KABANATA 79

45 5 0
                                    

KABANATA 79


Pagod ang makikita sa mga mukha ng magbabarkada. Ilang minuto rin silang nakipaghabulan sa mga manok na tinutuka pa sila. Malapit pa 'yong umabot ng isang oras, mabuti nalang at tinulungan sila ng mga manggagawa roon na dakpin ang mga manok.

"Sana naman, 'yong isa diyan, hindi na mangingialam no?" Pagpaparinig ni Alyson.

"Aly." Saway ni Aishia sa kaibigan.

Napanguso naman si Rhea.

"Pero nag-enjoy ako."

Napatingin ang lahat kay Vanessa nang dahil sa sinabi nito. Nakangiti ang dalaga habang sinasabi ang katagang iyon.

"What? Nag-enjoy ka sa ilang minuto nating paghahabol do'n sa mga manok, Van?" Tila hindi makapaniwalang saad ni Alyson.

"Oo---"

"You're impossible!" Kaagad na sabad ng dalaga.

"Hindi sa masaya akong napagod tayo sa ilang minutong paghahabol sa mga manok, kundi dahil sa nagkaroon tayo ng kaunting panahon na nagtulungan tayo sa isang bagay kahit na sa ganoong paraan. Masaya ako roon." Nakangiting saad ng dalaga, sinsero ang ngiting iyon.

"Pfft!"

Napatingin ang lahat kay Harley nang bigla itong humagikhik.

"O, anong nangyari sa'yo? Naloka ka ba sa ilang minuto nating paghahabol sa mga manok?" Tanong ni Alyson sa binata.

"Hindi." Umiiling ang binata. "Natawa lang ako kina Angela at Jericho kanina."

Flashback

Kasalukuyang naghahabol sina Jericho at Angela sa mga manok. Hindi naman alam ng dalawa na iisang manok lang pala ang hinahabol nila kaya sabay nila itong nadakip, nahawakan nila iyon. Nagkatinginan ang dalawa, sabay na umiwas at sabay ring nagbitiw sa manok na kapwa hawak nila. Sabay rin ang paglaki ng mata nilang dalawa dahil nakatakas na ang manok na hawak-hawak lang nila kanina.

"Bakit mo binitawan?/ Bakit mo binitawan?!"

Nagkasabay sila sa pagtatanong. Si Angela na nakakunot-noong nagtatanong at si Jericho na pasigaw kong magtanong.

d-.-b

"Ang akala ko, hindi mo 'yon bibitawan." Poker faced na tanong ng dalaga.

Napakunot-noo si Jericho. "Hindi! Ang akala ko, hindi mo 'yon bibitawan!"

"Tch!" Nagpatuloy na lamang sa paghahabol ang dalaga.

"H-hoy, e-emo girl! Kasalanan mo 'yon! Aishh!"

End of flashback

Kaagad na nagsiiwas ng tingin sina Jericho at Angela nang maalala ang pangyayaring 'yon.

"Pfft! Sayang! Hindi ko nasaksihan 'yon!" Nakatawang saad ni Alyson.

"E, pa'no ba kasi, nag-dive ka sa lupa!" Singit ni Rhea.

Kaagad na nakatanggap ng sama ng tingin ang dalaga. "At kasalanan mo 'yon!"

Napataas naman kaagad ang kilay ni Rhea. "Papa'nong naging kasalanan ko 'yon? Ako ba ang tumatakbo? Ako ba ang tumuka sa'yo?"

Tinuka kasi si Alyson ng manok kaya umiwas ito, pero hindi naman aakalain ng dalaga na magda-dive pala siya sa lupa. Hindi na siya nakapagbalanse dahil biglaan ang lahat.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now