ten

35 3 0
                                    

Chapter 10

Hindi ko alam kong sino ang nagpaabot ng balita kina Thelma basta ang alam ko galit na galit rin ito base sa pananalita nito sa telepono.

"Ang kapal din naman talaga ng mukha! Siya na nga ang kinaibigan mo sinulot pa ang jowa mo! Ayaw kong mag mura ah pero potang ina niya! Si Gustave rin pinatunayan niyang wala silang pinagkaiba ng papa niya. Walang kwentang lalaki, hindi mo kasi pinatikim ayon naghanap ng mumurahing pagkain. Mga taksil!" Ayaw ko man ng mga salitang ginagamit niya nasisiyahan parin ako sa pag-alala niya, pinatunayan niya lang na totoo siyang kaibigan.

"Kumalma ka Thelma" kanina ko pa ito pinagsasabihan.

"Paano ako kakalma Sinag? Tingnan mo nga ang ginawa nila na wala ka lamang ng tatlong buwan. At tsaka malay ba natin, baka noong kayo pa sila na rin" that hit me. Baka nga. "I-i mean hayaan mo nalang sila Sinag, makakahanap ka pa ng lalaking tunay na magmamahal sa iyo" bawi niya sa sinabi.

"Wag na muna nating isipin ang mga bagay na ito. Mag focus muna tayo sa nalalapit na pasukan"

Nagpatuloy ang pag-uusap namin pero sa pagkakataong ito iniba na namin ang topic.

-

"Kailan ang alis mo, Anak?" Tanong ni papa habang kumakain kami.

Isinubo ko ang kinakain ko bago nagsalita. "Sa susunod na Linggo po, May kailangan lang akong ayusin" sa mga nagdaang araw napagdesisyunan ko na ayusin ang namamagitan sa amin ni Gustave. Sa mga nagdaang araw na iyon kumalat na rin sa boung bayan ang nagawa nilang pagtataksil sa akin. Noong pinuntahan ako dito ni Gustave Hindi kami nag Kita dahil nanghihina ako sa mga araw na iyon, kaya isang sapak mula kay papa ang nakuha niya imbis na makausap ako.

May kirot sa akin ng malaman na ang halos dalawang taon namin ni Gustave ay nagawa niyang itapon para lamang sa panandaliang kaligayahan. Mas lalo pang nadurog ang puso ko ng malaman na nag bunga ang mga kasalanan nila. Hindi ako Naka tulog ng ilang araw dahil sa sakit at hinanakit. Ngayon lang nagsibalikan ang lakas ko pero hindi pa ito gaanong kasinglakas ng dati kong lakas.

"Leave immediately Sinag, ayaw kong maging laman ka ng mga hindi makabuluhang usap-usapan" pala reminded me.

"I know, Papa. Thank you for your concerns"

Hinawakan ni mama ang kamay ko. "Finish your business as soon as possible" mama smiled at me.

Sa mga araw na ito nakakasama na rin namin ang kapatid namin na si Kaya. I can't help but to admire how tough and brave she is. Nakayanan niya ang lahat-lahat. She's not just tough physically but also emotionally and mentally.

-

Hinanda ko ang sarili ko. I ready myself to face my new challenge. Kailangan kong tapusin ang problemang ito bago ako umalis. I want all settled, para sa akin at sa bata. Ang sakit isipin na dalawang buhay ang kanilang nasira dahil sa makamundong pagnanasa. Alam ko, minahal ko si Gustave pero sa tingin ko tama na ang minsang panloloko. 

I tried o connect to Daphne first, dahil  hindi ko kayang makita silang magkasama. Luckily pumayag siya na pagusapan namin itong dalawa.

Sa isang cafe namin napagkasunduang magkita.

Na una ako ng kaunti sa kaniya. Namumugto ang kaniyang mga mata kaya kaunti ako'y nakaramdam ng kaunting awa.

Ibinaba ko ang aking mga mata sa kaniyang tiyan na kaniyang hinahaplos. Ramdam ko ang nararamdaman ni Tita Hazel noong nalaman niya ang pagdadalang tao ng mama ni Gustave sa kaniya. "Hindi ko na ito patatagalin pa dahil kakausapin ko pa rin si Gustave. Gusto Kong mag sorry dahil sa hindi ko agad pag harap sa iyo." Umupo siya sa unahan ko.

"I'm sorry Sinag, alam kong ang sama kong kaibigan. Pasensya na nadala lang talaga ako ng sarili ko" nabasag ang kaniyang boses.

Tiningnan ko lang siya gamit ang blangkong tingin na nagkukubli ang malungkot kong saluubin. Bumaba ulit ang mga mata ko sa kaniyang tiyan hindi ko parin lubos maisip ang kasalanan nila na naghantong sa pagbuo ng isang bata.

"Andito ako para sabihin na sana tapusin na natin ang gusot na namamagitan sa atin. Gusto kong malaman mo na pinapaubaya ko na si Gustave sa iyo at sa magiging anak ninyo. Lalayo ako at sana maging masaya kayo. Palakihin niyo siya na puno ng pagmamahal at wag niyong isisi sa kaniya ang mga nangyari."

"Pasensya na talaga alam kong mali pero hindi ko talaga napigilan"

"Kung May pinag-aralan ka alam mo ang pinagkaiba ng Mali at tama" I didn't intend to be harsh pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Sorry. Sana maging maliwanag sa iyo ang paguusap na ito. Until our next time, goodbye" nilisan ko lugar na iyon na May pusong nag papaubaya.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Daphne si Gustave Naman ang tinawagan ko.

Hindi ko alam kong saan ko kinuha ang lakas ko para manatiling nakatayo sa ilalim ng puno na siyang Saksi sa pagmamahalan namin at sa kamunduhan nila.

Malayo pa lang kilala ko na ang presensya ng taong papalapit sa akin. Parang tinambol ang puso ko. Hindi ko maipagkakailang mahal ko pa siya dahil wala naman talaga Atang tao na makakalimot ng halos dalawang taong pag iibigan sa loob lang ng dalawang Linggo.

"Sinag" rinig ko ang pagkabasag ng boses niya.

Tama nga ako dahil noong oras na nagkaharap kami nakita kong nanunubig ang kaniyang mga mata.

Sinubukan niyang abutin ang mga pisngi ko pero iniwas ko ito.

"Gusto kong mag-usap tayo at tapusin na natin to para sa akin at para sa magiging anak ninyo" hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko.

"I'm sorry, I'm really sorry. Hindi ko sinasadya. Pasensya na talaga"

Iniwas ko ang mga mata upang hindi ito magtagpo sa kaniya. Sa unang pagkakataon kailangan kong maging matapang.

"Lahat ng kasalanan sadya man o hindi ay mananatiling kasalanan" pilit kong tinago ang sakit sa boses ko at taas noong inilahad ang nararamdaman ko.

"I'm really sorry, please patawarin mo ako" tuluyan ng umagos ang mga luha niya samantalang ako pilit itong pinipigilan.

"Lahat ng kasalan ay May nararapat na ka parusahan pero sa sitwasyon mo ang responsibilidad mo sa magiging anak mo ang nararapat sa iyo. Inaamin kong mahal kita, mahal pa kita at mamahalin pa pero sapat na ang sugat na iyong hiniwa. At tsaka May responsibilidad ka na."

"Alam kong nagkamali ako, pasensya na nadala lamang ako ng sarili ko. Mahal na mahal kita Sinag, Please maniwala ka" lumuhod na ito ngayon sa aking harapan.

Hinawakan ko siya para umangat pa tayo. "Tumayo ka. Mag-usap tayo ng maayos." Tumayo ito. Sa pagkakataong hindi ko na iniwas ang akin tingin. "Gusto kong malaman mo na sakit ang nararamdaman ko hindi galit. Hindi ko kasi lubos maisip kung saan ako nagkulang o May mali ba akong nagawa? Pero sa mga nag daang araw nasagot ng sarili ko ang sarili kong katanungan. Hindi ako ang nagkulang, ikaw at ang pagmamahal mo ang nagkulang. Dahil kung mahal na mahal mo ako hindi mo magagawa ang lahat ng ito."

"Hindi mo rin kailangang magmakaawa para paniwalaan ko ang pagmamahal mo, dahil kung tunay at lubos mo nga akong mahal ramdam ko ito. Panagutan mo ang mga ginawa niyo ni Daphne, mahal ka niya kaya wag mong uulitin sa kaniyang ang ginawa mo sa akin dahil pag ginawa mo papatunayan mo lang na katulad ka ng iyong ama" i know I'm too harsh pero gusto ko lang na malaman niya na hindi diserve ni Daphne o Nino mang babae ang masaktan at maloko.

"Sana naliwanagan ka sa pag-uusap nating ito, tapusin na natin ito. Mahal kita pero tama na" noong ako'y tumalikod na doon na nagsabayang tumulo ang aking luha.

Minahal kita at Mahal pa pero sa tingin ko dito nalang tayo. Dahil wala ng sasakit pa sa kasalanang pangangaliwa na nag bunga ng isang bata.

SINAG (De Silva Sisters Series #1)Where stories live. Discover now