CHAPTER VIII

1.1K 19 7
                                    

"WELL, I...I wasn't actually fully aware of the incident that have happened to you, JD." Napansin niyang bahagyang nag-atubili si Mr. Samuel sa pagpapatuloy ng sasabihin nito. Kasalukuyan silang nasa veranda ng bahay ng lalaki habang sumisimsim ng mainit na kape. Katatapos lamang nilang pag-usapan ang isa sa mga pakay niya sa pagbisitang ito. Bilin ni Elisse na makausap niya sina Mr. Samuel at Ms. Monica patungkol sa posibilidad ng partnership. Gaya ng huling pag-uusap nila ni Elisse, nalaman niyang bago pa man maganap ang aksidenteng kinasangkutan niya ay may plano na syang kausapin ang mga magulang upang dinggin ang proposal nyang alokin ng partnership si Ms. Monica na syang namamahala sa maliit na alahasan ng Monica Hotel. How ironic na ang Monica hotel na tumatatak sa isip niya ay hindi ang Hotel na pag-aari nina Mr. Samuel. Mas sanay siyang i-associate ang Monica Hotel sa mga Navarro, ang Monica Gascon Navarro chain of Hotels o mas kilala bilang MGN Hotels. Napangiwi siya ng matantong lumalayo ang tinatakbo ng isipan niya. Isinantabi niya ang unti-unting paglinaw ng mukha ng mapapangasawa ng kapatid na syang tagapagmana ng MGN Hotels ngunit bago iyon ay sumingit ang ideyang bigyang puwang ang pag-alok rin ng partnership kina sir Samuel para sa mismong hotel. Sa huli ay ibinasura niya ang huling naisip. Mukhang hindi naman interesado si Mr. Samuel sa expansion ng Monica hotel. Kung sya nga ang titingin ay tila isa lamang itong diversion. Alam niyang may hindi pa naibabahaging parte ng pagkatao nito sina Mr. Samuel at Ms. Monica. Muli ay ibinalik niya ang tuon sa pinag-uusapan nila ni Mr. Samuel.

"Kahit naman ako ay hindi pa din halos nakaka recover mula sa insidenteng yun." Pakikiayon niya kay Mr. Samuel.

"Even so, I don't think this will hinder me from declaring my intentions to you, Sir." Ibinaba niyang tuluyan ang tasang kanikanina ay sinisimsim.

"Apart from the reasons I've already discussed earlier, one thing is, I felt that there's a part of me left in this place..." "Kuya. Yun ang tawag mo sa akin when you were here three years ago." Dugtong nito sa sinasabi niya. Ang totoo, nag-aalangan talaga siyang banggitin ang pangalan ni Mr. Samuel, masyado kasing pormal ang dating tuwing ia-address nya ito ng Sir pero hindi rin naman niya ito matawag sa unang pangalan nito dahil alam niyang mahigit sampung taon ang katandaan nito sa kanya.

"Whatever your reasons are in coming here, I would be very happy to help. Noong malaman kong naaksidente ka, nasa Europa ako dealing with personal matters kaya hindi rin ako agad nakabisita sa'yo. Bukod pa sa hindi din naman talaga ako personal na kilala ng pamilya mo. Kung matatandaan mo, si Timothy ang syang nagdala sa iyo rito at syang naging dahilan para magkakilala tayo pero kahit gano'n, I was hoping you would be reminded of the gestures Monica and I have extended to you. We had a couple of times discussing your plans in your last few nights here in Mangingisda." Kampanteng litanya ng lalaki.

"Kaya tawagin mo akong kuya." Nakangiting dagdag pa nito.

"Then kuya it is." Nakangiting ganti niya bago muling sumimsim sa tasang hawak ng biglang may napagtanto.

"You said we had a couple of times talking about my plans...anong plano yun?" Sambit niya ng mapagtanto ang mga huling sinabi ni Samuel.

"Your plan to pursue a girl." Walang gatol na sagot nito. Noon ay tuluyan niyang pinakawalan ang tasang hawak at saglit na nagkalinaw ang imahe sa kanyang isipan. Mga piraso ng ala-ala kasama ang babaeng sa nakalipas na mga buwan ay syang katuwang niya upang panaka-nakang buuhin ang nawawalang mga ala-ala. Bahagya siyang ngumiti.

"So, talagang dito ko nga nahanap ang babaeng papakasalan ko?" Bagama't nakangiti dahil tila kinumpirma lang ni Kuya Samuel na talagang may plano siyang suyuin ang babae. Ngayon ay nasisiguro niyang hindi lamang basta panunuyo ang nais niyang gawin noong mga panahong iyon. Kung ang pagbabasihan niya ay ilang tagpong nabubuo sa isapan niya paminsan ay alam niyang higit na malalim ang damdamin niya para sa babae. Sa puntong iyon ay nag-angat siya ng tingin. Si Samuel ay seryosong nakatitig sa kawalan. Hindi niya mabasa ang ekspresyon sa mukha nito. Kung ano man ang tumatakbo sa isip ng lalaki ay hindi niya nais na alamin pa. Mas gusto niyang unti-unting balikan ang naging pagbisita niya sa Monica Hotel may tatlong taon na ang nakararaan.

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon