Chapter 11

4.3K 143 44
                                    

Chapter 11: Guitar

"Hoy, Nagtataka na yung ibang SSG officers kung bakit 'di ka na dumadalaw sa SSG office, parang nagkapalit daw tayo ng kaluluwa" Sabi ni Nicolla na kakagaling lang sa SSG office to flirt with Nico



After that incident ay iniwasan ko na na makita si Kaiden sa mga nagdaang araw at linggo, hindi na rin ako pumupunta sa SSG Office o kahit dumaan man lang dahil nga iniiwasan ko sya



"Sino namang pupuntahan ko do'n?" I said coldly as if 'di nya alam yung dahilan "Si Kaiden?"



"Well..." yun lang ang sinabi nya sabay kibit balikat




Free time namin ngayon kahit may teacher sa classroom ay pwede kaming magdaldalan basta ay 'di masyadong maingay. May ginagawa kase si Ma'am kaya 'di sya nag lecture ngayon



"Aea" tawag sakin ni Ma'am kaya kumunot ang noo ko, sinenyasan nya ako na lumapit daw sakanya kaya lumapit ako sa table na nasa gitna ng classroom



"Nagkasakit kase yung mag i-intermission dapat sa Awarding Ceremony pagkatapos ng Intrams at naisip ko na baka pwede ikaw nalang pumalit sakanya" My brows raised in confusion


"What? Eh, wala naman po akong talent" i said and laughed awkwardly


Ano namang gagawin ko? Mag-zumba?



"Naku, okay lang yan, intermission lang naman to tsaka may nakapagsabi sakin na magaling ka naman daw mag-gitara at kumanta" Sabi nya kaya kumunot ang noo ko



"Talaga po? Sino naman pong nagsabi?" I asked politely but deep inside i want to kill that person who said that i'm good at singing and playing guitar



"Yung Kuya mo" she answered


Right! Sino pa nga ba? Dinamay pa talaga ako sa kagaguhan na pinag-gagawa nya sa buhay nya



"Eh, diba po bukas na yung Intrams? 'Di ko po ata yan makakaya" sabi ko dahil ayaw ko talaga magperform



Baka magkamali pa ako at pagtawanan ng mga estudyante 'no, or they might judge my voice or whatsoever!



"Don't worry kase sa Awarding ka pa naman magpeperform, which is sa Friday pa kaya kaya mo yan tsaka mag a-add ako ng points sa card mo kaya wag kang mag-alala" sabi nya kaya hindi na ako maka-hindi


Kahit ayaw ko mag-perform syempre gusto ko madagdagan ng points yung grades ko kahit papano!


Pagkatapos kung pumayag ay babalik na sana ako sa upuan ko kaso ay tinawag nya ulit ako dahil hindi pa daw sya tapos


"Ano ba yan" bulong ko sa sarili but i smiled politely nang magkaharap ulit kami ni Ma'am,



"Ihatid mo na rin pala to sa SSG Office" she commanded


...I don't even know what to say,



Hindi na nga ako pumupunta sa SSG office para iwasan si Kai tas ngayon uutusan nya pa ako na ihatid to?


Pero ang awkward naman if sabihin kung ayaw ko? Dahil first of all she's still a teacher and pangalawa baka sabihin nya ang tamad at pakipot ako


Nasanay na kase yung mga teachers ko na kapag may ipapahatid sila sa SSG office ay ako talaga ang inuutusan nila



Pero, iba to ngayon! Ang sarap umiyak dahil sa frustrations!



I don't have a choice kaya kinuha ko yung mga papers sa kamay nya at unti-unting naglakad papunta sa SSG office



Ibang estudyante nalang kaya utusan ko?



Chasing Him (Mendarez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon