KABANATA 71

60 6 12
                                    

KABANATA 71

[Halloween Party]

Naghahanda na ang lahat para sa gaganaping halloween party mamayang alas siyete ng gabi.

Sa MSU Campus, handa na ang eskwelahan para sa gaganaping event.

Samantala, naghahanda na rin sina Vanessa at Rhea na nasa bahay ni Kaizo ngayon.

"Oy babaing epal, subukan mo lang akong pagtripan, papangitan ko talaga ang pagmake-up sa'yo!" Babala kaagad ni Rhea bago pa makapagsimula si Vanessa na make-up-an siya nito.

Napatawa naman si Vanessa. "Babaing maingay, halloween party ang pupuntahan natin! Baka nakakalimutan mo! Siyempre papangit ka talaga dahil zombie ang pinili mo!"

d>>_<<b

"Anong zombie?! Witch ang pinili ko!" Nakakunot-noong sigaw ng dalaga.

Kaagad namang napatawa si Vanessa. "Witch ba? Akala ko kasi zombie, e. Naku, babaing maingay, mali ang napili mo!"

"Bakit?"

"Dapat zombie ang pinili mo dahil mukha kang zombie!"

Kaagad na napatakbo si Vanessa nang mapansing sasabunutan na siya ni Rhea.

"Babaing epaaaaaal!"

d-.-b

"Baka malate na kayo." Singit ni Angela nang makita ang ayos ng dalawa.

Napatigil si Rhea at napatingin kay Angela. Kalaunan ay bumalik sa pwesto nito kanina at umupo bago tingnan nang masama si Vanessa.

"Ayusin mo babaing epal, kundi---"

"Oo na!" Singit ni Vanessa bago lumapit muli kay Rhea.

Sinimulan nang make-up-an ni Vanessa si Rhea. Nanatili namang tahimik na nanonood si Angela, nakaupo sa sofa habang nakatingin sa dalawa.

"Shanny, hindi ka pa magbibihis?" Tanong ni Rhea sa kaibigan.

Magsasalita na sana si Angela nang maunahan na siya ni Vanessa.

"Do'n siya sa school magbibihis Rhea. May make-up artists na pupunta roon para sa mga volunteers."

Napatango-tango si Rhea.

Witch costume ang napili ni Rhea. Bukod sa wala na siyang ibang maisip, gusto niya ito kaysa sa mag-zombie costume siya. Isa pa, gusto niya ito since may kontrabida-effect ang isang witch.

Kay Vanessa at Harley naman, nagkasundo ang dalawa na mag-batman at batgirl costume sila.

*beep*  *beep*

Napatingin si Angela sa cellphone niya nang tumunog iyon.

One message received...
From: MSU OFFICE

All volunteers, please come to the office. Thank you.

Napabuntong-hininga si Angela bago tumayo.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now