Simula

2.2K 44 8
                                    

Lampa

"Lieutenant Galvez, pinapatawag ka ni General Javier." i nodded my head and fix my duty belt.

"Geh, salamat Corp. Reyes." ngisi kong sabi at matulin na lumakad sa hallway ng aming department.

"Tsaka nga pala, hinahanap ka rin sa 'kin ni Captain Pineda. Mukha ba 'kong hanapan ng nawawala?"

Payak naman akong tumawa at nakapamulsang nilingon siya. Tinaasan ako nito ng kilay kaya nginisihan ko siya.

"Mukha ka kasing tanungan ng bayan, Reyes. Tsaka pakisabi sakanya na kapag hindi pa siya tumigil sa pangbu-bwesit sa 'kin. Malilintikan na talaga siya. Sabihin mo 'yon ah."

I lift my brows and smirk before I continue to walk in the hallway. Damn that Captain. Hindi talaga matatapos ang araw ko kapag hindi siya umeepal.

"Lintik. Kanina naging lost and found ako, ngayon naman naging messenger na. Tangina, anong sunod? Food driver?" rinig kong reklamo nito.

Natatawang nilingon ko ito at nginisihan nang nakakaasar.

"Salamat sa ideya, Reyes. Mamaya magorder ka ng makakain natin. Pork sisig akin, wag mong kalimutan kundi babanatan talaga kita."

Narinig ko pa itong sumigaw sa inis kaya natawa ako nang mahina. Matanda kasi ako ng dalawang taon sakanya at mas mataas din ang posisyon ko sakanya. Kaya nabubully ko ito ng malaya.

Hindi naman talaga ako bully. Pero kung sa mga katrabaho ko lang naman, aba hindi na ako tatanggi. Past time ko na kayang bullyhin sila.

Maraming bumati sa 'kin lalo na yung mga nakasalubong ko. Famous ata 'to. At syempre, kapag famous ka. Expect mo na may basher ka.

Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may mga inggit sa 'kin na mga trabaho ko. Oh well, wala naman akong paki sa kanila. Kahit mamatay pa sila sa inggit, wala akong paki. Ako pa maglibing sa kanila eh.

"Mabuti at nandito kana Lieutenant Galvez. Kanina pa kita hinihintay eh." ngumiti naman ako at nagsalute sakanya.

Mabilis naman itong sumaludo at binaba ang kamay. Binaba ko na rin ang kamay ko at bahagyang yumuko sakanya.

"Pasensya na General kung pinaghintay ko kayo ng matagal. Traffic po kasi sa edsa."

Tumawa naman ito at sinenyas ang upuan na nasa tapat ng lamesa nito. Tuwid akong umupo ro'n at itinuon ang pansin kay General Javier.

"Hanga talaga ako sa 'yo Lieutenant Galvez. Lahat ng mga binigay sa 'yong misyon, wala man lang palyado. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit sa edad mong 'yan, mataas na agad ang posisyon mo." ngumisi naman ako nang palihim.

Ayan na, lumalaki na naman ang ulo ng demonyita. Kaya nasasabihan ako ng mayabang eh. Masyado kasi nila akong pinupuri kaya ayan tuloy. Lumalaki ang ulo ko.

"Salamat, General Javier." pormal kong sabi habang nakaupo pa rin nang matuwid. Yung tipong nakakangalay na.

"At dahil sa mga performance mo, Lieutenant. Mukhang hindi malabo na tataas na naman ang posisyon mo sa polisya." bakas ang galak sa mukha niya.

Napakamot ako sa batok at umaktong nahihiya. Pero ang totoo, pumapalakpak na ang dalawa kong tenga.

Kaya gustong-gusto kong pumupunta sa office ni General. Lagi akong pinapaulanan ng mga compliments niya. Kaya pagkalalabas ako sa office niya. Busog na busog ang aking ulo dahil sakanya.

"Mukhang imposible naman atang mangyari 'yon, General." kunwaring nahihiya kong sabi sakanya.

"It's not impossible, Galvez. Infact, kapag naging successful na naman ang bagong misyong ibibigay ko sa 'yo. Maaaring tumaas ang rank mo." gulat ko naman siyang tiningnan.

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon