KABANATA 76

46 7 9
                                    

KABANATA 76

Bumaba si Angela para sana magluto ng pang-agahan. Pagkababa, napakunot-noo ang dalaga nang mapansing may ingay sa loob ng kusina.

Napacross-arms si Angela at napasandal sa may pinto habang tinitingnan ang ginagawa ni Ian. Kahit na hirap ito sa pagluluto, nalilito sa kung anong ingredients ang isusunod, nakakunot man ang noo ng binatilyo, seryoso pa rin ito sa pagluluto.

"Shan---"


Kaagad na hinarap ni Angela si Sebastian at pinatahimik ito. Nagulat si Angela nang mapansin ang magulong buhok ng binata. Naalala naman ng dalaga ang napag-usapan kagabi kaya mahina itong napatikhim at umiwas na lamang ng tingin.

"Shan, yung kagabi---"

"Bakit hindi pa kayo pumasok---" Napatigil sa pagsasalita si Lucian at nagulat din sa nakita. Kalaunan ay napangiti ang binata dahil sa kalagayan ni Ian sa kusina.

Napakunot-noo naman si Christian nang makita ang magkakapatid sa may pinto. Nagtataka ito kung bakit hindi pa ito pumasok sa loob.

"Bakit---"

Kunot ang noo ni Christian nang makita ang ginawang pagluluto ni Ian.

"Trying hard ang bunso natin ngayon." Mahinang natawa si Lucian.

"Hey kiddo!"

Napatigil sa ginagawa si Ian at napatingin sa may pinto.

"Hey---"

"Who says you're allowed to cook?" Intriga ni Christian.

Nawala ang ngisi at ngiting nakapaskil sa magkakapatid.

"Christian." Saway ni Angela.

Napanguso si Ian. "I just want to cook food for noona. Am I not allowed to do it?"

Umaga pa lamang, parang nakokonsomisyon na ang binata.

"Pero hindi ka marunong magluto, Ian."

"May youtube naman!" Nakangusong puna ng binatilyo.

"May allergy si Angela sa shrimp, alam mo ba ang bagay na iyon?"

Natigilan si Ian, kasama na roon si Lucian.

Napatingin naman sina Sebastian at Angela kay Christian.

Natigilan naman si Christian nang mapatingin siya kina Angela. Napaiwas ng tingin ang binata kalaunan.

"Aksidenteng nakita ko kayo sa isang japanese restaurant." Umiiwas na paliwanag ng binata.

"Pero pa'no mo nalamang may allergy si Shan no'n? Ako lang ang tanging nakakaalam no'n, Chris---"

"Aksidenteng narinig ko ang pag-uusap niyo roon sa restaurant."

Nagkatinginan sina Angela at Sebastian, at ganoon nalang ang biglaang pagkunot ng noo ni Christian at ang pag-usbong ng inis nito nang makita ang pagngisi ng dalawa.

"What?"

Hinarap ni Sebastian ang kapatid. "Alam mo bud, nakita ka ni Lucian na sinusundan kami papunta roon."

Gulat na napatingin si Christian kay Lucian, ang huli ay todo-iwas naman ng tingin.

d-_-b

"Tch, nagkataon lang talaga na dumaan ako roon. Nakita ko kayo kaya pumasok ako at tiningnan ang pinanggagagawa niyo."

"Tch!" Singhal ng dalaga bago pumasok sa loob ng kusina. Nilapitan ng dalaga ang nakababatang kapatid at ginulo ang buhok nito.

"'Wag kang mag-alala, kakainin---"

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now