CHAPTER VII

847 10 1
                                    


Puerto Princesa International Airport.

Kalalabas lamang nila ng kinalululanang eroplano at kasalukuyang tinutunton ang daan patungong Arrival Area ng paliparan. Bagama't hindi niya lubusang naaalala ang mga nakaraan niya sa lugar na ito ay pamilyar ang mga damdaming nararamdaman niya ngayon. May kung anong pananabik siyang nadarama, sa kung para saan o bakit, ay di niya tiyak. Ngunit marahil, ang isiping may pag-asang mapunan ang kahungkagang nadarama ng puso niya sa pagbisita sa lugar kung saan ilang gabi ng laman ng mga panaginip niya ay sapat ng dahilan upang panabikan ang muling pagbabalik niya sa lugar na ito. Puerto Princesa, kilala ang lugar hindi lang bilang isa sa nangungunang tourist destinations sa bansa kundi higit sa kapayapaang iniaalok nito sa mga bisita. Ayon kay Elisse, minsan lang siya nagawi sa parteng ito ng bansa ngunit mula noon ay hindi miminsang binanggit niya sa kapatid ang pagnanais na bumalik sa lugar na ito at pinlanong alokin ng partnership ang Monica Hotel.

"You were planning on asking mom and dad to offer Ms. Monica and Mr. Samuel partnership, though you've only mentioned it a day before I went to Singapore for the BVLAGARI event, I felt then that you were seriously thinking about it. What could be the reason, beats me. And then the accident happened, we never had a chance to discuss your plan with mom and dad..." Si Elisse ng magpahiwatig siyang nais nyang bumalik ng Puerto Princesa sa dahilang sya mismo ay hindi maipaliwanag. Ayon kay Elisse, ang lugar na ito ang huling naging destinasyon niya bago siya maaksidente may isang taon na ang nakararaan. Aksidenteng naging sanhi ng ilang buwan ring pagkaratay niya sa ospital at dahilan rin ng pagkawala ng ilang bahagi ng kanyang mga ala-ala. At ngayon nga ay narito siyang muli, sa lugar kung saan bagama't hindi pamilyar sa kanya ay hindi naman bago sa puso niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Hila sa kanang kamay ang di kalakihang maletang de-gulong. Itinuon niya ng tingin sa daang tinutunton ng mga kasabayang pasahero ng maalalang hindi siya nag-iisa. Sa puntong iyon ay iginala niya ang paningin upang hagilapin ng mata ang kasama na agad naman niyang natunton sa gawing kaliwa niya. Abala ito sa pagtipa sa teleponong hawak. Tangan sa kaliwang kamay ang parehas ng sa kanya'y di kalakihang maletang de-gulong habang nasa kanang balikat ay nakasukbit ang laptop bag nito. Bagamat tulad niya'y tuloy-tuloy rin ito sa paghakbang ay hindi dito nakatuon ang buong pansin pagkat may kausap ito sa telepono. Alam niyang taga Puerto Princesa ang babae, kaya nga ito ang kasama niya ngayon dahil ipinagpilitan ni Elisse na malaking tulong ang magagawa ni Erah sa upang mapabilis ang pag. Erah. Hanggang ngayon ay hindi niya maipaliwanag ang nadarama tuwing maririnig o maiisip niya ang pangalang iyon. Bahagya itong nagawi ng tingin sa gawi niya na tila ba naging paalala na hindi ito nag-iisa.

"Opo. Oo nga po. Bago po ako bumalik ng Manila, magkikita po tayo....Yes po...Hindi po ako tatakas. As if naman makakatakas ako sa inyo..." Bagama't mahina at mababa ang tono ng dalaga ay batid niyang nag-aalala itong naririnig ng mga nasa paligid ang mga binibigkas nito bilang tugon sa kung sino mang kausap. Bahagya niyang sinulyapan ang dalagang nasa tenga pa rin ang telepono habang panay ang sipat sa relong pambisig.

"Opo. sige na ho, tita-Ma, opo. Kailangan ko na pong i-end ang call dahil nandiyan na po yung sundo namin. Bye po. See you soon." Nakangiting pagtatapos nito saka humahakbang kasunod niya palabas ng arrival area. Hindi pa nakakilang hakbang ay muling tumunog ang telepono ng babae. Sa pagkakataong ito ay mababakas ang pag-aalangan sa mukha nito para sagutin ang tawag. Ngunit sa huli, sinagot pa rin nito.

"Drigs, mamaya na tayo mag-usap ah? Kasama ko boss ko eh..." Sa pagkakataong iyon ay napatingin na siya ng tuwid sa sa babae.

"Tawagan kita later-" ngunit hindi pa man sila tuluyan nakakalabas ng Arrival area ay napahinto ang babae. Nasa mukha nito ang pagka mangha ngunit agad din namang tila natauhan ng magawi ang tingin nito sa direksyon niya. Saglit nitong muling nilingon ang kung sino mang nasa labas ng pumapagitang glass panel.

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon