Kabanata XXXIII

1.5K 34 18
                                    

---💛---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---💛---

Napapailing si Dulce habang nilalakad ang hardin nang dumapo ang kanyang tingin sa dalawang lalaki naroon sa dulo, nakaupo sa sementadong upuan at nag-uusap. Hindi niya inasahan na sa paglipas ng mga araw ay mamuo ang pagkakaibigan ni Lazaro at Raphael. Paano nangyari iyon? Hindi niya rin matukoy, pero wari niya si Lazaro talaga ang nagpapasimuno ng mga interaksyon ng dalawa.

Tumikhim siya nang makalapit sa dalawa. Naunang lumingon si Raphael at mabilis itong umalalay sa kanya nang mapansin ang bitbit niyang tray ng meryenda.

"Mukhang ang dami niyo nang napag-usapan ah," nakangiti niyang komento sa dalawa matapos magpasalamat kay Raphael at naupo sa gilid ni Lazaro.

"Wala naman," nakangiting sambit ng binata habang inaabot sa kanya ang isang baso ng juice. "Tungkol sa negosyo lang."

Napatango lang si Dulce bago muling nagsalita si Lazaro, dahilan upang maging sentro ito ng kanyang atensiyon.

"Oo nga pala, Dulce. Hindi ako makakasama mamaya sa pagcanvas ng mga materyales sa bakery. That's why I'm here para magpaalam. Wala kasing magda-drive kay Mama papuntang Bukidnon. Bibisita lang kami sa pinsan siya doong malubha na ang sakit."

"It's okay," ani Dulce, may matamis na ngiti sa labi subalit wala naman siyang naramdamang sama ng loob o pagkadismaya sa sinabi ni Raphael. "Madali lang naman magcanvas. Tapos naroon naman kina mama ang kambal. Wala na akong aalalahanin kung gabi na ako makauwi."

Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago tuluyang nagpaalam sa kanya at kay Raphael. Tango lamang ang naging sagot ng huli. Siya naman ay hinatid si Lazaro sa kotse nito.

Bago ito pumasok ay isang halik sa pisngi ang ibinilin nito sa kanya at sinabing, "I'll be back, maybe tomorrow or the day after. Ingat kayo ng mga bata dito."

Habang sinasabi iyong diretso lamang ang malalim at makahulugang tingin ni Lazaro sa kanya. Labis ang pagtambol ng puso ni Dulce dahil doon. Kung bakit kasi napakalambing at napakamaalaga nitong binatang nasa harapan niya ngayon. Wala siyang makitang kapintasan dito, kaya ang hirap-hirap na bumitaw sa kung ano mang lubid ang nagkokonekta sa kanilang dalawa. Iyong pagkakaibigan talaga ang iniingatan niya.

"Salamat, Lazaro," tipid na sagot ni Dulce. Pilit pa nga ang pagkakasambit ng mga salitang iyon sapagkat naninikip na ang kanyang lalamunan at puso.

Isang tipid na ngiti ang gumuhit sa labi nito ngunit hindi iyon umabot sa mga mata nito. Wari'y nababasa nito sa kanyang mukha ang pagkabalisa.

Napahugot siya nang malalim na hininga at sinuklian ang ngiti nito. "Mag-iingat ka doon."

Isang tango lamang ang naging sagot ni Lazaro bago ito tuluyang pumasok sa kotse at tumulak na pauwi sa kanila. Nang muli niyang maisara ang gate ay bumalik na si Dulce sa kinaroroonan ni Raphael. Naabutan niya itong may yosi sa pagitan ng mga labi. Kakasindi lang yata nito sapagkat naaktuhan niya itong binabalik ang lighter sa bulsa ng pantalong suot.

This Love Is GoldenWhere stories live. Discover now