Chapter 21

11 2 0
                                    

Pagkarating namin sa bahay nila  Brylle ay agad akong sinalubong ng yakap ni Danny

"Ateeee Moon!" Masayang wika nya kaya niyakap ko nalang din sya

"Danny finish your food!" Pairap na wika ng babaeng bago ko lang nakita dito sa kanila

"Ate, This is Xahara, My girlfriend." Wika ni Brylle sa babae ng makalapit ito sa amin

"Oh hi Xahara, I'm Diane." Malditang saad ng ate nya kaya nakipag shake hands nalang ako

Uso pala sa kanila ang pagiging mataray sa marami?

Nag enjoy naman ako na makipaglaro kay Danny, Kasi obviously si Danny naman talaga ang sadya ko dito, Tsaka isa pa, Nasa kwarto lang naman nakakulong ang ate nila Brylle kaya hindi na ako nabobother.

"College naba ang ate mo?" Tanong ko kay Brylle ng makita ko ang picture ng ate nya dito sa sala,Pinapatulog narin kasi si Danny

Nasa picture frame ito at nakasuot ng toga na pula, Graduated pala ang ate nya sa STEM. Naks, Engineer.

"Yah, 4th year." Maikling wika nya

Busy si Brylle kakatipa sa cellphone nya kaya nilibot ko nalang ang paningin ko dito sa Sala

Mukang importante din kasi ang tinitipa nya jan sa cellphone nya eh

"Ang mama mo, Ano grinaduate nya, Tsaka wow, Ang papa mo?" Tanong ko sa kanya

Sa isang picture frame nandoon ang mama nila naka suot ng toga na itim, Ang ganda nya, Sa kabilang Frame naman ang papa nya naman, Toga na itim parin, Habang sa next frame ay sila na dalawa

"Civil Engineering silang dalawa." Sagot nya sakin

Wow! Pamilyang Engineer pala 'tong mga Paxon

Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko ang picture nila Brylle at ni Dash

They look like a twin.

Habang sa kabila naman ay si Danny at yung ate nila

At sa next naman ay sila na apat, Present picture 'to, Nasa likuran si Dash at Brylle kasi matangkad sila kesa sa ate nila, At ang nasa harap naman ay ang ate nila at si Danny

Habang ang nakasabit naman sa wall nila ay ang Family picture nila

Nakaupo ang mommy nila sa maliit na couch, Habang sa gilid naman ay doon nakaupo si Danny at ang ate nila, At sa likuran naman ay ang tatlong lalaki, Ang daddy nila, Si Brylle at si Dash

"Ey, Are you ok?" Tanong ni Brylle ng matapos sya kakatiba sa cellphone nya kaya tumango ako

"Baka matunaw yan." Nakangising wika nya sakin ng makitang tinititigan ko ang Picture nya

Naka Blue tuxedo sya, naka side view at ang ganda ng pose nya, Hes wearing a cutiest smile, I've ever seen, At naaaninag ko pa ang hikaw nya sa isang tenga, Ang gwapo, Boyfriend ko yan, Present Picture 'to kasi nakita ko pa 'to last month sa IG nya

"Tseee!" Pairap na sabi ko

"Pwede mo namang titigan sa personal, Bat kaylangan pa sa Picture." Supladong wika nya kaya binatukan ko sya,Kaya napa aray sya, tch! Mahina lang naman pagkahampas ko

"Arte naman ne'to!" Sabi ko sabay tabi sa kanya sa couch

"I love you buwan." Nakangiting wika nya

Ngumiti lang ako sa kanya kaya niyakap nya ako

"For me, one I love you is not enough, Kung gusto mong bawat segundo ay  mag I love you ako ay gagawin ko, Malaman mo lang kung gaano kita ka mahal." Aniya kaya mas lalong himigpit ang yakap ko

Sya ang unang naging Boyfriend ko, and I hope sya na ang huli.

Umuwi na ako sa apartment ng 11:00 pm, Dumating kasi ang mommy nila at niyaya pa ako mag Dinner

Pag-uwi ko sa apartment ay tulog na ang dalawa, Magkasama sila sa kama pero may unan na nakaharang sa gitna nila

Kahit kaylan talaga!

Kinuha ko dahan dahan ang unan nila at pumagitna sa dalawa, Malaki naman ang kama namin kaya hindi kami nagsiksikan

Hanggang sa matulog na.

"Edi sana ikaw nalang yung nag luto!"

"Eh nag komento lang naman ako na kulang sa asin ang luto mo, Bat galit na galit kana!"

kinaumagahan, Nagising ako hindi dahil sa tilaok ng manok kasi wala namang manok dito sa Apartment, At lalo na hindi ako nagising sa alarm clock, Kundi nagising ako sa pagkaingay ingay na pagtatalo ng dalawa

"Aga aga Lee, Hanna!" Wika ko sabay katol sa ulo at kusot sa mata

"Eh kasi 'tong si Hanna, Sinabing kulang sa asin ang luto ko! Eh maayos naman ang pagkakaluto ko ah! Tatlong plato nanga naubos mo, Tapos sasabihin mong kulang sa asin? Aba! Iba karin ah" Ani kylee

"Eh totoo namang kulang sa asin." Sagot naman ni Hanna kaya nahantong nanaman sa pagtatalo

"Aisssshhhh!" Sigaw ko sabay pikit sa mata habang pumapagitna sa dalawa

"Pwede ba!? Kung gusto nyo mag away dun kayo!" Turo ko sa pinto "Dun! Lumabas kayo at dun kayo sa labas mag away, Hindi dito nakakarindi na ang mga boses nyo, Naku! Sumasakit ulo ko sa inyo!" Wika ko sabay walk out, Di pa pala ako nag t-toothbrush.

Kumakain kami ni kylee ng biglang tumunong ang cellphone ko na nasa sala

"Hara, Tumatawag si Brylle" Wika ni Hanna ng masilip ang phone ko

"Ah, Mamaya na siguro yan, Tatawagan ko nalang ulit." Sagot ko sa kanya at minadali na ang pagkain

"Ako nalang ang sasagot." Aniya pagkatapos ay sinagot na ang tawag

Anak ng! Pumayag ba ako!?

P.u.m.a.y.a.g b.a a.k.o?!

Nakita ko ang pag irap ni kylee bago pinagpatuloy ang pagkain

Natapos na kami sa pagkain pero hindi parin tapos sa pag-uusap si Brylle at Hanna

Kylee cleared her throat kaya napasilip si Hanna, Bago tuluyang makipagkwento ulit kay Brylle

"Ang pagkaka alam ko hindi zoo ang apartment ko, Pero bat may ahas? At mukang fresh from the Cebu pa'nga." Pagpaparinig ni kylee bago pumasok sa kwarto

"Hara, 10 minutes ah?" Wika ni Hanna kaya napatango nalang ako at pumasok na ng kwarto

"Oh? Akala ko ba kakausapin mo boyfriend mo?" Taas kilay na tanong nya ng maibaba nya ang cellphone nya at makatabi ako sa kanya dito sa kama

"Kausap pa ni Hanna" Sagot ko bago humiga at bumuntong hininga

"Mukhang tumawag si Brylle dahil lang makausap si Hanna ah, Ayos din" Natatawang sabi nya saka nag cellphone ulit

Alam ko namang may ibig sabihin ang tawang yun

"Girl, Kung ayaw mong mawala si Brylle sayo, Watch your bestfriend! Kasi alagad ni satanas yan! Pinadala yan ni satanas dito para ahasin yang boyfriend mo, naku ako sisimulan ko nang bantayan si Dash, kasi ang mga lalaki, Once they tempted, They can't control it!" Pairap na sabi nya ng makitang tulala ako

"Kylee, Alam kong ayaw mo kay Hanna, Pero wag ka namang magsalita ng ganyan!" Pag aawat ko sa kanya pero inirapan lang ako

"Bahala ka kung ayaw mong makinig! Basta pag ang hinala ko ay tama, Tsk tsk tsk." Aniya bago lumabas ng kwarto

--------------------------------------------------------------------------------

<3

BuwanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon