Chapter VI

966 16 4
                                    


MONTANO FARM, Brgy. Luzviminda

"Ahem!" Mula sa tasa ng kapeng nasa harapan ay nabaling ang tingin ni Jacobo sa mukha niya.

"JD, are you okay? Kagabi ko pa napapansing malalim ang iniisip mo." Tanong niya sa binata. Jacobo Daniel ang pangalan ng binatang ito. Bagama't ilang araw pa lang niyang nakakasama ay hindi niya maitatangging napalapit ang loob niya sa binata. Somehow they have similarities. Nakikita niya ang sarili dito. Noong mga panahong pilit niyang pinapatunayan sa sarili na kaya niyang bumuo ng sariling katauhan labas sa pangalan ng mga magulang. Somehow he knew what this young man is dealing with. Where this young man is coming from. Rebellion. Freedom. Or so he thought he was not free. Hindi niya ito masisisi. Both of his parents are names in the North. Lalo na ang kanyang ama. Kung hindi dahil kay Timothy at Marco De Silva ay malamang na matatagalan pa bago niya makaharap ang anak ng nangungunang mang-aalahas sa bansa. Si Tamara De Salvo. Hindi niya mapigilan ang paghanga tuwing maiisip ang pangalang iyon. Si Tamara De Salvo na bagama't ipinanganak na dukha ay isa na ngayong tanyag na mang-aalahas na kinikilala ng pinakamalalaking kumpanya ng alahas sa buong mundo. Katunayan, ang Orion ay siyang naging inspirasyon ni Monica kung bakit ang Monica Resort ay namuhunan sa sariling pagawaan ng alahas para sa mga guests nito. Napabuntong hininga siya ng maalala si Monica. Hindi ito ang panahon para ibaling niya ang atensyon sa suliraning anomang oras ay maaari na rin namang matuldukan. Muli niyang hinarap ang binata. Akma itong magsalalita ngunit nagpigil. Sa wari ba ay may nais sabihin ngunit hindi nito alam kung pano uumpisahan.

"Sir...I was just wondering if..." Kusang nagsalubong ang kanyang mga kilay sa antisipasyong nadarama dahil sa wari niya ay nakabitin sa ere ang mga binibitawang salita ni Jacobo. Ano ba ang nais sabihin ng binatang ito?

"..if it would be okay to court one of your employees?" Bahagya siyang natigilan sa tanong na iyon. Isang hagalpak na tawa ang pinakawalan niya na tila nag-echo sa buong bakuran ng Montano farm. Tawang agad ding sinupil ng mapagtanto niya kung sino ang babaeng posibleng tinutukoy ni Jacobo.

"Ahem!" Kinalma niya ang sarili. Pinagmasdan niya ng taimtim ang kaharap. Labinlimang taon ang katandaan niya sa lalaki ngunit tila siya nakatingin sa sarili. Maraming taon na ang dumaan ay nasa kaparehas na tagpo siya, ang kaibahan lang ay sa mismong babaeng nais niyang ligawan siya nagtanong kung maaari ba syang pumanhik ng ligaw. Muli siyang tumikhim. Nawawala na naman sya. "Maaari ko bang malaman kung sino ang babaeng ito?" Sa isip niya ay may namumuong hinala ngunit hahayaan niyang sa bibig mismo ng binata niya marinig ang pangalan ng babaeng nais nitong ligawan.

"Tingin mo ba ay may tiyansa kang mapa-oo sya?" Kung tama nga siya ng hinala ay tiyak na mahihirapan ang kaharap na makuha ang nais na sagot mula sa babae.

"Well...I think with a little more time I can make-"

"JD!" Hindi na naituloy pa ni Jacobo ang mga sasabihin dahil lumitaw mula sa pagitan ng mga pinto si Timothy. Nagmamadali tong lumapit sa presto nila.

"Buddy, I have to go back to Manila. Jade's been nagging me to visit f-father."

"Is Marco okay?" Naalarma siya pagkarinig sa dalang balita ni Timothy.

"Yes, kuya. I was told he was advised to take it slow. I will have to get my self working because Romano has to leave for the annual board meeting. Alam mo naman..." Kung sarkasmo o paninibugho ay hindi niya alam ang kaakibat ng tono nito.

"Oh, well, ipapahanda ko ang masasakyan nyo papuntang airport." Tumayo siya upang tawagin ang katiwala.

"Oh, no. JD can drive me to the airport, kuya. Ako lang naman ang aalis. I know he still has an unfinished business here." Sa kabila ng pagkayamot ay nasa him nito ang pangangantiyaw. Nagkibit siya ng balikat at tuluyan ng nilisan ang veranda ngunit hindi bago muling nagiwan ng salita para kay Jacobo Daniel.

Jacobo Daniel De Salvo (Sana'y Magbalik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon