Chapter 19

4.9K 141 33
                                    

Chapter 19: Fate


"Uhh, Astraea totoo ba yung sinabi ni Nicolla" Justin asked habang tahimik na kumakain si Kaiden sa gilid nya


"Na ano?" Tanong ko pabalik out of confusion



"..na...may boyfriend ka na raw?"



"No, it's not true, gawa-gawa nya lang yun, you know, to make fun of me" pag-amin ko of course! Baka makarating pa 'to kay Kuya 'no at mapagalitan pa ako



I chuckled a bit because the atmosphere is so awkward, ba't pa kase nakisali 'tong isa dito. Joiners.



"Glad to hear that" singit ni Kaiden kaya tiningnan ko sya ng masama



"Uhh, Astraea, ito na pala yung ni-order ko para sayo" si Justin sabay tulak papunta sa'kin ng tray na dala nya


"Thank-"



"No. I'll eat that, ito ang kakain nya." si Kai na parang Papa ko kung makapagsalita



"Excuse me? I'll eat the one that Justin bought for me"


"Edi kainin mo rin yung binili ko para sayo."



"Hindi magkakasya yan lahat sa tyan ko." Pagmamatigas ko at kinain ang binili sa'kin ni Justin



Speaking of Justin tahimik lang sya sa gilid ko, he's probably awkward dahil halos magsigawan na kami ni Kai or should i say halos sigawan ko na si Kai



"Uhh, okay lang naman, Astraea. Kainin mo nalang yang binili ni Kaiden" si Justin kaya sumimangot ako



Tumingin ako kay Kai para tingnan sya ng masama pero nakangisi lang sya sa'kin na parang proud na proud pa dahil sya ang nanalo sa huli


Is this really that big of a deal to him?



Sa huli ay wala akong nagawa kundi kainin ang ni-order ni Kai dahil hinila na nya palayo sa'kin ang tray na galing kay Justin at inilapit ang tray nya


Mabilis ko itong inubos halos pagkasyahin ko lahat sa bunganga ko para isang lunukan nalang, nang maubos ko iyon ay tumayo ako agad at tiningnan si Justin na halos hindi pa nakakalahati sa pagkain nya



"Sorry Justin, ah. May kailangan pa pala akong gawin. Next time nalang ulit yung wala ng makikisali sa'tin" pagmamaldita ko at sinulyapan si Kai sabay irap sakanya kahit hindi sya nakatingin pero alam kung nakikinig


Pabalik na ako sa classroom ko nang maramdamang may sumusunod sa'kin, napasinghap ako at tumigil sa paglalakad para harapin sya


"What?"


"Are you annoyed?"


"Yes i am and it's because of you."



Tahimik lang sya, nagpatuloy ako sa paglalakad at hinayaan syang sundan ako hanggang makarating kami sa likod ng isang building na hindi pa ginagamit dahil hindi pa tapos na gawin


"I told you yesterday! Kahit friends nalang tayo ay okay lang! But you kissed me out of nowhere! Because of what? Because you only like me chasing you, you just want my attention. Your ego won't let me get over you!" Sunod sunod kung bulyaw nang mga salita na ngayon lang din pumasok sa isip ko


"I want to hear you, Kai! What do you really want?"


I was so stupid to not to realize this yesterday



Chasing Him (Mendarez Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon