KABANATA 77

57 5 6
                                    

KABANATA 77

*klak*

Napatingin si Christian sa may pinto ng kuwarto niya nang bumukas iyon.

"Pasok." Pagpapatuloy ng binata sa kapatid. "Anong pakay mo?" Tanong nito bago ibinalik ang tingin sa laptop.

"Magba-bakasyon nga pala kami ngayon. Nakalimutan kong magpaalam kahapon."

Kaagad na napatingin si Christian sa kapatid. "Bakit?"

Napakunot-noo si Angela. "Anong bakit?"

"Bakit sa'kin ka nagpapaalam?"

Sa tuwing may lakad ang dalaga, pupunta kaagad ito kay Sebastian at magpapaalam.

"Dahil ikaw ang pinagpaalaman ko?" Hindi siguradong tanong ng dalaga.

d-.-b

"'Wag kang sarkastiko, Angela."

"Tch! Dahil ikaw ang panganay." Nakaiwas na sagot ng dalaga.

Napangisi si Christian. "Noon naman, kay Sebastian ka nagpapaalam kahit alam mong ako ang panganay."

Natahimik ang dalaga, pero mababasa sa mukha rito ang inis.

Mas lalong napangisi si Christian. "Tara sa baba. Do'n mo sabihin para malaman din ng iba."

Pagkababa, nadatnan nilang nagluluto si Sebastian.

Kaagad na lumapit si Angela at tumingin sa niluluto nito.

Gulat na napatingin si Sebastian sa dalaga. Ganoon din si Angela, tila nasanay na itong tumingin sa binata sa oras na magluluto ito.

"Ehem!" Tikhim ni Christian. "May gustong sabihin si Angela." Saad ng binata bago tingnan si Angela. "Go ahead."

Napatingin ang mga kapatid sa dalaga.

"Aalis ako." Saad ng dalaga habang nakatingin sa may mesa.

Napatigil sa ginagawa ang mga kapatid.

"Saan?!" Sabay-sabay na tanong ng mga ito.

Inis na tiningnan ng dalaga ang mga ito. "Tch, magba-bakasyon lang kami ng mga barkad---ng mga kaklase ko. Sandale lang 'yon."

"Saan naman?"

"Sa probinsiya, hindi ko lang alam kung saan."

Natahimik ang magkakapatid. Tahimik silang naghanda sa mesa at tahimik na umupo sa upuan nila.

"Tahimik niyo?" Puna ng dalaga.

"Mami-miss ka namin." Pag-amin ng magkakapatid.

"Tch!" Nakangising singhal ng dalaga. "Hindi na kayo bata---"

"Hindi lang bata ang nakakaramdam ng pagka-miss." Pambabara ni Christian.

Natahimik si Angela. Napansin naman ng dalaga na natahimik din ang magkakapatid kaya napatingin siya sa mga ito.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now