six

34 2 0
                                    

Chapter 6

Ang bilis ng takbo ng oras na hindi na namin namalayan na balik-eskwela na, ngayon ay nasa fourth year highschool na kami at isang taon nalang magko-kolehiyo na kami.

Busy school days welcomed the new school year. Dahil fourth year na kami ngayon mas maraming school works ang nakaatas sa amin ngayon. But aside from what is happening nagagawa parin naman naming maglaan ng oras para sa isa't isa ni Gustave.

Noong nagsimula din ang klase ay nakatagpo ako ng bagong kaibigan. Her name is Daphne Collins. She's from France at nanatili siya roon ng isang taon pero sa Manila talaga siya lumaki. I must admit how gorgeous she is. Hues are on point that made her undeniably gorgeous.


Naging tampuhan siya ng tukso at mga lalaking naglalahad ng kanilang pagkagusto. Nagkakilala kami ng maligaw siya rito kaya tinulungan ko siya. Nalaman ko rin na wala siyang kakilala kundi ang kaniyang lola sa lugar na ito kaya naging kaibigan narin namin siya ni Thelma.

"Grabe talaga iyong anak ni Ma'am Annitte napaka sungit talaga akala mo siya lang ang guwapo sa mundo. Ang kapal ng apog. Nakakaasar!" Thelma's been ranting for an hour now. Kanina sa room ngayon kahit sa canteen habang kumakain kami.


"Ano ba kasing ginawa noon sa iyo, Thelms?" Si Daphne naman ngayon.


Pagalit na sumobo ng kinakain niya si Thelma bago pagalit na nag salita. "Paano ba naman kasi pinagbintangan ba naman akong inaway ko iyong shota niya. Gago lang?!"

Naagaw ang atensyon ko ng dumaan sa amin sina Gustave kasama ang mga kaibigan niya. Napatungo naman si Thelma ng makitang kasama rin nila ang anak ni Ma'am Annitte na si Oneil.


"Oh ba't natahimik ka?" Pabulong kong kutya kay Thelma ng tumahimik na lamang ito sa isang gilid.


Inirapan niya ako, sa tingin ko'y napansin iyon ni Daphne kaya natawa kaming dalawa. Nabaling ang atensyon ko sa isang mainit na kamay na humaplos sa pisngi ko. Noong nag angat ako ng tingin nagtagpo ang aming mga mata ni Gustave. Agaran ko siyang nginitian gano'n rin siya.


"Hi" he greeted me breathily.

"Hi" I smiled back.


"Sinong kasama ninyo?" Bumaling ito sa direksyon ni Daphne.


I snapped my fingers. "Oo nga pala. Daphne meet Gustave, my boyfriend" namula ang aking mga pisngi.


Inilahad ni Daphne ang kaniyang mga kamay, malugod naman itong tinanggap ni Gustave.


Isang maiksi ngunit masayang kuwentuhan ang naganap sa aming hapag. May ilangan sina Thelma at Oneil pero hindi na nila ito isinaboses pa.


-

Day by day is like the usual. Dumaan man ang ilang araw gano'n pa rin ang aking mga ginagawa. Pero mas naging busy kami ngayon dahil sa nalalapit na graduation.



Bukod sa unibersidad na nakadiskubre sa aking angking talento May mga ilang kompanya na rin ang nagsilapitan sa akin. Inaalok na mag trabaho ako sa oras na makapagtapos. Most of them is Papa's common friends. Kahit na abot kaya naman namin ang pagkokolehiyo ko pinagiigihan ko parin ang paghasa sa aking talento dahil alam kong balang araw magagamit ko ito.





"Matagal pa ba iyan?" Hindi man isatinig ni Gustave pero ramdam ko ang pagrereklamo niya. Kanina pa kasi ako tutok sa pag do-drawing na hindi ko na siya nabalingan pa ng atensyon.


I let out a hearty laugh. "Halika nga rito" umayos siya ng upo. Kanina ang kaniyang baba ay nasa aking balikat habang nanonood siya sa akin habang nag do-drawing. Ngayon ay nakaupo s'ya sa aking likuran. Kinuha ko ang kaniyang magkabilang balikat at ipinulupot ko ito sa aking bewang saka sumandal sa kaniya.



Ramdam ko ang kiliti ng pagtama ng hininga niya sa aking leeg kaya naman hindi ko mapigilang mapatawa. "Para hindi ka na ma bore, kwentuhan mo nalang ako ng kahit ano tungkol sa iyo" Malabing kong saad.


Ramdam kong nagustuhan niya ang aking ideya dahil mas lalong humigpit ang kaniyang yakap mula sa likod.



Nagsimula siyang magkuwento habang ako ay nagpatuloy sa pag do-drawing habang magiliw na nakikinig sa kaniyang masasayang kuwento.

Napuno ng tawa ang boung hardin. Ang aking dapat na pag do-drawing ay nauwi sa tawanan at kulitan.



Nagpatuloy ang mga araw na gano'n ang aming sistema. Kahit na gaano ako ka busy gumagawa parin ako ng paraan para mabigyan ko ng sapat na oras at atensyon si Gustave.



"Nakahanda naba ang graduation speech mo Sinag? Sigurado kaming ikaw ang valedictorian diba Daphne?"


Natatawa akong sumulyap kay Daphne na tulalang mag ngiti sa labi.


"Hoy! Daphne nakikinig ka ba?" Napasigaw sa gulat si Daphne ng bigla na lamang siyang niyugyog ni Thelma.


"Ay, gusto rin kita! Ano ba naman iyan Thelma ba't ka ba nanggugulat?!" Gulat na napatingin kami ni Thelma. Dahil sa biglaang pag sigaw niya at ang unang sinabi niya.


"Hoy! Hoy! Ano iyan Daphne ah, May chumchansing narin ba sa iyo? Sino iyan ah? Sabihin mo at para makapag unat-unat itong mga muscles ko" itinaas pa ni ang manggas ng kaniyang polo tila naghahanap ng away.


"Magtigil ka nga Thelms. Pero sino nga ba iyan Daphne?" Kuryoso kong tanong.

Nag iwas siya ng tingin. Halatang namumula. "W-wala! Naalala ko lang iyong nakakakilig na scenes sa favorite movie ko"


Sinundot siya sa tagiliran ni Thelma. "Asus! Maniwala kami!" Panunukso niya pa.

Natatawa lang ako nagmamasid sa kanila. Humupa ang aking pagtawa at napuno ng init ang aking sistema ng makita ang aking kasintahan sa hamba ng pintuan nakangiti sa akin ng napakatamis.


Higit sampung hakbang ang kaniyang ginawa bago ako narating at binigyan ng napaka init na yakap.


"Ano tara?" May ngiti sa labi akong tumango sabay tayo.

"Mauna na kami sa inyo Thelma, Daphne, Kita nalang tayo sa pistahan"




Hinatid muna ako ni Gustave sa amin bago siya umuwi sa kanila para mag bihis gano'n rin ako. Pista kasi ngayon sa bayan, napag-usapan namin ni Gustave na Sabay kaming magtutungo roon.


Nauna na sina Mama at Papa dahil alam naman nilang sasabay ako kay Gustave.


Sinalubong niya ako ng isang matamis na ngiti bago namin napagpasiyahang umalis na.

SINAG (De Silva Sisters Series #1)Where stories live. Discover now