Chapter IX

1.3K 19 6
                                    

Present.

"I didn't think it was necessary. Look, brother, the main reason I asked Erah to join you in meeting Ms. Monica is because I knew she had worked with them. I didn't know she was actually there when you first visited Monica Hotel!" In a way, totoo naman ang sinasabi nya. Hindi naman talaga nila napag-usapan ni Erah kung nagkakilala na ba ito at ang kapatid niya bago pa man mapasok sa Orion ang babae. Totoong alam niyang sa Monica Hotel nag-OJT si Erah subalit hindi naman ito nagpahiwatig na noon pa man ay kilala na nito si Jacobo. Kahit na ba ni hindi halos tingnan ni Erah si Jacobo ng unang beses na maipakilala niya ang dalawa sa isa't-isa minsang bumisita ang kapatid sa kanyang opisina. Noong mga panahong iyon ay may ilang buwan na ring nagta-trabaho bilang assistant niya si Erah. She felt something was not right pero hindi niya iyon masyadong pinagkaabalahang pansinin. Baka naiilang lang si Erah dahil sa masyadong palakaibigan ang dating ng kapatid.

"Look, take it as it is. Since you're both there na din naman, why don't you just take the time to be friendly with her. Baka sakaling mas magkwento sya kung hindi mo minamadali ang lahat. Baka mas maging open sayo si Erah kung hindi mo dinadaan sa init ng ulo?" Nag-alangan siya sa huling sinabi ngunit baka kailangang malaman ng kapatid na nitong mga nakaraang araw ay nagiging mainitin sya. Maikli ang pasensya at madaling mairita lalo na kapag hindi niya malała ang mga bagay na may kinalaman sa babaeng-naiiiling na pinutol niya ang tinatakbo ng isip. Sa totoo lang ay ayaw niyang naiisip ang tungkol sa nagpakilalang fiance ni Jacobo. Bagama't kinilala ng kapatid ang babae, hindi pa rin sya kumbinsido na tamang sang-ayunan na lamang ang ano mang isiniwala't nito sa kanila. Anyway, may ibang pagkakataon para pag-ukulan niya ng panahon ang babae. Sa ngayon ay mas nais niyang manatili muna sa Monica Hotel sa Puerto ang kapatid. Hindi niya mapigilang mapangiti ng sumagi sa isip ang mukha ni Erah. Ngayo'y nais niyang tawagan at "kumustahin" ang babae.

"Take my advice, brother. Stay for a couple of days. Baka tama ka nga, dapat lang na bumisita ka ulit sa lugar na iyan. I'll talk to you soon. And oh, please be kind to Erah." 'Yon lang at tinapos na niya ang tawag. Nangingiti pa rin sya ng maramdaman ang pagpulupot ng pamilyar na braso sa baywang niya.

"I'm not sure I like that smile you're wearing, sweetheart." Nakakunot ang noong sambit ni Zach habang unti-unting iniikot ang katawan niya paharap dito.

"You're not playing cupid, are you?" His eyes widened in amazement.

"In case you forget, engaged na ang kapatid mo, sweetheart." Ngayo'y nagdikit na ang mga mata nitong may pagdududa habang hinuhuli ang tingin niya. Hindi niya mapigilang magpakawala ng mahinang tawa. Kay daling nabasa ng nobyo ang tumakbo sa isip niya. Well, hindi naman talaga niya iyon pinlano. Nagkataon lang, at ngayong nabigyan na ng pagkakataon, bakit nga ba hindi? Though she will surely have the nature have its course. Hahayaan na niyang tadhana na ang gumawa ng mga susunod na hakbang.

"Wala, I just don't want my brother to find himself asking too many questions and wondering over "What-ifs"bago ang araw ng kasal nya-"

"Na hindi pa naman mangyayari dahil sisiguruhin kong hindi na natin palalampasin ang pagkakataong ibinigay sa atin." Putol ng nobyo sa sinasabi niya. He had that look in his eyes as if he had been in pain for so long. Ng matantong hindi na nakatuon kay Jacobo ang isip ng nobyo ay tuluyan na ding nabura sa isip niya ang mga nagdaang oras. Tuluyan na iyong naukupa ng mga emosyong nitong mga nagdaang lingo ay nag-uumapaw sa pagitan nilang dalawa.

"Let us not think of anything else, Elisse. Honestly, I would rather us run off somewhere and get married! Hindi ko na kayang mag-antay pa ng matagal para makasama ka sa isang bubong." Hindi niya mapigilang tumawa ng malakas dahil sa deklarasyon ng pag-ibig ni Zach.

"What-why are laughing?" Nakakunot noong tanong ng nobyo.

"Because..." hindi pa rin niya mapigilang mapangiti. Pano'y tumatakbo sa isip niya ngayon ang nakakaaliw na katotohanang ilang araw na din naman silang magkasama sa iisang bubong ni Zach. Simula ng umuwi siya mula sa Europa para sa promotion ng mga bagong desenyo ng Orion ay hindi na lumipas ang araw na hindi niya ito kasama. Nagpaubaya ang mga magulang niya at tuluyan ng tinanggap ang lalaki sa tahanan ng mga De Salvo. Maging sina Alaina at Nick na mga magulang ni Zach ay hindi na mapigil ang anak na iwan ang Italya at dito na sa Pilipinas pamahalaan ang mga negosyong nasa ibang bansa. Pagkatapos ng BVLGARI event ay agad na nakatanggap sila ng imbitasyon upang magtungo sa Europa upang doon ipagpatuloy ang promotion ng mga display nila. Bagamat bago siya lumipad ng Europa ay naging malinaw na ang lahat sa pagitan nila ni Zach ay hindi niya gagawing iwan ang mga kasama sa pagtungo sa Europa lalo pat hindi maganda ang "kondisyon" ni Erah. Muli ay pilit niyang isinantabi ang mga isipin na maaaring magpalihis na naman ng atensyon palayo sa kanila ni Zach. Inihilig niya ang ulo sa dibdib ng lalaki na sinundan naman ng marahang pagsakop ng mga braso nito sa bewang niya na tuluyang nagpadikit ng kanilang mga katawan. Humigpit pang lalo ang pagkakayakap ni Zach są katawan niya. Sa ibang pagkakataon ay iisipin niyang napakaromantiko ng tagpong ito ngunit batid niyang higit na malalim ang pinanggagalingan ng emosyon ni Zach. Bahagya pang humigpit ang pagkakahapit ni Zach sa kanyang bewang. Itinaas niya ang mga braso niyang humahaplos sa likod ng nobyo at ipinako ang daliri sa balikat nito. Maging siya ay magkahalong emosyon na ang nadarama. Alam niyang kung ang lalaki ang masusunod ay naikasal na silang dalawa ilang buwan na ang nakararaan ngunit matındi ang naging pag-tanggi ng mga magulang niya. Hindi napahinuhod si Sean De Salvo kahit pa ang mismong ama na ni Zach ang kusang nakiusap sa mga magulang niya upang hingin ang kanyang kamay para na rin sa ikakapayapa ng loob ng anak. Nang mga panahong iyon ay kababalık pa lamang ng malay ng kapatid mula sa pagkaka-coma kung kaya ang buong atensyon ng mga magulang ay sa mabilis na paggaling ni Jacobo. Maging sya ay ganoon din naman. Hindi rin niya maatim na buoin ang sariling bukas habang ang kapatid ay kasalukuyan pang nakaratay at walang maalala sa nakaraan, kung kaya pinakiusapan niya ang nobyo na ipagpaliban na muna ang pagpapakasal nila. Sinapo niya ang sinapupunan sa pagkakataong iyon.

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon