KABANATA 81

53 6 1
                                    

KABANATA 81

"Angela, wala sina Vanessa."

Napalingon muli si Angela kay Shawn, tahimik na umaasang ligtas sina Vanessa. Tinanguan ng dalaga ang binata.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanila."

Napatingin si Shawn sa dalaga, kalaunan ay sa dalawampung lalaking nag-aantay kay Angela.

"Babalik ako."

Tumango ang dalaga kasabay niyon ang pag-alis ni Shawn pasan-pasan si Aishia.

Tumingin na si Angela sa mga lalaking nasa dulo ng silid ding iyon.

*bogsssshh*

Naramdaman ni Angela ang presensiya ng ilang kalalakihan sa likuran niya. Napangisi na lamang ang dalaga.


*beep*  *beep*

From: Unknown

You only have 7 minutes.

Napatingin na sa kalaban si Angela. Susugod na ang dalaga nang may matanggap na namang text.

One message received
From: Unknown

Choose left.

One message received
From: Unknown

Choose right.

One message received
From: Unknown

It's either left or right.

Sunod-sunod ang natanggap na text ng dalaga na siyang naging dahilan para kabahan ito. But because she's good at hiding an emotion, hindi iyon mapapansin ng kalaban. Kinabahan ang dalaga hindi dahil sa maraming kalaban na siyang haharapin, kinakabahan ang dalaga dahil hindi niya pa alam ang kinaroroonan nina Vanessa. May mystery texts pang ibinigay si Dos na hindi naman alam ng dalaga kung anong ipinapahiwatig nito.

It's either left or right.

She knows what's left or right for pete's sake! But she doesn't know what's its hidden meaning.

Kasalukuyang nag-iisip ang dalaga kung anong ibig ipahiwatig ng text na iyon nang mapansin niya ang tahimik na pag-atake ng ilang kalaban. Kaagad na yumukod ang dalaga dahilan para maiwasan niya ang sipa at suntok ng mga ito. Bumwelo ang dalaga paikot dahilan para mapaatras ang kalabang nakapalibot sa kanya.

From: Unknown

You only have 6 minutes.

Kaagad na kumilos ang dalaga. Sinugod na niya ang kalaban, hindi na niya inantay pang sumugod ang mga ito sa kanya. Mabilis, malakas, at angking galing ang ipinakita ng dalaga. Kahanga-hanga ang bilis ng kilos nito, maging ang paraan kung paano ito lumaban.

Humihingal na nag-landing ang dalaga sa lapag, tumingin sa nag-iisang lalaking natitira na nasa may dulo pa rin ng bahaging iyon.

"Nasa'n ang mga kasama ko."

Napangisi lang ang lalaki, hindi manlang nag-atubiling tumugon sa tanong ng dalaga.

Napatiim-bagang naman si Angela. Humakbang siya palapit rito.

"Nasa'n ang mga kasama ko." Muling tanong ni Angela. Mas malamig, mas nakakakilabot. "Sagutin mo ako!"

Bahagyang napaatras ang lalaki, nanlaki ang mata, tila nagulat sa biglaang pagsigaw ng dalaga. Kalaunan ay napatawa. "E, pa'no kung ayoko?" May panunudyo sa boses niyang iyon.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now