two

41 3 1
                                    

Chapter 2

Umihip ang napakalamig na hangin. Ako ay nakadungaw sa bintana habang ipinipikit ang mga mata upang di pansinin ang ingay sa paligid at tanging hangin ang damhin.

"Sinag, gusto mo bang sumama sa akin mamaya?" Naagaw ang pansin ko ni Thelma na kasalukuyang sumisipsip ng softdrinks niya.

"I'm sorry Thelms, pero hindi ako puwede eh. May pupuntahan kasi kami ni Gustave" I'm really apologetic.

"Ano?"

Naagaw muli ang pansin ko ng pamilyar na imahe sa labas ng classroom namin. Gustave is there standing and patiently waiting.

"I'm really sorry, Thelms. Para naman sa project natin tong ginagawa ko eh" i know it's rude of me pero iniwan ko na siya roon.

"Ano tara na?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ngumiti siya at na una ng naglakad. Lumingon siya sa akin at patalikod na naglakad habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa at suot niya ang napakamaaliwalas na ngiti. "Siguradong magugustuhan mo ang pupuntahan natin ngayon"

Unti-unting humulma ang ngiti sa aking labi. "Excited na ko. Isa pa nga pala, nagdala ako ng sketch pad para lahat ng mapuntahan natin ma do-drowing ko"

Namilog ang kaniyang mga mata. "Magandang ideya"

-

Nag daan ang mga araw na palagi kaming magkasama ni Gustave at nilalakbay Ang ganda ng Batanes. Maraming na kaming napuntahan gaya ng historical places dito, best tourist attraction at iba pang mga lugar na nakamamangha ang ganda.


Halos mapuno narin ang sketch pad ko sa dami ng nai-drawing ko. I'm really much happy and thankful to Gustave, he helped me wandered my ability. He also made me realize I was beyond the limit.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo niyang si Gustave Sinag ah" biglang kumento ni Thelma habang sumisipsip sa kaniyang softdrinks.

"Dinadala niya kasi ako sa mga lugar na puwede kong maging inspirasyon sa pag do-drawing. I'm really great full by his kindness."

"Iyon nga lang ba?" She teasingly asked.

"Oo, sa tingin ko" nakatingin sa kawalan kong sagot.

-

Noong uwian na gaya ng dati ay naghihintay parin sa akin si Gustave.

"Saan tayo ngayon?" I asked. Noong dumaan si Thelma ay kinawayan ko siya. Sanay na siya na ganito lagi ang sistema namin. Hindi gaya ng dati hindi ko na gaanong nakakasama si Thelma. Tuwing may pasok nalang.

"Sa bahay namin"

"Anong gagawin natin doon?"

"Gusto kong ipakita sa iyo ang mga obra ng papa ko" ibinigay niya sa akin ang helmet ng kaniyang bike kaya tinanggap ko ito.

Sabay naming dinama ang malamig na hangin. Hunyo na kaya malapit na ang tag ulan. Ang mga asul na langit ay muling mababalot ng pilak. Ang liwanag ng araw ay mapapalitan ng bugso ng ulan.

"Pintor ang papa mo?" kasalukuyan kong tanong habang nakasakay sa umaandar niyang bisikleta.

"Oo, iyon ang passion na pumatay sa kaniya"

Tila nan dilim ang atmospera ng boung paligid ng marinig ko ang kaniyang sinabi. Napuno ng puti at itim ang paligid dahil sa bigat ng katagang lumabas sa kaniyang mapupulang labi.

Simula ng nangyari rebilasyon ay hindi na ako nag tanong hanggang sa nakarating kami sa harap ng lumang bahay na gawa sa kahoy.

Halata sa anyo ng bahay na ito ay luma na. Mula sa disenyo at detalye. Kung ako ang tatanungin maaring panahon pa ito ng mga hapon. May kulay ngunit hindi katingkadan. Pinaghalong kayumanggi, pula at puti ang kulay na bumubuo sa boung bahay na nag susumigaw ng karangyaan.


SINAG (De Silva Sisters Series #1)Where stories live. Discover now