KABANATA 73

49 7 2
                                    

KABANATA 73

Days passes like seconds. Month of December na. Parang kailan lang nung nagcelebrate ang school ng halloween party.

"Omy! Excited na ako sa christmas break!"

Pagtitili ng isa sa mga kaklase ni Rhea pero parang hindi na niya narinig ang sunod nitong sinabi dahil nanatiling nakafocus ang paningin niya sa labas ng room.


Flashback

Hindi pa nakakapasok si Rhea sa boutique nang magsalita na naman ang binata.

"Uuwi na ako mamaya."

"Wala akong pakialam kung uuwi ka na mamaya o hindi." Malamig pa rin ang tonong saad nito bago naglakad papasok ng boutique.

___________

Napabuntong-hininga si Luhence bago lumapit kay Rhea at hinalikan ang buhok nito.

"Babalik ako." Saad ng binata bago naglakad palabas ng canteen.

End of flashback

Upon reminiscing those promises of Luhence, hindi mapigilan ni Rhea ang mainis dito.

"He's liar."

Kaagad namang lumapit si Vanessa kay Rhea at itinabi ang mukha sa mukha ng kaibigan.

"Sino?" Tanong ni Vanessa habang nakatingin sa tinitingnan ni Rhea sa labas.

Napalingon ang dalaga kay Rhea nang mapansing tahimik ito. Napangiti ng pilit ang dalaga nang makita ang masamang tinging ipinukol ni Rhea sa kanya.

"Hehe."

*poink*

Napanguso na lamang si Vanessa matapos makatanggap ng isang sariwang batok mula kay Rhea.

"Bakit ba nambabatok ka?" Mahinang pagmamaktol ni Vanessa, napahimas pa sa bahaging binatukan ni Rhea.

Irap lang ang tanging isinagot ni Rhea sa dalaga.

"Excited ka na sa christmas break?" Tumabi si Alyson sa kanya. Nilingon siya nito nang hindi pa siya sumagot.

Napaiwas ng tingin si Rhea. "Hindi ko alam." Mahinang tugon ng dalaga.

Nagkatinginan ang mga kaibigan nito dahil sa naging tugon ng dalaga, kalaunan ay palihim silang napatawa.

Napatingala naman si Rhea dahil sa pagtahimik ng mga kaibigan niya. Napakunot-noo ang dalaga nang makitang humahagikhik ang mga ito.

"Bakit?"

"Wala." Sabay na sagot ng mga ito, umiiling-iling pa.

'Weird.'

Iyan ang lumabas sa isip ng dalaga habang nakatingin sa mga kaibigan niya. Napailing-iling pa ang dalaga.

"Tara sa canteen."

Sabay-sabay na nagsitayo ang magkakaibigan. Kasalukuyan silang naglalakad nang biglang buksan ni Vanessa ang usapang christmas break.

"Sa'n kayo magbabakasyon ngayong christmas break guys?"

Napatingin ang magkakaibigan kay Vanessa.

"Siyempre sa bahay, sa'n ba magce-celebrate ng christmas babaing epal?" Pambabara ni Rhea.

Napahalukipkip si Vanessa sa ginawang sagot ni Rhea. "Babaing maingay, medyo mataas ang bakasyon natin kaya hindi maiwasan ang magbakasyon. Sa beach o sa kung ano pang bakasyunan, hindi na nakakagulat 'yon." Saad ng dalaga. "Bakit, sa buo bang christmas break, tatambay ka lang sa bahay niyo?"

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now