Kabanata 7

355 19 1
                                    

Partner

"Let me handle this case, General Javier. Please, I want to help her out General." pang ilang beses ko na 'tong pangungumbinsi sakanya at nangangalay na nga ang panga ko.

"I said no. Delikado Lieutenant. Anak ng Mayor ang babanggain mo. Alam mong marumi silang maglaro at baka mapahamak ka pa rito. Let the other's handle this, Galvez. Wag matigas ang ulo."

Ano bang problema kung Mayor ang babanggain ko? Kahit Presidente pa siya ng bansa I don't give a fvck! Kung may ginawa silang kasalanan dapat nila 'yong bayaran. Hindi pwedeng hindi patas ang hustisya.

Dapat nilang intindihin na hindi lang para sa mga mayaman ang hustisya. Para sa lahat ng tao ang hustisya kaya hindi ako natatakot sakanila.

Eh ano naman kung marumi sila maglaro? Kahit ano pang tago ng baho nila sa katawan. Huhukayin ko 'yon para lang mabigyan ng hustiya si Beatrice. Kung marumi sila maglaro. Edi magparumihan na lang tayo.

"Simula ng magpulis ako General. Alam ko na sa sarili ko na nasa hukay na ang isa kong paa. Ngayon pa ba ako matatakot? Humingi sa 'kin ng tulong si Beatrice at nangako ako na gagawin ko ang lahat para tulungan siya. Please General, maawa ka sa bata."

Huminga ito nang malalim at minasahe ang noo. I know that im being despirate but I just did this because I want to give her a justice. Hindi ko pwedeng hayaan na makalaya ang mga walanghiyang lalaking gumawa nito sa kanya.

Paano nila nagagawang pagsamantalahan ang isang babae? Wala ba silang magulang, kapatid o pinsan na babae? Hindi ba sila napalaki nang maayos ng mga magulang nila at nagawa nila 'to kay Beatrice?

Wala silang karapatang pilitin ang isang babae na gawin ang gusto nila na labag sa kalooban ng babae. Hindi ako makapaniwala na may ganitong klaseng tao sa mundo. Mga walang respeto at walang puso ang mga hayop na 'yon.

"Alam kong gusto mo siyang tulungan Lieutenant. Pero wala akong magagawa dahil sa iba na binigay ang kasong 'to. Hindi ako ang magdedesisyon, Lieutenant. Kaya papensya na kung hindi kita matutulungan."

"Ibibigay nila sa iba? Eh ako lang nga ang kinakausap ni Beatrice. Paano nila siya matutulungan, sige nga."

"Ayusin mo ang tono mo, Lieutenant. Mas matanda at mas mataas pa rin ako sa 'yo. Show your respect to me kahit na tinuturing na kitang parang sarili kong anak."

I lowered my head because of embarrassment. I didn't mean to shout him. Nadala lang talaga ako. Masyado lang talaga akong affected dahil babae 'yon. Kapwa babae ko 'yon at higit sa lahat ang bata pa niya para maranasan 'yon.

"Apologies for my shameful action, General Javier." nakayuko kong sabi sakanya.

"Apology accepted. And im telling you, Lieutenant. Wala na akong magagawa pa. And besides, malaking tao ang babangain mo kung sakali. Pwede nila 'tong baliktarin at isa pa. Wala tayong ebidensya na nirape nga ng anak ng Mayor si Beatrice."

Laglag panga ko naman siyang tiningnan. I can't believed that he'll said that. Knowing General Javier, hindi siya ganito noon eh. Ano bang meron sa Mayor na 'yan at nagiging ganyan sila?

Porque ba Mayor siya ng Manila? Is it because he's powerful? Eh ano ngayon kung makapangyarihan siya? Kung hindi mabibigyan ng hustiya ang nangyari kay Beatrice.

Then I'll believe that the justice in the Philippine is really unfair.

"What's happening to you, General? Are you hearing your words? Sorry ha, pero ano 'yon? General, you have a Wife and a Daughter. Just imagine kung sa anak mo 'to nangyari. Ano ang mararamdaman mo?"

"Please, if you are being afraid of that Mayor. Gumising ka General, nandito tayo para bigyan ng hustisya ang mga tao hindi para pagtakpan ang kademonyohan ng mga 'yon."

Falling Into The DepthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon