Kabanata XVI

1.3K 40 8
                                    

---💛---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---💛---

LUMIPAS ang malamig na gabi. Isinama ni Raphael sa kanyang dalangin ang pag-asang may mag-iiba sa trato ni Dulce sa kanya kinabukasan. Subalit hindi iyon nadinig ang kanyang dasal.

Kanina niya pa sinusundan ng tingin ang babae habang nasa kusina ito at naghahanda ng almusal. Narito siya sa bangko, sumisimsim ng kape pero sa pagsasawalang-kibo nito ay parang pati siya ay naniniwalang kaluluwa niya lang ang narito.

Napabuga siya ng hangin bago sinubukang kausapin si Dulce na kasalukuyang inililipat ang hotdog sa isang plato mula sa kawali.

"Sasama ka mamaya sa paghatid sa mga bata?"

Humarap ito dala ang plato, ang tingin ay naroon lang sa mga hotdog, binabantayang hindi ito gumulong at mahulog. Nang makalapit sa hapag ay marahan iyong inilapag ni Dulce. Napatitig siya sa labi nito, inaasam na bumuka iyon para sagutin siya. At hindi naman siya pinagkaitan ng panahon nang basagin ni Dulce ang pananahimik nito.

"Kayo na muna ng mga bata," ani Dulce at muli siyang tinalikuran at niluto na naman ang itlog na kanina pa nito ibinatil.

"Sige," tipid na sagot ni Raphael at napabuntong-hininga.

Pinagmasdan niya ang pigura ni Dulce at lagpas sa kanyang paghanga sa hubog ng katawan nito, ang tanging bumabagabag sa isipan niya ngayon ay ang biglang pag-iba ng trato ni Dulce sa kanya. Hindi ganito ang asawang nakasama niya ng ilang taon. Sanay siyang inaaway nito, sinisigawan. Iyon ang Dulce'ng kilala niya at hindi ito. At hindi niya mawari kung anong bersiyon nito ang mas nais niyang makasalamuha. Iyon bang mabunganga pero puno rin ng intensidad o itong mahinahon pero hindi naman niya ramdam.

Siguro ay dala lang ng pagseselos nito kagabi ang biglaan nitong panlalamig. Kompiyansa si Raphael na babalik din ito sa lantaran nitong pagsusungit at sa walang takot nitong paglalambing.

Napatikhim siya at muling kinausap si Dulce tungkol sa napag-usapan nila ng kanyang ina kahapon, noong bisitahin niya ito matapos macheck ang kaayusan ng kanyang talyer.

"Oo nga pala, gusto ni Mama na hiramin ang mga bata," aniya sa mahinang boses.

Nagpatuloy lang ito sa pagluto, tila nagbibingi-bingihan.

Buti pa ang mantika sa kawali na kumukulo, nag-iingay pa kahit walang bibig pero si Dulce parang pinagkitaan na ng boses.

"Dulce..." may diing tawag niya dito.

"Rinig ko Raphael," sabat nito, hindi pa rin lumilingon sa kanyang gawi.

"Kung ganoon, bakit hindi ka sumasagot?" banat ni Raphael, nawawalan na rin ng pasensiya sa katigasang pinapakita ni Dulce ngayon.

"May dapat ba akong sabihin?"

"Malamang," kunot-noong sambit ni Raphael at tinungo ang pwesto ni Dulce. Tumayo siya sa gilid nito, tinukod ang isang kamay sa lababo at tinitigan ang asawa. "Tungkol ito sa mga bata."

This Love Is GoldenWhere stories live. Discover now