Chapter 40

4.7K 149 16
                                    

Chapter 40: Anniversary

The opening of the resort was successful! Very successful! Kaya naman kahit na kaka-isang taon palang simula nang mabuksan ito ay agad itong pumatok!


Fiends, acquaintances, tourists, at kahit mga locals dito ay hindi pinalagpas ang resort, madalas ang mga nag ch-check in ay yung may sine-celebrate o minsan ay mga magbabarkada na nagkaimbitahan, minsan ay maliit na pamilya na naisipan lang na mag bonding,


May nag-shoot nga ng movie dito! Sikat na artista ang main leads kaya na curious ang mga manonood kung saang resort daw yun, it helped with our resort a lot, dumami ang customers namin after the released of that movie, dahil gusto daw mapuntahan ng mga manonood ang lugar kung saan yun ni-shoot para maipost at maipagmayabang sa social media


May mga company din na dito nag p-photoshoot and one more thing! May nag held nang fashion show dito, they paid the whole resort para maging exclusive at walang ibang tao ang makapasok dahil nga fashion show yun, I'm happy to see the some local models slaying the woodpath na inilagay sa taas ng buhangin para hindi sila mahirapang maglakad


Mabilis na nag upgrade ang resort dahil sa mga 'yon, mas malawak ito kaysa dati dahil binili ko ang katabi din nitong resort na for sale at medyo abandoned na rin,


Mas marami na ang cottages at nipa huts ngayon! Ang dating maliit na canteen ay tila naging open restaurant na sa laki, we have a lot of water activities available now unlike before,


May dalawang swimming pool rin akong pinalagay do'n sa extended na lot sa resort ang isa ay may slides ang isa naman ay medyo maliit kompara sa isa, wala itong slides. It's made for those people who wants to chill and want some peace,


May mga cottages din kami na mala-bahay na sa laki, para yon sa mga nag o-overnight.


Mas rumami ang sun loungers na dapat idagdag dahil sa expansion ng resort,  i think it's a good thing too para kapag maraming tao ay hindi malayo sila sa isa't-isa, lalo na kapag hindi magkakilala



"Nanay Lara!" Bati ko kay Nanay Lara pagkarating nya ng resort, she's with her family. Sinabi ko na dito nalang icelebrate ang birthday ni Nanay, buti nalang at pumayag si Nanay at ang mga anak nya.


"Hija! Salamat ulit at hindi mo kami pinagbayad ng entrance at cottage!" Biro ni Nanay Lara kaya natawa ako


"Syempre, Nanay! Kahit araw-araw ka pa dito!"


Bumisita rin sila Kuya at Ate para makadalo sa simpleng birthday celebration ni Nanay Lara, Ate is with her husband since she's pregnant. Nag-aalala ata kaya sinamahan.


"Happy Birthday, Nay!" Si Ate sabay halik sa pisngi ni Nanay Lara, gano'n din ang ginawa ni Kuya


"Astrid! Miss na miss na kita, hija! Kamusta ang pagbubuntis?!" Si Nanay Lara na halos maiyak, Ate Astrid settled down here in the Philippines with her husband after they got married


"Sobrang hirap, Nay!" Reklamo ni Ate, her husband whispered something on her ear na nagpanguso kay Ate bago sya inilalayan papaupo,



"Salamat sainyo at naalala nyo pa ako" Si Nanay Lara, ang mga anak ni Nanay Lara ay busy sa pag-aayos ng pagkain sa parihabang mesa ng cottage, ang mga apo naman ni Nanay ay masaya nang naliligo sa dagat "Kamusta na kayo?"



"Okay naman po, Nay." si Kuya,


"Ikaw? Asher, ang asawa at ang anak mo? Ba't hindi mo isinama?"



Chasing Him (Mendarez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon