KABANATA 80

56 5 0
                                    

KABANATA 80


Nakapalibot sa bonfire ang magkakaibigan. Naisipan ng mga ito na gawin iyon sa backyard. Kasalukuyan silang naghahanda para sa panghapunan nila na doon gagawin. Ang iba ay nakaharap lang sa bonfire, ang iba ay nagluluto ng barbeque, ang iba ay hinahanda ang mesa.

"Shanny, pwedeng pakikuha ng kanin sa loob?"

Tumango si Angela at tumayo. Sumunod naman si Shawn na inutusan ni Rhea na magtimpla ng juice para sa barkada na kaagad namang sinunod ni Shawn.

Kasalukuyang naghahain si Angela ng kanin nang bigla na lamang dumating si Shawn para magtimpla ng juice.

Saglit na napatingin si Angela sa binata, ganoon din ito sa dalaga. Nagsitanguan lang sila sa isa't isa bago bumalik sa ginagawa.

"Nautusan ka rin?" Biglang tanong ni Angela sa lalaki.

"Oo. Palautos ang isang 'yon." Komento ni Shawn.

Napangisi naman ng kaunti si Angela. "Alam ko na 'yan. Sa tagal na naming magkasama, halos lahat ng karengkeng sa katawan niya, alam ko na."

Tumigil sa ginagawa si Shawn at seryosong tumingin sa dalaga. "Kaibigan mo?"

Napatigil sa ginawa si Angela, nanatiling nakatalikod sa lalaki. Kalaunan ay bumalik lang rin ito sa ginagawa.

"Hindi."

Napatango-tango si Shawn. "Okay."

Napatingin ang dalawa kay Alyson na pumasok rin ng kusina.

"Napag-utusan ka rin?"

Napairap na lamang si Alyson. "Oo, nakipagsigawan pa ako sa kanya, wala naman akong magawa dahil kakampi niya si Vanessa."

"Galit ka?"

Natigilan si Alyson sa tanong ni Shawn. Tinimbang-timbang ang sarili kung galit ba talaga siya kay Rhea o hindi.

"H-hindi." Mahinang sagot ni Alyson bago naghain ng adobong manok.

Napangiti naman si Shawn sa naging sagot ni Alyson.

Samantala, kasalukuyang naghahanda sina Rhea sa may backyard nang bigla na lamang nahimatay si Vanessa.

Kaagad na nanlaki ang mata ni Rhea at nilapitan si Vanessa.

"Vanessa!"

Mas lalong nanlaki ang mata ni Rhea nang makitang ang mga kasama naman nito ang sunod na nahimatay.

"Hoy---" Natigilan si Rhea nang makita ang isang bagay sa may leeg ng mga kasama.

Papatakbo na si Rhea papasok ng bahay nang matigilan muli ang dalaga. Nakita nito ang lalaking nakaitim, nakatago sa malaking puno at may bagay na nakatutok sa direksyon niya. Akala niya, katapusan na niya pero may biglang yumakap sa kanya at sabay silang tumilapon. Napangiwi si Rhea, pero hindi iyon naging hadlang para hindi niya matingnan ang taong nagligtas sa kanya.

dO___Ob

Gulat ang siyang sumalubong sa dalaga nang makilala ang lalaki. It was Luhence.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now