Chapter 33

11 3 0
                                    

Gaya ng nakasanayan ko umuwi nanaman ako ng bahay, Alas singko na ng umaga, Tulog pa si Rana, Pero kaylangan ko nang umuwi para magbihis at makapag handa ng pagkain namin

"Ang daya mo!" Nagulat nalang ako ng magsalita ng ganun si Rana habang kumakain kami

"Ha? Ano nangyari sayo?" Kunot noong tanong ko sa kanya

"Akala ko ba no secret's? Eh bat ganyan ka ngayon, Naglilihim ka sakin na nagtatrabaho kana pala!" Pairap na sabi nya

"Ayoko lang kasing mag alala ka eh, Sorry na, Hayaan mo babawi ako, Hindi na talaga ako mag s-secret." Sabi ko habang nag p-pinky promise.

"Promise mo yan ah." Aniya kaya tumago ako

"Mag iingat ka, Sige na alas otso na oh, Baka malate ka'pa." agad ko syang niyakap at umalis na

Sya na'daw bahala magligpit, Kaya sige hayaan na natin si Rana.

Nang mag alas nuebe na ng umaga ay agad na ako nag in, Medyo mataray pa naman ang manager, Buti nalang at may mga kaibigan akong sales lady din

Kinabukasan ay ganun nanaman ang trabaho ko, Kaso pag uwi ko sa bahay ay agad akong nagulat ng bukas yon.

Naka padlock naman ang pinto ah, Pero bat bukas?

May nakita akong kahoy at kinuha ko dun, Saka dahan dahang papasok ng bahay, Baka may magnanakaw noe, Mas mabuti na 'yong handa.

Pagkapasok ko ay muntik ko na talagang masapak ang tao sa loob, Buti at napigilan nya

"Easy woman!" Aniya kaya wala akong paligoy ligoy na niyakap sya

"I miss you panget!" Aniya

"I miss you Gerald." Sabi ko matapos kong yakapin sya, pinaharap nya ang mukha ko at saktong may tumulo na luha, Kaya pinunasan nya yun gamit ang hinalalaki nya

"Bat ka nga pala nakapasok dito? Wala ka namang susi ng padlock ah." Sabi ko matapos ilapag ang bag ko

"Pero ako merong extra." Wika ng pamilyar na boses galing kwarto kaya agad akong lumingon at ngumiti

"Kyleeeeeee!" Sabi ko saka sya naman ang niyakap

"Tssseee! Ang baho mo naman, Ligo kana muna tehhh!" Aniya kaya pabirong inirapan ko sya

Nakita kong lumabas din ng kwarto si Dash kaya nginitian ko nalang sya

"Nga pala, Si Rana nasa ospital pa, Binabantayan pa si mamang, Aalis din kasi ako, May trabaho pa kasi ako eh, Sorry ah hindi ko kayo ma e-entertain ng maayos ngayon." Sabi ko sa kanila

"Ano trabaho mo?" Tanong ni Gerald

"Dancer sa bar." Pabirong sagot ko sabay sayaw sayaw sa harapan nila

"Hoy!"

Nahinto ako sa pagsasayaw ng batukan ako ni Kylee, Ang sakit ah

"Joke lang! Eto naman, Nanliliit na agad yang mata mo oh." Turo ko sa mga mata ni Gerald

"Ano ba kasi trabaho mo?" Seryusong tanong ni Kylee

"Sales Lady sa isang mall, Mabuti narin yon kasi 3K ang monthly." Sabi ko

Ayaw sana nila ako ipag trabaho kasi pwede naman daw nila ako bigyan ng pera, Pero hindi ako pumayag sa gusto nila, Kaka graduate lang nila, Kaylangan pa nilang maghanap ng trabaho, Tsaka ayoko ding e asa nalang sa iba ang kakaylanganin namin sa pang araw araw,Hindi nalang sila komontra at sinuportahan nalang nila ako

BuwanWhere stories live. Discover now