nine

29 3 0
                                    

Chapter 9

Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Nanumbalik sa akin ang painting na nasa kisame na gawa ng papa ni Gustave. Pilak na langit para sa dalamhati. Laman ay ulan na tila luha.

Hindi ko matanggap. Pilit kong hinihiling na sana'y ito'y isang pangit na panaginip ngunit hindi. Totoo. Totoo ang lahat ng ito. Totoo na nasa itaas si Gustave, topless at nakapatong sa aking kaibigan na kailanman hindi ko inasahan na ako'y sasakatan patalikod. Daphne.

Alam kong galit dapat ang maramdaman ko pero ang aking puso imbis na galit—sakit, sakit ang nararamdaman nito.

Wala na atang mas sasakit pa sa makita Mismo ng harapan ang pagtataksil ng taong minsan mo bang minahal.

Daphne was moaning under the scared tree that witnesses our love story. 

Kirot. Matinding kirot ang nararamdaman ng aking puso na naging dahilan ng pag-agos ng luha. Pilit kong pinipigilan ang sariling napahagulgol pero ako'y sadyang napakahina pagdating sa pagpapanggap. Isang hikbi ang lumabas sa aking labi na naging dahilan ng kanilang pagkabuwag mula sa isa't isa.

Pareho silang namutla tila hindi inaasahan ang taong nakadiskubre sa kasalanan nila.

"Sinag, anong ginagawa mo rito?" Abala na sila ngayong dalwa sa pag butones ng mga damit nila.

Hindi ko sila sinagot tanging tingin lang ang ipinukol ko sa kanilang dalawa. Sa pag agos muli ng aking luha ako'y tumakbo gamit ang aking mga Paa kasama ang pusong durog na durog na.

As pagkakataong ito ramdam ko ang kinatatakutan ko. Natatakot ako noon at nalulungkot sa sinapit ni Tita Hazel ngayon ramdam ko na ito. Gustave akala ko ba ayaw mong maging katulad ng Papa mo pero bakit ganito? Hindi maiwasang magtanong ng tumatangis kong puso.

Kung kanina hindi ko mapigilan ang luha ko, noong nasa labas na ako ng bahay namin pinunasan ko ang lahat ng ito. Ang aking mga luha'y aking ikinubli sa aking mga ngiti.


I faced my Family with a luminous smile. Pero tila may pilak na ulap ring nakapalibot sa boung araw dahil sa bigat ng atmosphere na nakapalibot sa kanila.

"Anong nangyari. Bakit mukhang problemado kayo?"

Galit ang ekspresyon ni Dwight kahit na namumutla ito. Si Tala ay galit rin samantalang ang magandang mata naman ni Hiraya ay namumula at May nag babadyang tumulong luha. Ang aking ina naman ay May nanghihinang ekpresyon ngunit May kaunting ngiti sa kaniyang labi.


"Sinag, Anak" isang yakap mula kay Mama ang sumalubong sa akin.



"Ano pong nangyayari? May problema po ba?"


Lahat sila ay nagkatitigan. Lito ako at sagot ang kailangan ko.


"Sinag anak, I know na huli na pero gusto kong sabihin sa iyo ang napaka tagal na naming sikreto ng mama niyo. Nakita na namin ang isa pang kapatid ninyo"



I was stunned. Hindi ko alam kong paano ako magre-react. "P-po?"


Yumuko si Papa upang itago ang pag kinang ng luhang nagbabadyang tumulo.



"I'm sorry. Sana sinabi ko kaagad ito sa inyo."


A tear escaped my left eye along with a heart full of happiness. My expression and emotion is opposite. "P-pa, sino siya? Asan siya? Gusto ko siyang makita?" Kahit na tumutulo ang luha ko isang ngiti ang nabuo sa aking labi.


"Ate Sinag! Nahihibang ka na ba?" Nanghihinang sigaw ni Dwight.

"Dwight, kayo, hindi ba kayo masaya na may kapatid pa tayo? The more the merrier diba!" I genuinely smile to hide my real emotion. Masaya ako dahil sa balita pero malungkot dahil sa natuklasan ko kanina.



"Sinag" malambing na saad ni mama.


