CHAPTER I

5.1K 58 12
                                    

"Elizabeth Rafaelle Antonio Alvarez, hintay!" Mula sa siksikang pakikipag-unahan sa hagdanang tulay ay umalingawngaw ang tinig ng isang taong pamilyar na pamilyar sa kanya.

"Nakuh, talaga naman!" Ngali-ngali niyang tinunton ang entrada ng pasaheroang bangka ng hindi man lang nililingon ang may-ari ng pinagmulan ng sigaw na iyon. Gaya ng nakagawian na niya'y pumuwesto siya sa pinakagilid na bahagi ng mahabang upuan, iyong nasa parteng malaya mong natatanaw ang karagatan habang bumibyahe dahil hindi naman naisasara ang tuluyang bintana malibang ibaba ang trapal kung umuulan.

"Makikiraan ho." Isang alanganing ngiti ang iginanti niya sa babaeng nagbigay daan upang makapuwesto siya. Tahimik niyang inilapag ang plastic ng mga pinamiling gamit sa eskwela habang tuluyang inaayos ang pagkakaupo. Mula sa bulsa ng bag ay inilabas niya ang cellphone at pares ng earpiece saka isinuksok ang huli sa magkabilang tenga. Ahhh...napapangiti siya habang ninanamnam ang maalat-alat na samyo ng hangin. Nakakagaan ng pakiramdam ang isiping maya-maya lamang ay asul na dagat at luntiang bulubundukin na ang tanawing masisilayan niya. Nasisiyahang itinuon niya ang atensyon sa telepono. Hindi pa man siya makakapili ng kantang ipapatugtog ay halos tumilapon ang kaluluwa niya sa pagkagulat ng isang pares ng mga kamay ang tumuntong sa magkabilang balikat niya habang- "Huli ka, Elizabeth Rafaelle Antonio Alvarez!"

"Ay!" Dahil dito'y bumagsak sa sahig ang teleponong hawak niya.

"Anak ng tipaklong kang Dominguez ka!!!" Naiiritang hinarap niya ang lalaki na lalong umagaw ng atensyon ng mga pasaherong naghahanda na sa paglabigar.

"Hindi mo ba talaga ako titigilan kang impakto ka!" Iniumang niya ang kamao upang hampasin ang binatang ngayon ay todo ang tawa. Aba't sayang saya pa ang mokong! Akma niyang uundayan ng hampas ang binata ng mapansing nakuha na nila ang atensyon ng lahat ng pasahero. Nahihiyang napayuko siya at dahan dahang bumalik sa pagkakaupo ngunit hindi bago narinig ang kantiyawan ng ilang pasahero.

"Nakuh kayong dalawa. Hindi talaga ako magugulat kung isa sa mga darating na araw ay maging magnobyo kayo." Nangingiting kantiyaw ni ka Temyong na ikinatuwa naman ng iba pang pasahero.

"Ay oo nga. Hala, aba't tingnan nyo nga itong mga batang ito, noon pa ay talagang nagbabangayan na, hanggang ngayon ba namang halos magtapos na sa kolehiyo ay bangayan pa rin ng bangayan?" Natatawang dugtong naman ni ate Juliet. At sumusog pa ang ilan pang mga pasahero sa pag kantiyaw. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng hiya at tuluyan ng tumahimik sa kinauupuan. Anak ng tipaklong ka talagang Dominguez ka! Sa isip ay patuloy niyang kinakastigo ang binata. Alam niyang hindi matatapos ang kantiyawan kung patuloy niyang papatulan ang lalaking iyon kaya minabuti na niyang tumahimik, sa ngayon. Humanda ka pag daong nating damuho ka. Nanggigigil pa rin siya. Mano'y sunod sunod na ang naging pambubuska ng lalaki sa kanya nitong mga nakaraang linggo. Noon pa man ay magkalaban na silang dalawa, sa lahat halos ng bagay ay magkalaban sila. Ni minsan ay hindi pa sila nagkasundo at madalas pa nga ay nauuwi sa puntong kinakailangan niyang saktan ito ng pisikal para lamang tumigil ito ng kaka pambuska sa kanya. ngunit nitong mga nakalipas na araw unti-unting nagbago ang istilo nito ng pangungulit sa kanya, kung noon ay lantaran nitong pinamumukha ang pagiging bastardo niya na nakasanayan na niya at tuluyan na ngang hindi nagpapaapekto, ngayon ay panay ang pagsunod sunod nito sa kanya at pangungulit sa mga mumunting paraan gaya ng pasimpleng pangangalabit sa bewang at balikat o di naman kaya'y gaya ng madalas nitong gawin, ang pag tawag sa buong pangalan niya. Ang ganda talaga ng complete name mo. Pangmayaman! E-li-za-beth Ra-fa-elle-Antonio-Alvarez. O, diba, ang ganda! Ang madalas nitong pang agaw ng atensyon niya na bagama't malimit niyang suklian ng pandidilat ng mga mata ay ramdam niyang totoong paghanga ang kaakibat na damdamin nito habang binibitawan ang mga linyang iyon. Sa totoo lang, nahihirapan na siyang tantiyahin ang ibig ipakahulugan mga ng ikinikilos ng lalaki nitong mga nakalipas na araw.

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon