Chapter X

235 6 3
                                    

Tell me, Erah. Are we once in a relationship? Mula sa mukha ng lalaki ay unti-unti siyang nagbaba ng tingin at bago pa tuluyang tumumba dahil sa pinaghalo-halong emosyon ay basta na lamang umupo sa bangko. Nanatili namang nakatanghod sa kanya si Jacobo. Alam niyang ang bawat kilos niya ay sinusudan ng tingin ni Jacobo. Sa pagkakataong iyon ay tila may pwersang humahatak sa kanya upang mag-angat ng tingin para lamang muling magbaba ng salubungin ng matalim na tingin ng lalaki.

"Answer me, Erah." Bagama't may diin sa pagbigkas ng mga salita ay ramdam niyang pilit na kinokontrol ni Jacobo ang pagtaas ng boses. Muli siyang nag-angat ng tingin. Umangat-bumaba ang dibdib niya sa kaba. Ano ba'ng dapat niyang isagot? Papaano ba niya sasagutin ang tanong na iyon ng lalaki? Sa huli ay napagpasyahan niyang sagutin ito ng ayon sa pamantayan niya. "No."

"No." Malinaw niyang nadinig ang sagot ng babae ngunit hindi gaya ng dapat asahan, tila hindi iyon ang ninais niyang madinig na sagot mula dito. Bahagya siyang napapikit sa itinatakbo ng isip. Ano bang nais niyang marinig mula sa babae? Ano ba'ng nais niyang dapat na isagot nito? Napapikit siya kasabay ng pigil na iling. "And?"

Sa nakikita niyang anyo ni Jacobo ay lalo siyang nakadama ng takot. Ano ba'ng dapat na sabihin niya upang kumalma ito? Sinagot naman niya ang tanong, ano at tila nagpupuyos pa din ito sa galit. Humugot at nagpakawala ng malalim na buntong hininga ang lalaki.

"Tell me more. If we were not in a relationship, why do everyone point me to you?" Mababakas ang iritasyon sa boses ng lalaki na bagama't bahagya ng kumalma ay nasa too pa din ang pinipigil na galit. Kung para saan ay hindi niya malaman. Kung ang kumpirmasyong hindi siya nagkaroon ng relasyon dito ay hindi nakatulong upang kahit papano ay maibsan ang galit nito ay hindi na niya alam kung ano pa ang dapat sabihin sa lalaki.

"Hindi mo ba ako narinig? Wala ka bang ibang sasabihin?" Hindi niya alam pero sa nadinig ay tila umalsa ang dugo niya. How can this man be so demanding?! Iron lamang at tuluyan ng kumawala ang iritasyong nadarama niya.

"Ano ho bang gusto niyong marinig? Sinagot ko naman ang tanong ninyo. We were not in a relationship. I was not your girlfriend. Hindi nyo po ako niligawan noon..." The last line felt painful though na napakislot sya ng bahagya.

"Now if you were wondering why people point you to me hindi ko rin po alam. In the first place, why didn't you bring your fiancee with you if you are eager so much to be answered!" Tuloy-tuloy na litanya niya. Bahala na. Hindi na niya matiis na laging nakakaharap ang lalaking ito at laging pakitunguhan na tila ba may sakit syang nakakahawa kung kaya dapat syang layuan. Tuwina'y lagi ng iritado ang lalaki sa tuwing makakaharap sya. Pwes, kung ayaw nitong nakakaharap sya ay mas mainam na iyon. Mas madali na para sa kanya na sabihin kay Miss Elisse na hindi sya makakatulong kay Jacobo kaya dapat ng iwan niya itong mag-isa. Saglit niyang tinapunan ng tingin ang lalaki bago tuluyang lisanin ang veranda. Nagpupuyos pa din ang dibdib niya sa halo-halong emosyon. Wala na syang pakialam kung bukas makalawa ay bigla syang ipatawag ng opisina at sabihing tatanggalin sya dahil sa naging pagtrato niya sa anak ng may-ari ng kompanya. Bigla syang napahinto sa pag hakbang ng mapagtanto ang tinatakbo ng isip. Mariin syang napailing. Hindi naman siguro iyon gagawın ni Miss Elisse. Siguro. Ahhhh. Bahala na.

"Erah-" Panandalian syang hum into sa harap ni miss Monica ng makasalubong ito sa panna ng hagdan.

"Mauuna na po ako, miss Monica, sir Samuel" Wala ng nagawa sina Monica at Samuel ng dali-dali niyang tuntunin ang daan palabas ng mansyon. Saka na niya ipaliliwanag sa dalawa kung sakali mang kailanganin. Sa ngayon ay kinakailangan niyang makalayo sa lugar na ito. Kinakailangan niyang makalayo kay Jacobo!

"Hindi ko alam kung anong nangyari sa inyong dalawa ni Erah at gayon na lang ang pagpupumilit niyang iwan ka riyan, JD." Ramdam niya ang disappointment sa tinig ng kapatid. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga. Ayaw na niyang balikan ang gabing iyon ngunit tila nanunubok ang memorya niya. Awtomatikong napadiin ang mga daliri niya sa sentido ng bahagya itong sumákit sa pagkakaalala ng naging tagpo sa pagitan nila ni Erah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon