Kabanata 1

705 30 3
                                    

Bullied

"I'm so dissapointed, Lieutenant Galvez. Hindi lang dahil sa pumalpak ka sa misyong 'to kundi pati na rin sa mga nadamay na tao dahil sa kapalpakan mo." yumuko ako at kinuyom ang aking kamao.

Gandang bungad sa umaga. Sermon is the new breakfast.

"Lima ang patay, bente ang sugatan at dalawa ang critical. Tingnan mo ang ginawa mo, Lieutenant. Sinabihan na kita na wag mo ng ituloy dahil baka patibong lang 'yon. Pero anong ginawa mo? Pinairal mo pa rin ang katigasan ng ulo mo!" i licked my lowered lip before facing him.

"With all due respect, General Javier. Ginawa ko lang po ang trabaho ko. Binigyan niyo ako ng misyon at trabaho kong tapusin 'yon. That was the last day para tapusin ko 'yon, General. And we take that as a chance dahil 'yon na lang ang huling gabi para matapos namin ng matagumpay ang binigay niyong misyon sa 'kin."

Mariin itong umiling sa 'kin at minasahe ang ulo. Totoo naman eh. Yun na ang huling gabi para tapusin namin 'yon. At kahit na alam naming patibong na naman 'yon ay sinunggaban pa rin namin. Hindi kami pwedeng tumunganga lang at hayaang maghasik ng lagim ang sindikato.

"This is what I am talking about. Alam kong magaling ka, Lieutenant. Pero masyado ka ng kinain ng ambisyon mo. Hindi sa lahat ng oras mapagtatagumpayan mo ang misyon. Even me, I'm now a General pero hindi ko itatanggi na pumalpak rin ako sa mga misyon." hinawakan nito ang balikat ko at tiningnan ako nang nakangiti.

"You're like a daughter to me, Galvez. I want you to realize that failures is part of our life. My point is, okay lang na matalo minsan. Ang importante ay marunong kang tumanggap ng pagkatalo pero babangon ka mula sa pagkakadapa at ito'y ipagpapatuloy mo hanggang sa maipanalo mo na ito."

Kinagat ko naman ang labi ko. Mabuti pa siya itinuturing niya akong anak... samantalang yung isa... tangina, ayokong magdrama.

"Give me another chance, General. I promise you that I will arrest the members.. especially their leader. Hindi na ako papalpak sa pagkakataong 'to, General." pangungumbinsi ko sakanya.

Huminga ito at bahagyang umiling. What the... hindi pwede. Maybe he's right, failure is really part of our life. Pero ayokong maging parte ng buhay ko ang salitang 'yon.

Quota na 'ko sa failure na 'yan. Hindi ako papayag na pati sa trabaho ko ay magiging failure pa rin ako. Tama na ang maging failure ako para sa ama ko... do'n palang, down na down na ako.

"As much as I want to give you a chance. Sa iba na binigay ang kasong 'to, Lieutenant. I tried to convience the higher ranks. Pero desidido na sila na ibigay ito sa iba dahil pumalpak ka." i lowered my head and clenched my fist.

Damn that fvcking Gauge. Kasalanan niya 'to lahat! Pagbabayaran niya ang ginawa niyang pamamahiya sa 'kin. Lintik lang ang walang ganti.

At kahit naman hindi na ako ang hahawak sa kasong 'to. Itutuloy ko pa rin ang panghuhunting sa sindikato. Hindi ako makakapayag na magkaroon ako ng palpak na misyon. I will hunt them secretly. Ako mismo ang magdadala sa selda nila kapag nahuli ko sila.

"If you're thinking that you'll still continue this case. Itigil mo na ang kahibangan mo, Galvez. Mapapahamak ka lang, hindi lang ang buhay mo ang mapapahamak. Pati na rin ang trabaho mo. Kapag nalaman nilang nakikialam ka sa kaso ng iba, maaari kang maparusahan."

Ngumisi naman ako sakanya at bahagyang natawa. Akalain mo nga naman, paano niya nalaman ang plano ko?

Teka.. parang nangyari na 'to ah. Deja vu? Oh shit! Kaya naman pala... gano'n rin yung sinabi ni-- ops! Don't say badwords. I won't ever mention his name again. Kumukulo lang ang dugo ko.

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon