CHAPTER V

1.4K 24 5
                                    

"Ahem!" Mula sa sinisimsim na kape ay nag-angat ng mukha ang lalaki. Ibinaba nitong tuluyan ang hawak na tasa sa katapat na mesa at saka marahang tumayo ng lubusan syang makalapit sa kinaroroonan nito. Nagp akawala ito ng isang ngiti na ewan ba kung bakit sa tingin niya ay lumabas pang lalo ang kapilyuhan ng lalaki sa pagkakangiting iyon. Agad niyang iniwas ang tingin at muli ay tumikhim.

"Ahem. Ang sabi po ng tiyang ay nais nyo daw po akong makausap?" Ng mapagtanto ang sitwasyon ay muli siyang nakadama ng pagkailang. Sinubukan niyang salubungin ang tingin ng lalaki ngunit agad din siyang nagbawi ng tingin pagkat tuwid na tuwid ang tingin nito sa kanyang mukha at hindi niya kayang salubungin ito. Pakiramdam niya ay nanonoot ang tingin nito sa kaloob-looban niya. Umangat ang kamay niya patungo sa kanyang dibdib ngunit natanto niyang hindi iyon magiging kaaya-ayang tingnan kung kaya tumuloy sa noo niya ang mga daliri at bahagyang hinawi ang bumabagsak na buhok. Naramdaman niyang bahagyang namamasa ang noo niya dahil sa pawis. Hindi na niya matatagalan ito. Agad siyang kumilos upang harapin ng tuwid ang lalaki. Nasa tahanan nya ito, hindi dapat siya ang nakadarama ng pagkailang.

"Sir?" Pilit niyang itinuwid ang tingin sa mukha ng lalaki. Mukha namang natauhan ito. Gusto niyang matawa sa natauhan. Baliw. Kumilos ang ulo ng lalaki.

"Well, actually...I...I-I would like to know if it would be possible for us to talk somewhere else?" Sasagot na lamang siya ng muli itong magsalita.

"But before that, pwedeng upo muna tayo? I mean, you didn't invite me to sit pero hindi naman siguro masamang umupo habang nag-uusap?" Gusto niyang mainis sa paraan ng pagkakasabi ng lalaki ngunit may punto naman ito. Nawala na są isip niyang paupuin ang "bisita". Tumango siya at saka magkapanabay silang naupo ng lalaki sa magkaharapang upuan.

"So, is it possible?" Nanantiya ang tingin ng lalaki. Humugot siya ng malalim na hininga. Bakit kinakailangang kung saan pa sila mag-uusap kung ano man ang pakay nito ay wala namang dahilan para hindi nito maaaring sabihin sa kanya sa loob ng kanilang tahanan. Isa pa, baka kung ano ang isipin ng mga makakakita kung sakaling sa pampublikong lugar sila tumungo, mamaya ay isipin pa ng mga tao na may kung anong pakay ito. Mabuti ng nasa loob ng bahay at alam ng tiyang niya ng sa gayon ay madaling pasubalian ang mga posibilidad na usapin kung saka-sakali. Mabuti pa ay umpisahan na ng matapos na ito at ng makaalis na ang lalaki.

"Pasensya na po. Pero kung ano man po ang sadya ninyo ay hindi naman po siguro kinakailangan pang sabihin sa ibang lugar. At sa totoo lang po, w-wala naman din ho akong maisip na dapat ninyong ipakipag-usap sa akin. Tungkol ho ba saan ang dahılan ng pagsadya ninyo rito?" Pinigil niya ang mautal ng maalala ang maaaring dahilan ng pakay ng lalaki. Hindi niya maiwasang sulyapan ito. Ngayon niya higit na napagmasdan ang mukha ng lalaki. Ang may kahabaan at maalon-alon nitong buhok ay lalo pang humaba. Hindi niya gusto ang mga lalaking may mahahabang buhok na tinalo pa ang babae kung makapag wagwag. Mas gusto niya iyong mga lalaking lagi na ay malinis ang gupit. At ang nasa harap niya sa ngayon ay hindi maitatangging nakasanayan na ang may kahabaang buhok. Hindi niya maiwasang pagtuunan ang kabuoan ng mukha lalaki. Sabagay, hindi naman masama ang itsura nito kahit may kahabaan ang buhok, ngunit mas mainam pa rin siguro kung hindi mahaba ang buhok nito. Tiyak na mas gwapo itong tingnan. Gwapo! Pakiramdam niya ay may kamay na tumabig sa kanya ng mapagtanto ang naiisip dahilan upang mapatikhim siya ng wala sa loob na umagaw ng atensyon ng lalaki mula sa pagkakatitig sa mukha niya. Kusang kumawala ang ngiti mula sa mga labi nito.

"Wala nga ba, miss Erah?" Nanghahamong tanong nito.

"A-anong..." Hindi na niya magawang ituloy ang sasabihin.

"I think we both know why I am here, miss Erah. Pero kung hindi mo gustong pag-usapan natin ito sa ibang lugar, ay wala namang problema sa akin." Nakakaloko ang ngiting pinakawalan nito. Kung gayon...

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon