Chapter 36

10 1 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising para pumasok, Baka pagalitan nanaman ako neto mamaya pag na late ako.

“Good morning Xahara, Aga mo ata ngayon ah.” Wika ni Diane sabay binigyan ako ng pang aasar na tingin

Alam nya kasing pinagalitan ako ni Brylle kahapon dahil na late ako

“Alam mo Diane, E breakfast mo nalang yan, Gutom lang ata yan.” Sagot ko sa kanya kaya tinawanan nya lang ako

Maldita si Diane, Walang kinikilalang taong binabangga yan, Pero ng makilala ko ng lubos si Diane, Masasabi kong hindi sya katulad ng iniisip ng iba, Mabuting tao si Diane, Mabuting kaibigan, Mabuting kapatid, Mabuting ina, at mabuting asawa.

“Good morning sir, pinapatawag nyo daw po ako?” Tanong ko kay Brylle ng makapasok ako sa opisina nya

“Yah, I want coffee, Bilhan mo nga ako.” Utos nya kaya walang paligoy ligoy na pumayag ako pero hindi pa ako umalis at bumili

“Ahh? Sir?” Di mapakaling wika ko

“Yes? Kung ayaw mo bumili ng coffee, Mag resign kana.” Aniya, Harsh naman ng taong ‘to, Kala mo naman hindi nagparamdam ng kabobohan nung nakaraang gabi.

“Ay kasi po sir, Hindi kayo nagbigay ng pera, Pano ako bibili?” Tanong ko kaya napairap sya

“Araw araw ka nama’ng sinuswelduhan, Pero araw araw ka’rin walang pera- Eto.” Aniya sabay abot sa pera

“Mayaman ka naman, Kuripot nga’lang.” Bulong ko sabay kuha sa pera kaya kumunot nanaman ang noo nya

“Ano sabi mo, Ms. Collins?” Tanong nya kaya dali dali akong napailing

“Wala ho sir, Sabi ko po, Bibili na ako.” Sabi ko kaya tinignan nya lang ako

Pagbalik ko sa opisina nya ay inilapag ko na ang dalawang coffee na hinihiling nya

“Wait.” Walang emosyong sabi nya ng makatalikod na ako

“Ano nanaman ‘po ba ang i-uutos nyo sir?” Tanong ko sa kanya habang kumakain ng dala dala kong Oreo, May 16 pa kasing sukli ang pera na binigay ni Brylle kaya naisipan ko nalang na bumili ng dalawang oreo.

“Nagrereklamo ka’ba dahil inuutusan kita?” Tanong nya kaya umiling ako

“Hindi po sir ah.” Sagot ko

Maid nya’lang naman ako! Hindi sekretarya!

“Mabuti naman, Sukli.” Aniya kaya kumunot ang noo ko

Aba’y ang kuripot naman talaga kahit disi-sais na sukli, kukunin pa.

“Sir, Wala na’pong sukli.” Sabi ko kaya pinanliitan nya ako ng mata

“Binigyan kita ng 50 pesos, 17 pesos each ang coffee na binili mo, So dalawang coffee is 34, So ibig sabihin may 16 pang sukli, So asan na?” Aniya

Anak ng! Ginamitan ba naman ako ng skills! Engineer nga sya! Kakatakot mangurakot sa lalaking ‘to!

Nagkamot ulo nalang ako sabay utingkay sa dala-dala kong sling bag at humanap ng disi-sais.

“Tsss, Never mind, Oh-“ Aniya sabay abot sa isang coffee kaya napatigil ako sa pagkalkal sa bag

“Ano po gagawin ko dyan sir?” Tanong ko sabay silip, May laman pa naman ah, Sayang naman kung itatapon lang.

“Sa tingin mo ano gagawin dito sa kape? Ililigo?” Aniya, Pilosopo!

“Sa tingin ko po sir, iinumin ko po.” Nakangiting paglilinis ko sa sinabi ko kanina sabay kuha sa kape

BuwanWhere stories live. Discover now