KABANATA 78

50 7 0
                                    

KABANATA 78

"Ngayon nalang kasi tayo pumunta sa hacienda! Gusto ko nang makita kung anong naroon, e!"

Naalimpungatan si Angela dahil sa lakas ng boses ni Rhea.

"O, nagising tuloy si Angela. Ikaw kasi, Rhea, e!" Paninisi ni Alyson.

"Anong ako? Ikaw kaya!" Nakangusong saad ng dalaga bago palihim na tiningnan si Angela.

Nasa iisang kuwarto lang ang mga babae, ganoon din sa mga lalaki maliban kay Harley na may sariling kuwarto.

Tumayo si Angela at naglakad palabas.

"Sa'n ka pupunta, Angela?"

Napatigil ang dalaga sa pagbukas ng pinto at binalingan si Alyson.

"Sa kusina lang. Ge." Tugon ng dalaga bago tuluyang lumabas ng kuwarto.

Pagkababa, nadatnan ng dalaga ang mga lalaki sa kusina na siyang tinuturuang magluto ni Manang Wena, ang cook ng pamilya Hernandez.

Nakakunot ang noo ng mga lalaki habang nakatingin at nakikinig sa ginagawa at sa kung ano ang sinasabi ni Wena. Nakakunot ang noo, pero seryoso itong nakikinig sa babae.

"Naiintindihan niyo ba?" Tanong nito sa mga lalaki.

Sabay na tumango ang mga lalaki. Napangiti naman ang matanda sa nakita.

"Ang mga lalaki, dapat marunong ding magluto, hindi 'yong puro kalokohan lang ang alam. Tama ba ako, hija?"

Napalingon si Angela sa matanda na nasa tabi na pala niya.

Tumango ang dalaga.

Nailang si Angela sa uri ng pag tingin ng matanda sa kanya, ngunit kahit na gano'n, nanatiling kalmado ang dalaga.

"Anong pangalan ng mga magulang mo, hija?"


Natigilan ang dalaga, lumingon sa matanda. Papasalita na ito nang maunahan ito ni Harley na nasa likuran na pala nila.

"They are the Del Mundo's, la."

Nagulat naman ang matanda, kalaunan ay napalitan iyon ng ngiti. "Kaya pala." Tumatango-tango ang matanda. "You must be Angela?"

Tumango si Angela.

Natigil ang paksang pinag-uusapan nila nang dumating na sina Rhea.

"Anong ginagawa niyo?" Usisa kaagad nito, tumingin-tingin pa sa mga ingredients na siyang hinanda ng mga lalaki kanina pa para sa paglulutong gagawin mamaya.

"Magluluto kami." May ngiti sa labing saad ni Luhence. Lumingon ito sa katabing si Rhea. "May gusto kang ipaluto?" Malambing na tanong nito.

Palihim namang nagsi-ngiti ang mga kasama dahil sa ginawa ni Luhence.

Napatikhim si Rhea at umiwas ng tingin kay Luhence. "Wala." Kalmadong saad ng dalaga bago deritsong naglakad palapit sa may mesa, malayo kay Luhence. Kalmado ang dalaga kanina, ngunit ang totoo, sa loob-loob nito, gusto na nitong kainin siya ng buhay ng lupang kinatatayuan niya.

"Pfft!" Hagikhikan ng mga kasama.

Napailing-iling si Angela, doon, hindi niya sinasadyang makita si Jericho na seryosong naghihiwa-hiwa nung mga gulay.

Emotionless PRINCESS [Volume 1]Where stories live. Discover now