan ang napakaraming tao, Kaya ayokong nag c-canteen eh, Makikipag siksikan lang ako, Buti nalang at kasama ko si thea at kylee.

Ng maka order na kami ay agad na kami naghanap ng upuan at hanggang sa nakita ko ang maamo, gwapo, At tokmol na pagmumukha ni Gerald.

May kasama syang dalawang lalaki, Isa dun ay parang pamilyar pero hindi ko makita ng maayos kasi maykausap sa phone naka talikod eh.

Tinignan ko nalang si Gerald at hanggang sa kumindat sya bago ko inirapan

Kumakain kami ng mapayapa ng may dalawang babaeng nag-away sa harapan namin

"Ikaw bruha ka! Bestfriend pa naman ang turing ko sayo! Pero bat mo inagaw ang boyfriend ko!" Sigaw ng isang babaeng maldita habang sinasabunutan, Habang ang isang babae ay nanatili lang na tahimik, At umiiyak

"S-Sorry yara." Mangiyak ngiyak na sabi ng babae na inaapi

"Kireda! Kabit! Mistress! tatlong salita, Pero isa lang ang  nagmamay-ari at walang iba kundi ikaw!" sabi naman na tinatawag na yara

Pinalilibutan na sila ng marami pero walang nagtangkang umawat sa kanila, Siguro makapangyarihan ang babaeng maldita na ito

Tinitignan ko ang dalawa ng may maramdaman akong tumabi sakin, Dalawang lalaki, Left at right, Kaya agad kong tinignan ang kaliwa, I saw gerald at naramdaman ko ring inakbayan nya ako

BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon