three

38 5 0
                                    


Chapter 3

Ang kalendaryo ay muling gumalaw, dala ang oras. Bagong buwan bagong araw. Isang buwan na ang lumipas at sa loob ng isang buwang iyon ay nakilala ko ng mas mabuti si Gustave.

Gaya noong nakalipas na buwan. Nananatili kami sa kuwarto ng mga obra ng kaniyang ama pagkatapos ng klase para tuklasin ang nakatagong mensahe sa mga obra nito.

Nakakapanindig-balahibo at nakamamanghang mensahe ang aming mga natutuklasan. Masasabi ngang napakagaling na pintor ng kaniyang ama dahil sa galing nitong magpahiwatig ng mensahe. Maiiwan kang luhaan, mangha, at gising sa realidad.

Halos ang mensahe ng kaniyang mga obra ay ang napakalungkot na sinapit ng kanilang pagmamahalan dahil sa isang kasalanan.

"Ano ang gagawin mo Thelms pag nalaman mong hindi ikaw ang nagiisa sa puso ng taong minamahal mo Thelms?" Nakatulala sa kawalan kong tanong kay Thelma na kasalukuyang nag lalaro ng damath kasama ang isa pa naming kaklase.


Napahinto ito sa paglalaro at may sarkastikong ngiti sa labi. "Ako pa talaga ang tinatanong mo niyan Sinag ah? Ako pa talaga na NBSB?"

Oo nga pala. "I'm sorry. Nakalimutan ko." I apologiticaly spat.

Umiling siya. "Bakit niloloko ka ba ng Gustave na iyon?"

"What are you saying?" I just laughed at muling tumitig sa labas na kasalukuyang binubugso ng napakalakas na ulan at malamig na hangin.

Hindi na ito sumagot pa at tanging tsk at iling lamang ang ginawa.

Muli kong ibinaling ang aking atensyon sa mga halamang nababasa. Lumalaban ito upang hindi maputol ngunit sadyang mas malakas ang hangin at ulan kaya naman wala silang nagagawa kundi madala, masaktan at bumitiw. Muling nagbalik sa aking alaala ang napaka sakit na sinapit ni Tita Hazel.

Paanong hindi nakukuntento ang lalaki sa isa? Mga babae ba'y tropiyo na dapat marami ang iyong kolekta?

"Ang lakas ng ulan pero patuloy pa rin ang klase. Woah waterproof na pala ngayon ang mga istudyante" eksaheradang saad ni Thelma sa aking gilid.


Hindi ko na siya binalingan ng atensyon. Binaling ko lang ang atensyon ko sa harap ng pumasok na ang subject teacher namin.


Nagpatuloy ang klase. Noong natapos na ang ulan natapos na rin ang klase kaya gano'n nalang sila kasaya gano'n rin si Thelma na malayang makakapag com shop.

"Ayaw mo talagang sumama Sinag?" Paniniguro niya.

"Hindi na magpakasaya ka na roon. Hindi naman ako mahilig diyan"

"Sayang libre pa naman sana kita. Pero sige. Kita nalang tayo bukas. Ba-bye" nagkawayan kami bago siya umalis.

Naagaw ang aking atensyon ng lalaking nakaangkas sa kaniyang bisikleta na May napakatamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Tara na" hindi na ako nagsalita pa at sumampa na rin ako sa bisikleta niya.

-

Isang berdeng burol na napapaligiran ng matatayog na kayumangging puno ang aming tinahak. Pataas ang direksyon kaya kailangan naming bumaba galing sa bisikleta.

Sa tuktok ng burol nakapalibot ang tila bahagharing mga bulaklak. Napapaligiran ang tuktok ng burol ng bulaklak na May samu't saring kulay.

Puti para sa Jasmine. Pula para sa rosas. Ube para sa Orchid. Dilaw para sa sunflower. Berde para sa mga dahon.

"Ang ganda dito. Sino ang nagmamay-ari nito?" Mangha ang namamayani sa aking mga mata.


"Garden to ng lola ko Pero ngayon ako na ang nag-aalaga nito dahil andon na siya sa Manila kasama ang mga pinsan ko" roon ko lang din napansin na palagi siyang mag-isa sa bahay.

"Kailan pa siya umalis?"

"Bago nagsimula ang klase"

Kulay pilak na kalungkutan ang namayani sa aking sistema. "It's must be tough living alone"

"Hindi naman dahil nandyan ka"

I laughed. "Bulero. Katulad ka ng maga bulaklak dito. Mabulaklak mag salita" mas lumakas ang pag tawa ko.

Ang kaniyang tawa ay humina. Nakatingin lang siya sa akin ngayon na tila wala sa sarili.

"What's wrong?" Napatigil narin tuloy ako sa pagtawa.

"Ang pagtama ng sinag sa mukha mo ay kay gandang pagmasdan. Ang sinag ay tumatama sa mukha ni Sinag, it sounds ridiculous but it's gorgeous" he spat breathily.

Isang napaka habang katahimikan ang namayani sa kapaligiran. Nabasag lamang ito ng aking halakhak. Namumulang nag-iwas ng tingin si Gustave sa akin, samantalang ako ay namumulang tumatawa.

Pula para sa pusong tumitibok. Pula para sa pisngi nag-iinit. Sa sixteen years na pamumuhay ko sa mundong ito alam ko na halos lahat ng kumbinasyon ng kulay sa mundong ito pero hindi ni minsan sumagi sa isip ko na gagamitin ko ang pula para sa pagtibok ng puso.

Naglatag ng puting tela si Gustave sa isang putol na punong kahoy. Umupo siya roon sabay tapik ng katabi niya senyales na maupo rin ako.

Basa ang berdeng mga dahon kaya hindi puwedeng upuan.

"Ang sakit ng katawan ko. Ang habang kaya ng binyahe natin"

Nabahala ako ng sinumulan niyang masahiin ang kaniyang katawan.

Lumapit ako sa kaniya. Tinulungan ko siyang masahiin ang kaniyang balikat.


"Ang sakit ng katawan ko para akong binugbog"

"I'm really sorry. Sana Hindi nalang ako sumakay noong paakyat tayo." Concern dripped within me.

"Ang sakit ng katawan ko, araw-araw ba namang mahulog saiyo"

"I'm sorry—what did you say?" I was stunned. Did I heard him right?

When I met his gaze the colour that surrounds me suddenly swriled. It's like the whole things slowed. Ang paghuni ng ibon ay bumagal gano'n din ang paggalaw ng dahon, pagsayaw ng simoy ng hangin. Lahat ay bumagal sa oras na nagtama ang aming mga mata.

Nahu-hulog na nga ba ako?

"I'm serious Sinag, nahuhulog na ako sa iyo. Parang ibon na nahulog sa bitag. Wala ng pag-asang makalabas ng buhay, walang magagawa kundi harapin ang tadhana."

"Gustave" tila naubos ang libong salita.

"I'm the rain you're the sun, hold my hand, and together let's make our rainbow that's sublime" he caressed my face. "Let me court you and promise I'll never disappoint you" bumaba ang kaniyang kamay sa aking kamay. Hinagkan niya ang likod ng aking palad. "Halik sa pagkakataong ito, singsing ang susunod sagutin mo lang ako. Sinag hyaan mong patunayan ko sa iyo ang pag-ibig ko"

Sa tingin ko'y bumalik ako sa pagkabata. Mangmang at walang alam. Walang salitang lumabas sa aking bibig. Blanko ang aking isip. Napakabilis ng tibok ng aking dibdib. Gustave papaano mo ito nagagawa sa akin?


Sa ilalim ng sinag ng araw gaya ng aking pangalan. Sa ibabaw ng basang berdeng dahon. Napapaligiran ng iba't-ibang halaman na May samu't saring kulay. Unti-unting tumaas ang aking ulo para sa isang pagtango.

"Oo, pumapayag ang puso ko na iyong ligawan Gustave"

Ang kaniyang pulang labi ay unti-unting umangat para sa isang napaka tamis na ngiti na maihahalintulad sa pulot na kulay ginto.

SINAG (De Silva Sisters Series #1)Where stories live. Discover now