CHAPTER II

2.8K 42 9
                                    

"Ay nakuh! Sinabi mo pa. Talagang kagulat-gulat ang muling pagbabalik ni Samantha dito sa Mangingisda. Aba'y ibang iba na ang hitsura n'ya eh. Hindi ko nga nakilala kung hindi lang dahil sa bumisita sa puntod ng yumaong ama!"

"Ay sya nga! Kahit nga ata si Julia ay hindi nakilala ang sariling anak. Mano'y sampung taong mahigit din ata na hindi nauwi dito ang batang iyon, ano? Ay Emman, bakit ka nga pala nandito?" Sa tagpong iyon ay nahihinuha niyang di pa natatagalang dumating si Emman, ang mensahero ng Monica Resort, ka eskwela niya at parehas niyang magtatapos din sa kolehiyo ngayong taon bagama't matanda sa kanya ng tatlong taon.

"Aba'y narito na pala si Erah." Nabitin sa ere ang ano mang sasabihin sana ng lalaki ng dumako ang pansin ni aling Soledad sa direksyon niya. Mula sa kumpolan ay nagtaas din ng tingin ang iba pang kahuntatan ni aling Soledad. At mula sa pagkakaupo ng mga ito sa bangkong nasa tapat mismo ng entrada ng bakuran nila ay nagkanya-kanyang bigay paraaan ang mga ito upang makapasok siya sa kanilang bakuran. Noon ay iniluwa ng pinto ng bahay nila si tiya Mila.

"Oh, nariyan ka na pala, Erah. Pumasok ka muna dito at may sadya sa iyo iyang si Emman." Tapos ay inanyayahan din nitong pumasok sa loob ng bahay ang binata na sya rin namang ginawa nito.

"Erah, dumating na iyong result ng mga pumasa sa screening ng pa-training ng resort at kaya ako narito ay upang ipaalam sa iyong bukas na bukas din ay pinapapunta ka na ni Miss Monica sa opisina niya." Nakangiting iniabot ni Emman sa kanya ang sobreng hinala niyang appointment letter upang makapag-simula na sya sa pagtatrabaho sa resort. Tinanggap niya ito at tuwang tuwang nagpasalamat kay Emman.

"Salamat, Emman. Nakuh! Eto na lang kasi ang inaantay ko eh. OJT upang wala ng aberya ang application for graduation ko. Salamat naman at in-approved ni Miss Monica."

"Ikaw pa ba, eh malakas ka dun." Pagbibiro ni Emman bago idinagdag ang:

"Yun nga lang Erah, mukhang hindi ka sa pagawaan ma-aassign..." Ang tinutukoy nito ay ang maliit na pagawaan ng alahas na bagamat pagmamay-ari ng Resort ay nasa labas ng lupaing nasasakupan nito. Sa Extension ng mga lupaing pagmamay-ari ni Sir Samuel nakatayo ang di-kalakihang pagawaan.

"Basahin mo nalang ang appointment letter mo. Pano, mauna na ako. Babalik pa ako sa resort eh." Umusal siya ng pasasalamat kahit may bahagyang panghihinayang na nadarama. Sinadya niyang hiniling na sa pagawaan siya ng alahas ilagay bagamat malayo ang koneksyon nito sa kurso niya dahil na nga rin sa pansariling ambisyon. Gayon pa man ay wala namang alam si miss Monica sa personal niyang dahilan kung bakit sa pagawaan niya nais na gugulin ang OJT. Isa pa, malamang sa hindi ay kinukunsidera ni miss Monica ang kursong tinatapos niya. Hotel and Restaurant Management. Isang kursong kinuha niya bago pa man niya makilala ang isang Tamara Alba De Salvo. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. Haaay...Kung sana'y nauna niyang na pagtuunan ng pansin ang interes sa pag aalahas kaysa sa pagsisigurong makawala sa pagsusustento ng ama disinsana ay nakakuha siya ng kursong may kinalaman sa pagaalahas. Maaaring kumuha siya ng kursong pagdidisenyo. O di naman kaya ay iba pang kursong may kinalaman dito. Kung ano man ang mga iyon ay natitiyak niyang kung nabigyan ng pagkakataon, ay tinahak niya. Well, wala na rin naman siyang magagawa sa kasalukuyan kundi ang umayon sa mga nangyayari. Gagawin na lamang niya ang dapat gawin upang matapos na sa pag-aaral at subukan ang kapalaran sa Maynila gaya ng nauna na niyang plano. Binuksan niya ang sobreng naglalaman ng appointment letter. Bagama't inaasahan na niyang hindi siya maa-assign sa nais niyang area ay ikinagulat niya ang nilalaman ng sulat. Sinasaad rito na itinatalaga siya bilang EA mismo para kay miss Monica. Executive Assistant. Ikinagulat niya ito dahil karaniwan ng ang mga itinatalaga sa posisyong ito ay mga empleyado na ng hotel at nakatakda ng maging regular employee. Kalimitan ng ang mga parehas niyang nag-o-OJT ay sa reception na-a-assign. Kung sabagay, maganda lang ang tunog ng posisyon ngunit tantiya niya'y hindi naman iyon kasing bigat ng posisyon ng sekretarya o administrative assistant kaya na syang lagi niyang naririnig na banggit ng sekretarya ng kanyang ama sa tuwing papaalahanan siyang kuhanin ang allowance niya. Executive Assistant. Ano kaya ang magiging obligasyon niya pag nagkataon? Nagpakawala siya ng mababaw na buntong hininga. Haaay... Di bale na. Bukas naman ay malalaman din niya.

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon