Kabanata X

1.2K 31 6
                                    

---💛---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---💛---

"KASUNDUAN?" pagkaklaro ni Dulce, magkasalubong ang dalawang kilay. "Para saan?"

Rumehistro sa mukha ni Dulce ang kalituhan at pag-aalala. Sa ganoong reaksiyon pa lamang ay agad na nakuha ni Raphael na hindi madaling makukumbinsi ang asawa sa gusto niyang mangyari. Humugot siya ng malalim na hininga at muling tumalikod sa  gawi ni Dulce. Isinandal niya ang baywang sa gilid ng nakabukas na bintana at tinanaw ang malayong dako, binibigyan ang sarili ng kalinawan para kahit papaano ay magawa niyang ipaliwananag kay Dulce ang lahat ng nais niya.

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago pinahayag ang nasa isipan.

"Pag tumuntong ng diyes ang mga bata, magpa-file tayo ng annulment," aniya sa isang mababang boses, walang halong asar o iritasyon. "At simula ngayon, dahan-dahan ko nang ipapaalam sa kanila kung anong katotohanan."

Napasinghap si Dulce, hindi makapaniwala sa kanyang narinig mula kay Raphael. Bigla bumigat ang buo niyang katawan, tila pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Hindi niya maintindihan ang pilosopiya ni Raphael. Ito mismo ang gustong maging masaya ang mga anak at palaging ang kapakanan ng kambal ang prayoridad nito. Anong nag-iba ngayon? Dahil lang sa nakausap nito si Rosalinda, kaya ito biglaang magdedesisyon? Sa pangmilyong beses, umusbong ulit ang galit at sakit sa kanyang puso.

"Naririnig mo ba ang sarili mo, Raphael?" sarkastiko niyang sambit at marahas itong pinaharap sa kanya, ang kamay niya'y nakapulupot sa braso nito. "Akala ko ba lahat ng ginagawa mo ay para sa mga bata!"

Kumabog nang malakas ang puso ni Dulce nang maaninag ang iritasyon sa mukha ni Raphael. Naihakbang niya paatras ang kaliwang paa nang buong pwersa nitong tinabig ang kamay niya. Masakit, pero hindi nito natumbasan ang sakit na dinanas niya sa mga nakaraang taon. Parang namanhid na siya sa pisikal.

"Huwag mong kwestyunin ang pagmamahal ko sa mga anak ko!" sigaw ni Raphael sabay duro sa kanya.

"Kung ganoon, para saan ito?" balik na sigaw ni Dulce, sinusuklian ang uyam at frustration na nararamdaman ni Raphael. "Gusto mong makipaghiwalay? Paano ang mga bata? Naisip mo man lang ba na labis silang masasaktan? Na lalaki silang walang buong pamilya? Na hindi sila magiging buo dahil sa pagiging makasarili mo?"

Napantig ang tenga ni Raphael sa naging litanya ni Dulce. Rinding-rindi siya sa paninigaw nito pati sa pananalita nito. Nais niya sana ay katahimikan at masinsinang pag-uusap ngunit imposible ang hangad niya dahil sa pag-uugaling ito ni Dulce.

"Tama na, Dulce!" sita niya sa asawa sabay napasipa sa haligi dahil sa galit na gustong pakawalan. "Huwag mong gamiting rason ang mga bata para lang mapanatili itong relasyong ito!"

"Anong..."

Nangunot ang noo ni Dulce at pilit nitong hinabol ang kanyang tingin, tila ba gustong basahin ang nais niyang iparating doon. At nang bigyan niya ito ng tyansang makita ang repleksiyon nito sa pares ng kanyang mga mata ay kumislap ang butil ng luha sa gilid ng mga mata nito at marahang umiling-iling.

This Love Is GoldenWhere stories live. Discover now