When I faced her, she gave me the Sweetest smile that lessen the baggage I'm carrying. Noong si Papa naman ang sinulyapan ko he gave me a smile of relief.



"Ate" basag ang boses na saad ni Hiraya sabay yakap sa akin. Hindi nagsalita si Tala niyakap lamang niya ako.





Natawa ako ng napuno ng hagulgol nila ang paligid. Tiningnan ko ng May ngiti si Dwight. "Come here" she rolled her eyes before embracing me.



"You're the purest Sinag, you deserve nothing but the finest in this world, my Sinag Baby" a tear escapade my momma's eye.


Mas lalong tumulo ang aking luha. Hinihiling ng aking puso na sana ganiyan rin ang iniisip ni Gustave.


Lumapit sa amin ang mga magulang namin. Pinagsaluhan namin ang isang malaking mainit na yakap na puno ng pagmamahal para sa pamilya. The one true love. A family's love.

-

Matapos ang isang rebelasyon ay sa hapag-kainan na namin ipinagpatuloy ang kamustahan at paguusap sa iba pang bagay.


Napag-usapan rin namin na sa susunod na Linggo ay makikita na namin ang kapatid namin. Inaayos lang ang ibang papeles. Her name is Kaya in short for Kayla Allaina De Silva. Inaamin kong hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit kami binigyan Nina Mama at Papa ng gano'ng klase ng pangalan.



Mas lalo kong hinangaan ang aking Ina ng malaman na anak sa ibang babae ni Papa si Kaya. Si Kaya Ang bunga ng unang nobya ni papa. Ang kaniyang first love. Kaya mas matanda sa akin si Kaya. I admired my mother more when she accepted the truth with an open arms and lovely smile.




Siya talaga ang role model ng buhay ko. I admired her for her calm but world changing statements, her remarks always left me with lessons.


Mas lalo kong hinangaan ang babaeng nagbigay ng buhay sa akin ng sa lamig at dilim ng gabi andito siya sa aking tabi at pinaparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa.



Nagwala ang aking ama kanina ng malaman ang ginawa ni Gustave sa akin pero luckily na control siya ni Mama. Hindi ko man gustong sabihin sa kanila muna pero sabi ni mama dapat daw. Alam din naman daw niya na hindi gagawa si Papa ng ikapahamak Nino man. I trusted my mother kaya sinabi ko rin. Alam kong galit si Papa dahil nasaktan ang anak na panganay niya pero pilit niya itong kinokontrol dahil ayaw ko ng gulo at alam niya iyon. I'm so thankful na sila ang pamilya ko kasi imbis na pagalitan nila ako tahimik lamang silang dinadamayan ako.




"Mag-da-dalawang taon na kami Mama, paano niya nagawang isantabi iyon para sa makamundong ligaya?" I kept on sobbing in my Mama's warm embrace.


Hinaplos niya lamang ang aking buhok at hindi na nagsalita sapagkat nakikinig lang. "Papaano niya nagawang saktan ako? Ako na walang ginagawa kundi mahalin siya?" Nakakatawang kinain niya lang din ang mga sinabi niya. "Ako'y naguguluhan kung bakit niya ginawa ito? Tuwing naaalala ko ang kanilang ginawa kanina tila kutsilyo itong humihiwa sa aking puso."




After a long more crying I heard my mom open her mouth. "Gusto mo bang malaman kong bakit sinag ang tawag namin sa iyo?" That caught my attention.


Tumigil ako sa pagluha at nag angat ng tingin sa kaniya. "Opo"

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. Napapikit ako ng bigyan ako ng isang marahang halik sa noo ni Mama na nag pagaan sa mabigat kong dibdib.

"Dahil sinag ang unang tumama sa iyong mukha ng ipinanganak kita. Kahit na secluded ang Delivery room gumawa ito ng paraan masilayan lamang ang taglay mong kagandahan. Sinag rin dahil sinisigaw ng aking puso na katulad ng araw, you'll shine after the rain"

Katulad nga ng binangit ko kanina. Mama's statements is really powerful that it left me a lesson. Her words encouraged me to face and finish this. I should shine outmost.

SINAG (De Silva Sisters Series #1)Where stories live. Discover now