eight

31 2 0
                                    


Chapter 8

Sa mga nagdaang araw pag-aaral ang aming inuna. Lalo na ako. Nakapag-usap parin naman kami ni Gustave ngunit gaya nga ng inisip ko naging abala rin ito sa paparating na entrance exam. Syempre hindi rin ako nakakalimutan na kamustahin ng mga magulang ko. Sila ngayon ang gumagastos sa tinutuluyan namin at kinakain kaya napaka blessed ko dahil dahil sa pagsuporta at tulong nila pag-aaral na lang ang aking inaabala.


Maagang natapos ang aming klase sa Batanes kaya naman mas maaga kaming nakakapagsanay. Ang kurso na kukunin ko ay business management. Napagdesisyunan ko na pagkatapos ko sa kursong iyon I'll work in the business world and when the time comes I can survive on my one feet bubuwag ako at gagawa ng sariling pangalan sa industriya ng mga damit. I'll strive with my own hard work and dedication.



"Love is in the air" kumento ko ng makita ang kaibigan ko at ang kaniyang boyfriend na naglalambingan.

Tumigil sa pag subo ng popcorn si Thelma kay Oneil, she stared at me with a smug smile itched on her face. "Papuntahin mo kasi si Gustave dito para hindi ka mag selos" nagpatuloy sa sila ngayon.


Isang malalim na buntong hininga ang lumabas sa aking baga bago ako nagpatuloy sa pag-aaral.



Inuubos ko ang mga bakanteng oras ko para makausap si Gustave sa telepono ganu'n na rin ang pamilya ko. Araw-araw kong pinaparamdam sa kanila na miss ko na sila at wag silang mabahala sa sitwasyon ko rito.


"Kamusta ang pag-aaral mo? Nakaka-distract ba ako?" Alam kong hating gabi na pero ito lang ang bakante kong oras at kailangan ko siyang makausap dahil nais ng sistema kong marinig ang paos niyang boses na hindi kailanman tumigil sa pagpapalambot sa aking mga tuhod.



"Hindi okay lang. Hindi parin naman ako tulog eh. Ikaw kumusta ka riyan? Kamusta kasama ang mag jowa?" Pilyo niyang saad.



Natawa ako ng mahina dahil baka magising ko ang magkasintahan na nakatulog na sa pagbabasa. "Ito, nakaka ingit minsan."



"Miss na kita" muling nabuhay ang aking sistema narinig lamang ang boses niya.

"Miss na rin kita. Gusto ko nang mas maging madali ang paglipas ng oras para masilayan na uli kita"


"Ako rin." Pagkatapos ng banayad na usapan ay napagdesisyunan naming matulog na dahil maaga pa kami bukas.

-

"Oh kumusta nakapag-usap na ba kayo ni Gustave?" Iyon ang maagang bati ni Thelma sa akin.


"Oo, kagabi lang"


"Hayaan mo na ilang Linggo na lang naman tapos na ito at makakauwi na uli tayo sa Batanes"


"Miss ko na sila"


"Ang sila mo si Gustave lang naman ang ibig sabihin niyan" nakakaasar siyang tumawa bago bumalik sa kuwarto nila para gisingin ang kaniyang kasintahan.





Mga linggo'y napuno ng papel. Kailangang basahin o aralin, alinman sa dalawa ginugulo namin ang aming oras. Sa mga nagdaang araw ay patuloy pa rin naman ang kumunikasyon namin ni Gustave Hindi nga lang consistent kasi gaya ko nga nag-aaral rin ito.



Itinali ko sa mataas na ponytail ang aking buhok. Sinulyapan kong muli ang aking itsura sa salamin. Handa na kaya ako? Kakayanin ko kaya? Pilit binabagabag ng mga tanong na iyan ang sistema ko.



"Tama na iyan, Sinag mababasag ang salamin"


Kay aga-aga mga biro agad ni Thelma ang bumungad sa akin. Natawa na lamang ako at inasikaso na nag dadalhin ko.

-

Magkahawak ang kamay ng dalawa sa kilid ko. Habang ako ay pasulyap sulyap lang sa kanila. Inaayos ni Thelma ang neck tie ni Oneil. Nagkakagulo ang dalawa habang ako ay natatawang nakamasid lamang.



"Wag kang malikot kasi. Hihiwalayan talaga kita!" Ang kaninang irap ng irap na si Oneil ay biglang naging maamong tuta.


"Sige gawin mo kung anong magpapasaya sa iyo" natawa kami sa inasal niya. Kita mo talaga ang tunay na saya sa kanilang mga mata.


Isang napakalalim na hininga ang aking ibinuga bago tuluyang tumapak sa isang silid kung saan magsisimula ang takbo ng aking buhay na kalesa.



Salamat sa nasa itaas nagawa kong itawid ang entrance exam. Hindi nalilito kundi kuntento.


"One week raw bago ilabas ang resulta. Sana naman makapasa ako!"
Inilagay ni Oneil ang kaniyang kamay sa bewang ni Thelma.


"Makakapasok tayo tiwala lang"



"Tama tiwala lang"

-

Tila huminto sa pagtibok ang puso ko, tumahimik ang buong paligid at nanlabo ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang tumulo na luha dahil sa kaba at hindi maipaliwanag na ligaya.


Noong oras na binigkas ni Thelma na pasado kaming tatlo tila tinambol ang puso ko. Abot langit ang pasasalamat ko. Kaya noong dumating ang araw ng Sabado isang araw bago ang aming anibersaryo ay umuwi ako. I didn't inform Gustave about my sudden arrival.



"Goodluck sa pakikipagkita sa mahal mo girl. Landi lang girl!" Tinakpan ni Oneil ang bibig ng kasintahan dahil nang-aagaw na ito ng atensyon. She mumbled more things pero hindi ko na pinansin at natawa lamang ako.




Pinili ko ring hindi na isama ang dalawa para magkaroon naman sila ng privacy.

I landed at Batanes with a heart full of surprises. Napakarami kong gustong ikuwento sa kanilang lahat. At syempre gusto kong mayakap silang lahat.

Sinag. Ray of sunlight welcomed me. Kahit na isang taon mahigit pa lamang akong namamalagi sa lugar na ito kinikilala na ng puso ko ang lugar na ito.


Isang preskong simoy ng hangin ang yumakap sa akin.


"Ma'am Sinag tara na po, hinihintay na po kayo ng mga magulang at kapatid ninyo" sumakay ako sa kotse na nagdala sa akin sa bahay kinalakhan ni Papa.



Tulad ng inaasahan ko mahigpit at mainit na yakap ang sumalubong sa akin. "We missed you so much, Darling" ubod ng lambing ang boses ni mama.


"Proud na proud kami sa iyo Sinag. Sa mga naabot mo at sa mga aabutin pa lamang" yakap rin ang ibinigay sa akin ni Papa.

Ikinuwento ko sa kanila lahat ng pinagdaanan ko kasama sina Thelma at Oneil para lamang makapasok sa tanyag na unibersidad. Napahaba ang aming kuwentuhan na hindi ko namalayan ang oras. Dumating ako ng alas diyes ng umaga ngayon ay ika dalawa na ng hapon. Ilang oras rin kaming nakikipagkuwentuhan.



May kailangan silang asikasuhin ni Papa at Mama kaya naputol ang usapan. Doon ko lang din na alala si Gustave.


Hindi ko siya puwedeng tawagan kundi hindi na ito surpresa. Hindi man sigurado pinuntahan ko siya sa hardin ng kaniyang lola kung saan kami madalas bago ako tumulak ng Maynila. Ngunit sa pag-aakalang masusurpresa ko siya ako ang nasurpresa.

SINAG (De Silva Sisters Series #1)Where stories live. Discover now