KABANATA 70

205 6 19
                                    

KABANATA 70

SBS Fashion Boutique

Nasa loob na sina Angela para mamili ng maisusuot sa darating na halloween party.

"Angela, 'wag ka nalang bumili ng maisusuot mo dahil libre na ng school ang isusuot mo since isa ka sa mga volunteers." Saad ni Vanessa.

"Napilitan lang." Pagtatama ng dalaga.

Napatawa naman si Vanessa dahil doon. Kalaunan ay nawala iyon nang makitang nakatingin sa kanya si Angela.

"B-bakit?" Tanong ng dalaga bago umiwas ng tingin kay Angela.

Tumingin pa muna si Angela kay Harley na namimili ng maisusuot bago nagsalita. "Okay na kayo?" Tanong ni Angela bago tiningnan si Vanessa na nakatingin na sa dalaga.

Naglakad pa muna ang dalaga palapit sa upuan at umupo doon bago nagsalita. Sumunod naman si Angela.

Tumingin si Vanessa kay Harley na namimili pa rin. "Okay na kami." Nakangiting saad ng dalaga. Kalaunan ay lumungkot ang mukha nito. "'Yon nga lang, yung problema namin, mukhang wala nang pag-asang maging okay."

"Arrange marriage, 'di ba?"

Napalingon naman si Vanessa sa dalaga. "Oo."

"Edi ipakita mo sa mga magulang ni Harley na ikaw ang karapat-dapat na maging asawa ng anak nila---"

Nanlaki naman kaagad ang mata ni Vanessa. "Agad-agad?!"

d-.-b

"In the near future, Van." Saad ng dalaga. "Ipapakita mo lang ngayon na ikaw ang karapat-dapat para sa anak nila. Para matigil na ang kasunduan na 'yan."

"Pa'no ko gagawin 'yon?"

"Ligawan mo---"

"Ano?! Bakit ako pa ang manliligaw Angela! Dapat si---"

d-.-b

"Hindi pa 'ko tapos magsalita."

Napa-peace sign naman kaagad si Vanessa.

"Ang ibig kong sabihin, ligawan mo ang mga magulang ni Harley, nang sa gano'n, matigil na ang kasunduan na 'yan."

Napangiwi naman si Vanessa, hindi niya lubos maisip na manliligaw siya. Kalaunan, napatango na ang dalaga.

"Susubukan ko."

"Subukan mo."

Sa kabilang banda, kanina pa namimili si Rhea nang maisusuot pero hindi siya makapili. Kanina pa nalukot ang mukha nito dahil kanina pa siya paikot-ikot sa loob ng boutique.

"Ito nalang yung sa'yo. Mas bagay 'to sa'yo."

Napalingon si Rhea sa may di kalayuan at nakita doon si Alyson na nakatingin na nang masama kay Shawn habang ang binata ay nakatingin lang sa dalaga.

"Anong tingin mo sa'kin, manananggal para pagsuotin niyan?!" Sigaw mg dalaga kay Shawn.

Napatawa naman si Rhea na siyang nakarinig no'n.

Si Shawn naman, imbes na mainis sa sigaw ni Alyson, tumawa lang ito na siyang dahilan para matahimik ang dalaga at mapaiwas ng tingin.

"'Wag mo 'kong tawanan!" Pasigaw na saad ni Alyson habang tumatalikod at nagtitingin-tingin sa iba para maiwasan lang ang tingin ng binata.

"Ito nalang. Parehas naman tayo e."

"Tch, kung gusto mo nang ganyan, 'wag mo 'kong idamay sa kalokohan mo!"

Napanguso si Rhea sa nakita.

'Sana nandito rin si---Aissh!'

"Hindi ka makapili dahil iba ang nasa isip mo."

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now