Chapter 13

4.4K 184 29
                                    

Chapter 13: Enough

Habang nililigpit ni Shèniel ang kalat na natapon sa lupa ay lumapit sakin si Nicolla at pinaharap nya ako sakanya



"Do you have extra t-shirt?" Nicolla asked while looking at my shirt na sobrang nakakadiri tingnan dahil naghalo-halo na ang mga paint dito


Kakatapos nya lang din magpa-paint, nagpalagay sya ng mala-galaxy sa eyelids nya at stars sa under eye



I looked like i swam in the mud! Buti nalang at ang t-shirt lang ang natapunan at hindi pati ang jogging pants ko


"Wala! Hindi ako nagdala!" Sabi ko kaya napahilot sya sa sintido nya



Habang nag-uusap kami ni Nicolla ay biglang umingay ang nga estudyante kaya nagtaka ako

Lumingon ako sa banda ni Shèniel nakatayo na sya ngayon habang nakatingin sa lupa


"Ako na dyan, Kai" sabi nya kaya tiningnan ko ang tinitingnan nya


There, i saw Kaiden na tinutulungan si Shèniel na linisin yung kalat


Naglilinis pa rin si Kai at tila walang narinig, hindi nya ata alam na nandito ako



Ang mga estudyante naman sa paligid ay nagtitilian na parang tanga, kinikilig pa yata sa pagtulong ni Kai kay Shè


"Waaah! Kainiel shipper for life!" Rinig kung sigaw nong isang babae kaya napairap ako

Bitter, Astraea?



"Uhh, Shèniel una na 'ko, ah. Magbibihis lang ako" Sabi ko kay Shèniel, sinadya kung lakasan ang boses ko para malaman ni Kai na nandito ako


Tama nga ako, napahinto si Kai sa ginagawa nya at tumingin sa akin i smiled at him sabay tango bago umalis pra magbihis


Narinig kong tinawag ako ni Kaiden pero hindi na ako nag-abalang huminto o lumingon pa at nagpatuloy nalang sa paglalakad


"Nakakainis!" Sigaw ko nong kami nalang dalawa ni Nicolla


"Naku, malas mo naman wala pa namang nagdala ng extra t-shirt sating dalawa" sabi ni Nicolla habang tinitingnan ang mga stains sa damit ko


"Kaya nga manghihiram nalang ako kay Kuya, palagi namang may dalang t-shirt yun kase athlete" sabi ko



Nasa building na kami nila Kuya halos lahat ng nandito ay mga Grade 12, nasa 3rd floor ang classroom ni Kuya kaya ang dami ko pang estudyante na madadaanan


Sana lang ay may dalang t-shirt si Kuya nag-aalala ako na baka hindi sya nagdala dahil Intrams ngayon, Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kung pati sya ay walang dalang extra na t-shirt


"Sinong sadya mo?" Tanong sakin nong classmate ni Kuya nong nasa may hamba ako ng pintuan ng classroom nila



"Si Kuya" sabi ko sakanya, agad naman syang lumapit kay Kuya na nakikipagdaldalan at nakikipagtawanan sa katabi nya para sabihin na nandito ako



"Oh? Anong sadya nyo?" Sasagutin ko sana sya kaso ay napatingin na agad sya sa T-shirt ko kaya nagtanong nanaman sya ulit sakin "Anong nangyari dyan? Napano ka?" Tanong nya ulit



"Si Shèniel" singit ni Nicolla "May nakabangga kay Shèniel kaya natapon nya yung mga paint kay Aea"



Natahimik si Kuya sabay tango, hindi alam kung anong sasabihin,



Chasing Him (Mendarez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon