Chapter 32

4.3K 155 24
                                    

Chapter 32: Selfish

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa alarm, Bumangon ako at sinuot ang tsinelas panloob, itinali ko ang buhok ko at nag toothbrush at naghilamos sa CR na nasa tabi ng kwarto ko


Sinilip ko ang kwarto nila Marie na nasa tabi lang ng CR, napapagitnaan lang ng CR ang mga kwarto namin. Wala na sila doon, siguro ay dapat mas maaga pa akong gumising kung gano'n. Anong oras kaya sila gumigising?



Naabutan ko sila Aling Nena at Marie na nasa kusina at naghahanda ng agahan, agad akong humalo sakanila


"Ano pong maitutulong ko?" I asked,



Si Aling Nena ay kinukuha na ang nga niluto nya galing sa frying pan, si Marie naman ay hinahanda na ang mesa


"Tawagin mo nalang si Kaiden at sabihin handa na ang agahan" si Aling Nena,



"Si Lola Mirasol po? Tatawagin ko na rin?" Umiling sya,



"Mamaya-maya pa gigising si Ma'am Mirasol, tsaka ako na mismo ang maghahatid ng pagkain sakanya sa kwarto nya para hindi na sya bababa pa rito" paliwanag ni Aling Nena,



Tumango ako at agad na umakyat sa ikalawang palapag, may tatlong pintuan pag-akyat ko. Hindi ko alam kung saan ang kay Kaiden dito. Ang alam ko ay kwarto ni Lola Mirasol ang pinaka-unang pintuan na pinakamalapit sa hagdan.


Pumunta ako sa gitnang pintuan, kakatukin ko na sana ito nang bigla itong bumukas. Mukha at ang mabangong amoy ni Kaiden ang bumungad saakin,



"Good Morning, Kakain na daw" i greeted with a wide smile on my face, ngunit agad itong napawi nang maalala ang ginawa ko kahapon! Kainis!



"Good morning" bati nya pabalik, nakaligo na sya at lahat habang ako ay kakagising lang! Sa tingin ko nga ay hindi pa gaano kaayos ang buhok ko!


Isinabit nya pabalik sa tenga ko ang mga strand ng buhok na natanggal mula sa pagkakatali dahil sa pagtakbo ko paakyat dito,



"My morning will surely always be good, lalo na kapag ikaw ang unang nakikita ko araw-araw na bumabati saakin" sabi nya nang pababa kami ng hagdan, imismid naman ako. Hindi nga?


Siniko ko sya at sinamaan ng tingin dahil baka marinig sya nila Marie at Aling Nena! Ininda nya ang sakit habang tumatawa,



"Good morning po, Sir Kaiden" bati ni Marie sakanya. Kai simply nodded at umupo sa mesa



"Good morning, hijo Kaiden" bati naman ni Aling Nena



Nang umupo si Kaiden sa upuan para kumain ay umupo na rin si Marie at Aling Nena para kumain, nagtaka pa ako pero sumunod nalang din.



Akala ko ay tatayo lang kami sa gilid habang hinihintay si Kaiden na matapos kumain,



Si Lola Mirasol daw ay tulog pa, kaya hindi sya sumabay



Tumayo na si Kai pagkatapos kumain, ganon rin kami. I helped Marie to clean the table napatingin ako kay Kai nang mapansing nakatayo lang sya at nakatingin saakin, may sinenyas sya saakin kaya kumunot ang noo ko


Napatingin ako kay Marie, she's washing the dishes now kaya sumunod ako kay Kai papunta sa kotse nya sa labas


"I'll go to work now. Do you want to come with me? The renovation of the Cafè will start today"



Umirap ako, "Tsh, ano namang maitutulong ko do'n?"



"Yeah, right. They'll be a lot of guys there so it's a good thing you won't come" he said habang ang noo ay nasa balikat ko, siguro ay inaantok pa sya kahit nakaligo na at lahat



Chasing Him (Mendarez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon